(Maikling Kuwento)
Hindi naman talaga dapat accountancy ‘yong kukunin kong course. Sina ermat at erpat lang ang nagpumilit na ‘to ‘yong kunin ko. Paano ba naman kasi, masyado silang frustrated kay ate. Kaya sa’kin na lang pinasa. Kainis nga, dapat talaga tourism ako; kasi matangkad at medyo may itsura naman ako, kaya’t hindi imposibleng matanggap agad ako d’un. Kaso wala akong magagawa, ‘yon ang gusto nila.
First day of school n’un. Excited akong pumasok, gumising pa nga ako ng maaga para lang hindi ma-late sa klase. Tapos nang nakarating na ako sa classroom namin, wala pa palang klase. ‘Yong iba kong mga classmate nakatambay pa sa Hallway, magkakatabi lang sila. ‘Yong ilan nakatingin sa kung saan-saan, mayroon ding feeling close sa iba at ‘yong ibang lalaki, pasikat sa mga babae (‘yong tipong nilalakasan ‘yong pakukuwento at kantsaw sa tropa). Samu’t saring mga mukha, bakas na bakas na hindi pa rin naaalis ang kultura ng pagiging high school.
Nang dumaan ako sa harap ng mga nakatambay sa Hallway papasok sa room, parang wala lang ako sa kanila, parang normal lang. Kung sa bagay hindi naman ako kawalan kung dumaan man ako sa harap nila, basta sila tuloy sa ginagawa.
Nang nasa pintuan na ako, nakita ko na mas marami pa lang mga tao sa loob, tahimik sila, parang nagpapakiramdaman sa isa’t isa. ‘Yong ilan pa nga’y hindi umiimik, parang walang kasama. Feeling nila mundo lang nila ang tumatakbo.
Naghahanap ako n’un ng mapupuwestuhan. At saktong mayroon pang bakante sa likod. Gaya dati n’ung high school, kapag late ka,
sa dulo ang puwesto mo, pero kapag maaga ka, na sa’yo na kung uupo ka sa harap
o hindi.
Tulad noon, kahoy pa rin ang mga upuan, dalawa pa rin ang electric fan na minsan alanganing hindi gumagana, sirang mga jalosi, wakwak na pinto at kung anu-ano pang mga kakulangan sa facility.
Tulad noon, kahoy pa rin ang mga upuan, dalawa pa rin ang electric fan na minsan alanganing hindi gumagana, sirang mga jalosi, wakwak na pinto at kung anu-ano pang mga kakulangan sa facility.
Nang makaupo na ako,
bigla akong napatingin sa isang babae na nasa aking harapan. Parang ang lakas kasi ng aura n’ya. Medyo hindi ko maaninag ang kanyang mukha,
kasi nakatalikod. Pero pinilit ko pa rin
tignan kahit sa gilid lang. At hindi nga
ako nagkamali, maganda s’ya (para sa standard ko), nasa kanya ang katangiang
trip ko sa isang babae. S’ya ‘yong singkit,
mahaba ‘yong buhok na parang silver na nakahalo sa uling at kitang-kita ang
kinang. Makinis at morena, hindi ‘yong
mukhang pilit dahil sa mga gamot. Hiling
ko na sana matangkad din s’ya. Dumeskarte
ako, nagpanggap na may itatapon sa labas para kapag papasok ako at babalik sa
dating puwesto’y mas masisilayan ko ang kanyang gandang taglay (sa standard ko
lang ‘to).
Tumayo nga ako’t lumabas sa room at kunyaring may itatapon sa basurahan pero wala naman talaga. Nang pabalik na ako, pasimpleng tingin ang ginagawa ko (parang sa mga mandurukot sa jeep – eye contact sa mga kasamahan nila), ‘yong hindi talaga halata. Tiyempong pagtingin ko ulit, saktong nagkakatinginan kami at na-realize ko na mas maganda pala s’ya kapag nakaharap. Tapos hindi ko alam ang gagawin n’un, kaya para hindi halatang nang-i-stalker ako, tumingin ako sa kisama ng room. Ang angas! Kahit saglit lang ‘yong salpukan ng aming mga mata feeling ko ang guwapo ko. Umupo na nga ako at kung anu-ano ang aking iniisip nang time na ‘yon. Siguro crush ako nito, kasi napatingin din siya sa’kin. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon, susunggaban ko talaga agad ‘yon. Kaso ayokong magpadalus-dalos, mahirap na, baka mayari ako sa bandang huli. Pakiramdam ko matatapos ‘yong araw na kinikilig ako, kasi hindi ako maka move-on sa titigang ‘yon. Salamat na nga lang sa aktibiting ginawa namin sa klase, dahil d’un napag-alaman ko na Faith pala ang kanyang pangalan. Angas talaga, naa-amaze ako, pangalan pa lang panalo na, talagang hindi mawawala ang Faith ko sa kanya.

Nang sumunod na araw, balak
kong titigan ulit s’ya mula sa likuran (hindi n’ya naman alam na nakatingin ako
sa kanya, kasi nakatalikod s’ya). At
gaya ng nangyari kahapon, tinitigan ko uli s’ya bago ako umupo at naulit ulit
ang nangyari, nagkatitigan na naman kami (this time pinahalata ko na). Dahil sa insedenteng ‘yon, pakiramdam ko
mahal ko na siya. Naisaisip ko n’un, ang
saya pala maging college, mas masaya kaysa sa high school.
Lumipas ang ilang araw,
nag-iba na ang sitting arrangement namin, kasi pumasok na ‘yong ibang professor
namin. Bawat subject may kanya-kanyang arrangement
(alphabetical, by birthday, by gender). At
si Faith, hindi ko na masyadong masisilayan.
May mga pagkakataong kinukusa
ng aking mata na tumingin kay Faith, kahit malayo s’ya’y hinahanap pa rin s’ya
ng aking mata (parang dragon radar, biglang tumutunog at umiilaw kapag may
malapit na dragon ball sa paligid). At
hindi ko alam kung pampalubag-loob lang ‘yon, pero tumititig din naman s’ya sa
akin. Sa tuwing magtatagpo ang aming
paningin, parang nanghihina ako, ang ganda niya kasi talaga. Infairness, matagal bago maghiwalay ang aming
tingin sa isa’t isa. Tapos isang malupit
na ngiti ang response namin kapag alam namin na maghihiwalay na ang aming
paningin. After n’un sobrang kilig to
the max ako, minsan napapailing ako sa sobrang saya at hindi ko maiwasang
mag-isip, mahal na rin ‘ata talaga ako ni Faith na aking sinisinta. Tingin ko, ‘yon ‘yong nagging dahilan para
maging madalas ang aming pagtititigan.
Ito na kaya ‘yong
tinatawag na Inlove o Puppy Love pa rin ‘to gaya n’ung nasa elementary at high
school ako? Pero kahit ano pa ‘yon,
basta malaki ang faith ko kay Faith na mahal n’ya rin ako. Sobrang kakaiba kasi talaga ‘yong titig n’ya,
may meaning na parang may gustong sabihin, tumatagos, tapos parang kumakanta ‘yong
puso ko sa sobrang pagkahumaling sa kanya.
Dahil ulit sa titig na ‘yon, feeling ko inlababo na ako sa kanya.
Dumami ang aking naging ka-close at isa na nga rito si Faith, medyo may pag-aalangan sa tuwing babatiin ko s’ya, pero lagi kaming nagngingitian kapag magkaharap, parang walang malisya ‘yong ginagawa naming titigan (para sa’kin). Minsan nga, naiisip kong magtapat ng nararamdaman para sa kanya, pero ayoko, baka maging awkward tapos mag-iba ‘yong pagtingin n’ya sa’kin (‘yong maiilang s’ya) at hindi na n’ya ako muling tititigan. Siguro ‘saka na lang pag dating ng tamang panahon. Sa ngayon, susulitin ko muna na nagtitigan kami, masarap kasi sa pakiramdam e. may something na hindi ko maipaliwanag.
Miyerkules n’un at CWTS namin. Kaonti pa lang kami sa room, mabibilang pa sa mga daliri. Tapos bago ako pumasok sa room nand’un na si Faith. Wala s’yang katabi (pagkakataon na ‘to). Super trip ko s’yang titigan, kaso bigo ako, nagbabasa kasi s’ya ng libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKO. Bahala na, pasok na sa room kahit kinakabahan ako. ‘Yong feeling na naiihi ka tapos nauutot, at nag-aalangan kang umihi kasi natatakot kang imbes na hangin, igit ang lumabas ang puwet mo. Tapos pagpapawisan ka ng butil-butil. Papakalmahin mo ang sarili, kaso wala nang magagawa kasi basa na (ng igit) ‘yong brief mo.

Nakaupo s’ya sa kabilang
side ko, sa kanan, sa ikatlong row, samantalang ako, sa kaliwa, sa dulo. Tinitingnan ko pa rin s’ya. Tapos parang may mga dagang naghahabulan sa
dibdbi ko. Tapos bumibilis ‘yong tibok
ng puso ko na parang magkakaroon ng lindol sa ilalim na dagat na pagmumulan ng
matinding tsunami. ‘Yong mukha ko,
pakiramdam ko nakakain ako ng pagkaing nakaka-allergy sa’kin. Sobrang kati na parang namumula at
umiinit. Badtrip, masyadong maganda kasi ‘yong postura n’ya habang
nagbabasa ng libro. Mala-anghel sa lupa.
Hindi ko talaga kayang i-describe ‘yong feeling ko na parang nakakain ng
sobrang anghang na bicol express (kulang na lang magbuga ka ng apoy) at isang
basong tubig lang ang meron ka at kailangan mong pagkasyahin para maubos ang
ulam at kanin. Nanginginig ako (kahit
sobrang init sa room), tapos lalong tumitindi kasi mas tumatalim ‘yong tingin
ko sa kanya at hindi puwedeng ibaling sa iba.
Talagang hindi ko na kaya, sobrang ganda n’ya, ayokong makita ‘yong
kanyang postura habang nagbabasa ng libro.
Lalo akong nai-inlove sa kanya. Pakiramdam
ko pinapalibutan s’ya ng mga anghel sa kanyang gilid tapos sabay-sabay silang
kumakanta ng isang Uyayi. Hanggang sa
hindi ko na talaga kaya. Nakapag-decide na
ako, magtapat ako ng nararamdaman
sa kanya, mahirap na, kasi baka mamaya darami mga classmate ko at baka
mahirapan na akong magtapat.
Tumayo ako para makalapit sa kanya. Habang papalapit, tinititigan ko pa rin s’ya. Dapat focus. Hindi mawala ‘yong feeling ko. Lalo akong nai-excite, lalo akong nanginginig at lalo akong napapamahal sa pagtitig sa kanya.
Tumabi nga ako sa kanya, medyo kinakabahan pero kailangan kasi lalaki ako. Ayokong bansagang torpe. Napalingon lang s’ya sa’kin tapos balik ulit ang kanyang attendtion sa librong binabasa. Walang anu-ano, ako na ang dumamovs.
“Ahmmm…. Faith, ahmmm. May sasabihin ako sa’yo.” Kagat labi akong kinakabahan.
“Oh?” ‘Yong walang emosyon na pagpapakita na wala s’yang pakialam.
“Ahmm… ayon nga. Ahmmm, crush kasi kita.” Feeling ko sumisikip ‘yong dibdib ko. Pero masarap pala sa pakiramdam kapag nagtapat ka ng nararamdaman. ‘Yong nagpakatotoo ka lang sa buhay mo.
“Sus,” parang nagsusuri ‘yong mga sagot na ‘yon, taas kilay at nakangisi. “Iba na lang pagtripan mo, huwag ako.” Nananantsa talaga.
“Bahala ka d’yan ,wala akong pakialam kung maniniwala ka man o hindi, basta ang mahalaga nasabi ko na sa’yo.” Taas kilay ako, parang walang nararamdamang kaba sa sarili. Tapos umalis na ako sa tabi niya. At dala-dala ko ‘yong bigat at katotohanang matatapos na rin ang aking maliligayang araw, pakiramdam ko hindi na ulit kamin magtitinginan. Pakiramdam ko wala na talaga.

Pero mali pala ‘yong
hinala ko. Nagtititigan pa rin kami (may
klase man o wala basta nagkatsempuhan).
Parang wala lang talaga sa kanya ‘yong pagtatapat ko. At nagpatuloy pa rin ‘to. Tuloy ang aking pantasya at pangarap. Tuloy ang pagmamahal kay Faith, tuloy ang
faith kay Faith.
Isang mainit na hapon ‘yon. Uwian na’t wala ng klase. Nagkataong nakasabay ko palabas ng gate ‘yong isa sa mga malapit na kaibigan ni Faith sa klase. Batian. Kuwentuhan. Kamustahan. Hanggang napunta nga ‘yong topic namin sa mga crush sa aming klase. Si Joy ang nag-start sa pagkukuwento. D’un ko na rin nalaman na crush ako nitong si Joy. At tingin ko pagkakataon ko na, sinamantala ko ‘to, nabanggit ko ang crush ko sa aming klase. Kinuwento ko kay Joy kung paano nagsimula ang kahibangan ko kay Faith. Natatawa s’ya sa mga kuwento ko, parang hindi makapaniwala na magagawa ko ‘yon, lalo na raw ang pag amin ko kay Faith na crush ko ito. Tapos nagtanong ako sa kanya kung ano bang type o ideal man ni Faith. Napangisi lang s’ya at napailing, parang bigo ako sa mission kong makilala nang lubusan si Faith.
Awkward silence. Dead air. Huminga nang malalim si Joy na parang may kinuhang lakas.
"Alam mo Loie, mabibigo ka lang kay Faith." Taas kilay habang patango-tango sa’kin. "Magigng Komplikado ‘yan, atsaka mahihirapan ka lang friend."
"Bakit may bf na ba si Faith? Tingin ko naman wala." Mahangin ang aking pagkakasabi, na akala mo’y alam talaga ang lahat ng nangyayari.
"Ano bang religion mo?" Matalas ang tingin n’ya sa’kin na akala mo’y hinuhusgahan ang buo kong pagkatao .
"Sarado katoliko!" Sa aroganteng tono.
"Olats ka talaga, hindi ka puwedeng mahalin ni Faith at malabong maging kayo." Nangangaral ang tono ni Joy, akala mo isang pari. "INC si Faith, at mataas ang kanyang standard pagdating sa mga ganyang bagay. Kaya kung ako sa iyo, tigilan mo na ‘yang ilusyon mo." Nakangiti si Joy. ‘Yong pang-asar. Pakiramdam ko’y pinagtatawanan n’ya ako. Pati si Faith, nginignisihan ako kung nasaan man s’ya ngaon.

‘Yong ngiti ni Joy. Nakakabasag talaga ng momentum. Pakiramdam ko saglit na huminto ‘yong takbo ng mundo ko. Tumingin ako sa langit kahit nakasisilaw at masakit sa balat ang sikat ng araw. At bigla kong naibulong na may kasamg pag-iling, “Ba’t gan’un?”
6 comments:
hindi tlga aq palabasa o pla sulat at mapili ang mga mata ko s kng anong gusto nyang basahin .. pero nkktuwa kc gbing gbi na at patulog na sna aq.. pero nang cmulan ng mga mata qng magbasa nito wew.. wla aqng mgwa kundi magbasa ng dredretso :)) ang cute kua !! s mga ssnod n arw cckpin qng mbasa ang iba mo pang gwa :)) gling ! God bless kua copyrigthJhonley c: .. mpalad k kc bnigyan k ni LORD ng isang mgandang tlento c: s Kanya ang lhat ng papuri :))
adre astig to ha!
puno ng kababawan, nalunod ako!
haha! astig! nagkukwento ka na!
more more! mas magandang topic!
antaray... Mabuhay ka idol jhonley
..nd hadlang ang religion kung mahal mo ang isang tao!!!
swerte ng gurl ah...,gnwan mo p ng gnito..
haha.,. ui inlove ang kua q!!ayiiihhh
kinilig aq dun..
lufet!!!
nabasa ng kapatid q, bitin daw ang istorya.
nagandahan naman ako sa kwento kaya lang medyo marami akong nakitang mali sa pagkakabuo ng mga pangungusap, maging sa mga salita at sa tamang paglalagay ng wastong mga bantas.
tapos ung pagkakasabi o pagkaka-describe ng pagiging maganda nya, napansin kong naging paulit-ulit sa mga kasunod na paragraph kaya parang na-bored ako sa moment na un.
but all in all, hanga ako kasi nakagawa k ng ganito.
maganda. congrats.
haay1 pag-ibig nmn tlga o..auz toh! apir! =)maraming maka2relate jan.
hahah...tlgang ginwang dagli a.
nka2tuwa nga..love story kung love story..ka2bitin sobra parang mas masaya kapag maikling kwento na lang yan.. gnyan n b tlga ung end? prang nputol ung word..pro auz nmn.
kip 8 up!
=))
Natanong ko sa sarili ko "Anung imahinsayon meron ang gumawa nito?" O sadyang "HENYO lang talaga yung Prop ko" Napagtanto ko rin na hindi lang masususkat sa magaling ka gumawa ng kwento, kundi panu mo paiikutin ang imahinasyon ng bumabasa ng gawa mo. BENTANG BENTA SI FAITH kung tutuusin, Sana paganahin pa ng Faith ang mga susunod na Maikling Kwento ni Prop. FAITH lang naman ng FAITH ang kailangan, para maisawaga ng maayos ang mga bagay-bagay! Binabati kita FAITH at sa Faith na dumadaloy sa pluma at dugo ng gumawa nito!
Post a Comment