(Dagli)
Kapag
ganitong umaga, tapos 7am ‘yong una mong klase, hasel talaga pumasok. Kasi marami kang kasabay na pasahero sa jeep
na nagmamadali rin, suwerte kung makasakay agad. Tapos lalo kang panghihinaan ng loob kapag
nakita mong sobrang haba ng pila sa gate, kung bakit kasi kailangan pang
i-check lahat ng gamit mo at tignan kung ikaw talaga ‘yong nakalagay sa ‘yong
ID. Tanong ko lang, mukha bang mall ang
school namin para tignan ang buo naming pagkatao kung me gagawin kaming masama? Para talagang may feeding program sa sobrang
haba ng pila papasok sa gate, in short block-buster, parang ‘yong C.R. ng girls,
talagang pinipilahan.
Malapit
na ako n’on sa pinaka-entrance. Siguro
limang tao pa tapos ako na. Naririnig ko
‘yong conversation ni ateng guard na mataba na kahawig ng isang Dugong at ng
estudyante mukhang bully, kamukha kasi ni Damulag, ‘yong sa palabas na Doraemon.
“Pakulayan
mo muna yang buhok mo ng itim.” Sabay
turo ni Dugong sa ulo ni Damulag.
“E,
matagal nang ganito kulay nito, tapos pinapapasok ako!” Panggagalaiti ni Damulag. Hindi ‘ata nila alam na nakakaistorbo sila sa
mga pumapasok. Tumatrapik, andaming
nali-late. Ayaw ko naman lumipat sa
kabilang entrance, hasel, iikot pa ako, baka lalo akong ma-late nito. Kingina talaga.
“Hindi
nga talaga p’wede ‘yan boy.” Pagpipilit
ni Dugong. “Umalis ka na d’yan at marami
pang papasok. Istorbo ka!” Sumenyas ng pagpapatabi gamit ang stick na
pang-inspection.
“E
ba’t, kahapon nga p’wede ‘yong ganito ha!
Ba’t ngayon?”
“May
bibisita galing sa ibang school!”
Halatang inis na rin si Dugong sa kakulitan ni Damulag. Patuloy rin kaming nadi-delay sa pila. Tangina!
Walang nagawa si Damulag kundi tumabi. Ikaw ba naman mapahiya sa mga
taong nasa likod mo. Tapos umagang-umaga
pa. Palag ka pa?
Babae
‘yong pangatlong i-inspection-in. Pota,
panalo sa katawan men (ayon sa standard ng malibog kong mata). Parang hindi siya nababagay na mag-aral dito
sa school namin. Kasi pang 1st
world country ‘yong itsura niya. Kahit
nakatalikod nang bahagya, halatang lumuluwa ‘yong mala-papaya niyang joga kapag
suma-side view ng kaunti. Paano ba naman
masyadong fitted ‘yong blouse niya.
Tapos naka-skirt pa. Hindi ko
lang masyadong maaninag ‘yong kabuuhan ng mukha niya, pero mukha siyang
naka-make-up na pang-pageant. Para tuloy
siyang pokpok na pang-umaga. ‘Yong buhok
niya parang ‘yong sa Wendy’s, curly at may kaunting high lights na kulay
pula. Sa paningin ko isa siyang
pornstar.
Syempre,
matik na, alam namin na sisitahin siya ni Dugong. Mapapahiya rin gaya ni Damulag. Tapos
n’ung turn na ni pornstar-like. Hindi na
chenek ‘yong bag o tinignan ‘yong ID niya.
O tinanong kung bakit may kulay ang buhok niya? Siyempre nagulat kaming lahat. At si Damulag na nasa gilid, lalong
nanggagalaiti. Namumula sa galit.
Nang
nakapasok na si pornstar-like. Lumapit
si Damulag kay Dugong at nagtanong.
“Bakit
‘yon hindi n’yo sinita?” Baling nito kay
Dugong, sabay turo kay papalayong pornstar-like.
“Sumusunod
lang ako, ‘yon ‘yong utos sa’min ng nakatataas.” Relax na relax ‘yong sagot niya. “P’wede bang tumabi ka?” At nagsimula na namang magngalit ang
kalikasan. Mukhang mag-aaway na naman
ito. Lalo akong kinakabahan na hindi
makapasok sa 1st subject ko.
Sana talaga hindi pa ako saraduhan ng pinto ng professor namin.
“Ay
potang ina, pareparehas lang kaming nagbabayad ng tuition fee ha!”
Umiling
lang si Dugong na para bang hindi narinig ‘yong mura ni Damulag. Tuloy pa rin siya sa pag-inspection sa mga
bag at pagtingin sa ID. Habang hinahatid
ko naman ng tingin si pornstar-like papalayo, hanggang sa mawala sa aking
paningin. At napansin kong wala siyang
pakialam sa nangyayaring bangayan sa gate, ni hindi nga man lang lumingon.
“Pabukas
po ng bag.”
Ako
na pala ang susunod.
No comments:
Post a Comment