Friday, March 25, 2011

Sinta

(Tula)

Hindi ang maalindog
mong katawan,
o aking mahal
ang nais piliin.
Na pagdating ng araw
ay maaagnas.

Hindi ang makinis
mong balat,
o aking mahal
ang nais piliin.
Na pagdating ng araw
ay mapupuno ng gasgas.

Hindi ang kumikinang
mong mga buhok,
o aking mahal
ang nais piliin.
Na pagdating ng araw
ay isa-isang malalagas.

Hindi ang matangos
mong ilong,
o aking mahal
ang nais piliin.
Na pagdating ng araw
ay aatras ang ungos.

Hindi ang palangiti
mong mga labi,
o aking mahal
ang nais piliin.
Na pagdating ng araw
ay mangungulubot.

Kundi ang nangungusap
mong mga mata
Na nagbibigay paalala
sa gunita ng kahapon.
Matang nagsasabi
ng katotohanan
matang nagpapainit sa kalooban
matang gumigising sa isipan
matang nang-aakit sa katawan
at matang tumititig sa aking katauhan.

3 comments:

jackdisonpablo said...

wala akong kredibilidad na magpuna sa mga tula mo pagkat ako'y hinidi nagtutula..pagkat hindi ako marunong magtula, manalinhaga... pero gusto kung paano ka magtula, ang atake mo sa mga paksa mo.. nakikita ko ang mabilis na debelopment o pag-unlad mo.. ipagpatuloy mo lag iyan kasama...tulang pinalaki ng anakpawis na panitikan...salamat sa komentaryo mo...

Anonymous said...

wow.. ganda...
(clap, clap)
isa ka sa mga taong bumubuhay
sa ng-hihingalong mundo ng mga makata at manunula..
saang planeta ka bng galing?
(joke)
keep it up...
suportahan taka..
(harhar)
^_^

Mirikashikitoku said...

astig! naalala q ung trying hard aqng gumwa kng tula about eyes...remember?,..hahah..u made it!..