Tuesday, December 9, 2014

10 dahilan kung bakit hindi nagsi-selfie ang tunay na mahihirap sa Pilipinas



SUSPETSA KO MAGKAKAGULO TAYO kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang mahirap.  ‘Yong iba kasi mapagpanggap na mahirap.  Oo madami akong kilalang ganito, ‘yong tipong mahirap daw sila kaya sa State U nag-aral, pero tignan mo naman ang gadget mas advance pa sa Pilipinas.  Meron ding mga nasa-informal settler na nagsasabing mahirap daw sila.  Pero tignan mo naman, may cable ang bahay, may wifi at syempre may computer/laptop (para saan nga naman ang wifi ‘no?).  Bahala na, siguro sa pag-alam natin sa mga dahilan kung bakit hindi nagsi-selfie ang tunay na mahirap sa Pilipinas ay baka malaman din natin kung ano ang depinisyon nito.

1.      Background - Ampanget nga namang mag-selfie sa bahay (o baka sa inuupahang bahay, puwede rin ‘yong literal na barung-barong, tipong konting ihip lang ng hangin giba na) kung ang background ay mukha nila Kapitan, Konsehal, Congressman o kaya Mayor.  Mga arbor na tarpaulin noong nakaraang election ang ginamit na trapal sa bahay.  May kalendaryo pang nakalagay - Family picture ni Mayor.  Nakangiti silang lahat.  Maligayang pasko daw.  Pusta ko, ‘yong iba d’yan hanggang picture na lang ang pagtingin kay Mayor, madami kasi hindi pa nila ‘to nakikita sa personal.  Hello, bawal kayang lumapit kay Mayor ang mahirap.  ‘Di ka puwedeng pumasok sa office niya, yari ka sa mga guard.  Bawal ang haggard at dugyot d’un, baka masabihan kang pasneya.  Kung makapasok ka man sa city hall, nag-out of town ito, hmp baka may appointment.  O kaya pinag-uusapan nila ni Congressman kung paano ba gagastusin ‘yong pork-barrel (ops, no comment), pahamak daw talaga ‘tong si tita Janet.  At saka kung mukha ng pulitiko ang background, isiping nangangandidato ka.  Baka mapatay ka pa ng kabilang partido.

2.      Walang salamin ang kubeta - Bawal din magtagal kasi kakatukin ka ng ibang taong gagamit ng kubetang ilang taon nang hindi nadadalaw ng taga-linis.  ‘Wag ka ring mag-ambisyon, wala ‘tong ilaw – iisipin mo ngang masuwerte pa ‘yong kulungan ng mga sisiw na 45 days.  ‘Yong iba nga, literal na sa lupa jumejerbaks, konting hukay, tutok at presto.  Anong ginhawa sa katawan.  Tabunan ng lupa.  Bukas ulit kapag tinawag ng kalikasan. 

3.      Busy – Walang time para pumorma at ipagkalat sa buong mundo na may bago kang ganito at ganyang gamit.  Priority kasing maka-survive sa isang araw.  ‘Yon ang malaking problema.

4.      Walang SNS (Social Networking Site – e.g. Facebook, Twitter, Instagram etc.) Account – Tignan mo ulit number 3.  Ikaw ba naman, imbes na ipambayad mo sa computer shop ‘yong pera, mas maganda sigurong ipanlaman na lang ng tiyan.  Busy para mabuhay kaya walang time gumawa ng account.  At sino ba naman ‘yong mag-a-accept sa mga friend request nila, aber?

5.      Pagkain – Ang awkward naman ‘atang pi-picture-an mo ‘yong pagkain mo, okay lang naman kung bongga, pero (hindi ko minamaliit ‘to ha, masarap ‘to lalo na kapag malamig) kung araw-araw ba namang tuyo, asin-tubig (kaning may kumbinasyon ng asin at tubig. Oo, tama ka, gagawing sabaw), kanin-adobo (kanin na nilagyan ng tuyo para may lasa).  Noodles na madaming sabaw, para nga naman makakain ang buong pamilya.  At syempre, paano na lang ‘yong wala talagang makain sa isang araw.  Ano na lang ang pi-picture-an nila na puwedeng gawing background.  At siyempre, ilang porsiyento ba ang mahihirap sa Pilipinas?  Sabihin nating 80% paano kung ‘yong mga ‘yon ay magkakaparehas ng kinakain, edi snob na ‘yong pinikturan mong pagkain.  Kasi common.  Meron na sila n’un.  Parang joke, boring na ‘yong inulit na banat.  Hindi mo masasabi na :  “p#$@ edi wow.”

6.      Cellphone and other gadget – tignan mo ulit ‘yong number 3 at 4.  Kung may cellphone man sila, panigurado walang SNS.  Ito ‘yong kapag nakita mong ginamit sa mga pampublikong lugar e ansarap pagtawanan.  Kasi nga super luma at bulok, puwedeng gawing kalso ng sasakyan.  Minsan nga pala sa isang pamilya walang may alam gumamit nito.  At minsan nakiki-text or tawag na lang sa kapit-bahay na meron nito, hindi para makipaglandian, kundi para i-text ‘yong mga bossing nila (kung construction worker, si foreman ang iti-text), sasabihin kung puwedeng bumale, ikaltas na lang sa susunod na suweldo ang binawas na pera at sana ma-extend sa trabaho.  Paano na lang daw ang pamilyang naghihikaos.  Bayani ‘no?

7.      Literacy rate – sabihin nating ‘yong mga taong ‘to, sila ‘yong nakatira sa ilalim ng tulay na malapit sa malaking kanal o kaya sa ilalim ng tulay sa Altura, Sta. Mesa, Manila, yong daanan ng PNR.  Tingin mo lahat ba sila nakapag-aral?  Kung oo man ang sagot.  Hanggang saan ang inabot nila?  ‘Yong iba kasing taga-informal settler ay galing sa mga probinsya, nagbakasakaling makakahanap ng ginhawa sa Maynila.  Kaso olats, kasi nga kapag walang diploma, walang trabaho.  Kung walang trabaho paano ka mabubuhay at sino ba ang magtyatyaga sa’yo, ‘di ba ‘yong kapwa mo rin walang trabaho o kaya galing probinsya.  Suwerte mo kapag nakatsamba ka at gumanda ang buhay, pero duda ako kung legal yan, hehe.  Balik tayo sa pinag-uusapan.  Kung hindi sila nakapag-aral, paano nila bibigyan ng kahulugan ang mga salita gaya na computer, internet, wifi, share, like, cover photo, follow, tweet and others alike.  ‘Wag kang pilosopo, oo walang subject na ganito.  Isipin mo n’ung panahon ba nila may ganito ng mga bagay?  Hello, tanungin mo ‘yong kamag-anak mong ipinanganak noong 70s.  Ikukuwento nila sa’yo ang buhay bago kumalat ang call center sa Pilipinas, haha, joke.  Basta ang una nilang banat ay ganito:  Noong araw . . .

8.      Ibang trip sa buhay – magkaiba ng problema ang taong sobrang hirap, medyo mahirap, sakto lang na mahirap, above average na mahirap, very good na mahirap at excellent na mahirap.  Tignan mo na lang ulit ‘yong number 5.  Problema ng excellent na mahirap kung paano i-edit ‘yong picture niya para gawing DP (Display Picture/Profile Picture para sa SNS).  Sa sakto lang na mahirap naman ay  kung sino ang pipiliin ni ganito at ganyan sa pinapanuod niyang telenobela kapag gabi, sama mo na ‘yong koreanobela.  Samantalang ‘yong sobrang hirap, problema ‘yong panlaman ng tiyan.  As I said, refer to number 5.

9.      History in-making – [1]Tignan mo na lang si Rizal, andami nating alaala sa kanya?  Immortal ‘ika nga, bukod sa panulat niya, andami niya ring picture.  E si Andres Bonifacio, isa lang.  Tas ‘yong kuha pa n’ung kinasal siya.  Kaya nga kapag araw ng kalayaan, napapatanong tayo, sino ba si Andres Bonifacio?  Si Rizal, siya ‘yong nasa piso ‘di ba?  Tapos pansin mo, walang kinilala ang mundo na mahirap, puwera na lang kung may naiambag kang matino.  Kaya ‘wag kang mag-ambisyon na sa bawat selfie mo ay kikilalanin ka ng kasaysayan.  Kung ikaw na medyo hindi mahirap ay etsapuwera, paano na lang ‘yong totally walang-wala?  Balik tayo, kay Rizal at Bonifacio.  Sila naman, kung bakit kilala natin, kasi sobrang laki ng ambag sa Pilipinas, paano na lang kung wala sila, baka raw andito pa rin ‘yong mga Kastila.  Angas nga ng gan’un, makikita natin in-person sila Mark at Pau Gasol.  Biro lang, hehe.  Paano ka ngang makakagawa ng kasaysayan sa mundo kung ang problema mo e ‘yong pangkain, (refer to number 5).  Wait, sino nga ba ‘yong pinagbabanggit ko mga tao?  Wait GMG ko muna.

10.  Yari! – Maangas sa America, ang krimen, literal na papatay.  For example, pagbabarilin mo ‘yong mga ka-schoolmate mo.  Angas ‘di ba?  O kaya pagpapatayin mo lahat ng tao sa bar.  Basta ang trip at kahulugan nila ng krimen ay pagpatay.  E dito sa Pilipinas, tingin ko mga militar at pulis lang ang may gan’ung trip – desaparecidos.  Tignan mo ulit ‘yong number 5 at 8.  Kung wala kang trabaho at mahirap ka, nag-apply naman kaso wala talaga.  Wala kang choice, kaysa naman makita mong dilat ang mata ng buo mong pamilya, pagkapit na lang sa patalim ang magiging resulta.  (Hindi ko nilalahat ha, hindi lahat ng mahirap ay ganito ang trip.  May ilan lang talaga akong kilala).  Kung kabilang ka sa informal settler, at notorious wanted ng bansa.  O kaya naman criminal, mula pandurukot hanggang bank rubber (dala nga kahirapan ng kaya napunta sa ganitong trabaho – self-employed at tax-free), madali kang makikilala ng authority kapag meron kang account sa SNS.  Konting tanong lang sa mga nagrereklamo, konting sketch.  E nagkataon ‘yong pagkaka-describe sa’yo ay saktong-sakto kung ano ‘yong DP mo, nagkataon pang selfie.  Yari!  Madali kang makakalaboso.  Kapag nahuli ka, yari ka sa mga pulis.  Kung hindi kukuryentehin ang bayag,  ipapainom sa’yo ‘yong nasa toilet bowl.  Manalangin kang medyo malinis at walang tae.  Kapag napag-tripan ka pa, andaming ipapatong sa’yong mga kaso, ikaw raw ‘yong suspect sa mga ganito at ganyang pagnanakaw.  Para nga naman resolba ang problema nila.  Sa’yo na lang ibibigay ang lahat.  Gumawa ka ng krimen na Pilipinas version,  ang gagawin nila sa’yo, krimen na American Version.  Tsk. Kawawang pamilya, kawawang mahirap.  Nag-selfie pa kasi, huli tuloy.  Yari!

Ilan lang yan sa tingin kung dahilan.  O paano, magbabahay-bahay muna kami.  Magpapatapon kami ng basura.  Sana hindi maunahan, sana hindi barat ‘yong magpapatapon.  Kahit makabente lang.


[1] Word of the Lourd – Picture- picture.  Short docu film.

Monday, November 10, 2014

Final Project

(Maikling Kuwento)

MAIINTINDIHAN NAMAN ‘ATA NI MA’AM ‘yong kaso ko kung bakit late akong makakapagpasa ng project.  Ipapaliwanag ko na lang nang maayos.  Mabait naman siguro ‘yon basta ba magsasabi lang ng totoo.

Paano ko kaya sisimulan?  Babatiin ko muna siya ng hi ma’am, good morning po.  Tapos?  Ngingiti rin ako.  Oo tama ngingiti rin ako.  Buti na lang din pala mapag-aralan ko ‘yong tamang pag-project ng ngiti.  ‘Yong sincere.  Puwede rin siguro ‘yong parang nagpapaawa.  Parang ‘yong style ni poss the boots d’un sa shrek kapag.  ‘Yong super cute.

Problema ko nga rin pala kung saan ang room ni ma’am ngayon, pero nakakahiya naman kung pupuntahan ko siya sa klase niya.  Hihintayin ko na lang sa tapat ng faculty room.  Tapos gagawin ko na ‘yong prinaktis kong mga line at malulupit na ngiti.

***

Si ma’am ba ‘yon?  Si ma’am na nga ‘yong paparating.  Alam ko ‘yong lakad niya.  Tama siya nga ‘yon.  Hihintayin ko siyang makarating dito sa tapat ng faculty room, nakakahiya kasi may kausap si ma’am na faculty rin.  Kinakabahan ako.  Paano kaya ‘to?  Ito na, malapit na si ma’am.  Sana magawa ko ‘yong prinaktis ko.  Break a leg for me.

“Hi ma’am,” kasabay ng pagkaway at ngiti.  Tumigil si ma’am, mukhang nakuha ko ang atensyon.  Pinauna na niya sa loob ng faculty room ‘yong kasama niya.  Ang tatamis ng ngiti.  Parang wala silang problema.

“Yes?”  Sagot ni ma’am.  Nakataas ang kilay.  Patay, mukhang bad shot pa ‘ata.  Mali ba timing ko?  Naku! Baka hindi ko nagawa nang maayos ‘yong ngiti.  Mali ‘ata ng pag-pronounce ng salitang ma’am?  Paano ba dapat?  Yari talaga, nabura na rin sa mukha niya ang ngiti kanina n’ung kausap niya ‘yong isang faculty.

“Ma’am ipapasa ko lang po ‘yong final project ko.”  Sana this time tumalab na ‘tong pagpapaamo ko ng mukha.

Inirapan lang ako ni ma’am.  Pumasok sa faculty room.  Sinundan ko.  Pumasok din ako.

***

Andaming professor dito sa loob.  ‘Yong iba halatang pagod.  Nasa malapit lang ako ng pintuan.  Saka na lang ako lalapit sa desk niya kapag pinatawag niya ako.  Sana nga ngayon na ‘yon.  Nagugutom na rin kasi ako.  Wala pa akong almusal.  Problema nga talaga.

***

Sinenyasan ako ni ma’am na lumapit sa kanya, du’n mismo sa gitna nakapuwesto ‘yong desk niya.  Kinakabahan ako.  Isang hakbang, isang libo’t isang dagang naghahabulan sa dibdib ang kapalit.  Dug dug, dug dug.  Hakbang pa.  Sana tanggapin ni ma’am ‘yong gawa ko.

“Anong section mo?”  Mukhang badtrip si ma’am.
“Ma’am?”  Tanong ko.
“Sabi ko ano’ng section mo?” 
“Ma’am,”  kinakabahan ako.  Para akong mapaparalisa sa puwesto ko.  Antindi ng aura ni ma’am dito sa faculty room kaysa sa classroom.  “
“Oh bakit late ‘yang papel mo?”
“Ma’am kasi po . . .”  Hindi ko mapaliwanag ‘yong totoong kuwento.  Nawawala ako sa sarili dahil sa kaba, hindi naman exam pero name-mental block ako.  Gustong sabihin ang ganito:

Ma’am, n’ung gabi po bago ‘yong araw ng pasahan ng project.  Pinag-overtime po ako ng boss ko sa fast food.  Gusto ko pong tumanggi, pero sabi po sa akin na andami raw kasing costumer, sayang daw ‘yong kita.  Pumayag ako, dagdag din po kasi sa allowance ko.  Imbes po na 1pm ‘yong out ko sa work, naging 4pm na po.  Pagkatapos na pagkatapos ng duty ko, hindi pa po ako nakakapagpalit masyado ng damit, suot ko rin po ‘yong pants sa work.  Pumunta po agad ako sa school.  Dala ko napo ‘yong project ko.  Mga quarter to 5 na po ako nakarating sa gate ng university.  Hindi po ako pinapasok ng guard, kelangan ko raw po munang magpalit ng proper uniform.  Nagpaliwanag po ako na ipapasa ko lang po ‘yong project.  Sobrang na po akong natataranta ng oras na ‘yon.  Baka po kasi hindi ko na kayo maabutan ma’am.  Kaso hindi po talaga ako pinapasok ng guard.  Gusto ko pong iwan lahat ng gamit ko sa guard house at bitbitin lang ‘yong final project ko.  Kaso ayaw po talagang pumayag na guard.  Nagmakaawa na po ako.  Nagpaliwanag kung bakit gan’un pa rin ang suot.  Pero hindi ako pinakinggan.  Sumusunod lang daw po sila sa utos.  Pero gusto ko po talang ipasa ‘yong project ko.  Ilang oras pong pakiusapan ang naganap bago ako pinapasok ng guard.  Sayang ‘yong mahigit 30 mins.  Pagkapasok, literal po akong tumakbo papunta sa faculty room.  Naiwan ko na nga po ‘yong gamit ko sa guard house para mabilis.  Para po akong nakikipag-marathon n’un.  At pagdating kop o d’un.  Wala na raw po kayo.  Gusto kong itanong sa nakausap kong faculty na kung puwede bang iwan na lang ‘yong papel.  Kaso naisip ko ma’am ayaw niyo nga pala ng gan’un.  Sabi niyo po dati sa orientation natin na diretso sa basurahan ang project kapag may nag-iwan sa table niyo.  At saka po hindi ko rin alam kung saan ang nakapuwesto ang desk niyo.  Kaya inuwi ko na lang po.  Gusto ko rin po kasing ako mismo ang mag-abot sa inyo. . .
“Ma’am kasi po . . .”
“Ano na, kanina ka pa, kasi po nang kasi po d’yan ha!”  Mukhang galit na talaga si ma’am.  Hindi ko na nasabi ang totoo.  “You’re such an irresponsible student.”  Tumayo si ma’am sa kinauupuan niya.  Nagpamewang.  Nakita ng ibang faculty.  Kalma lang daw mother sabi ng isang baklang professor.  Pero mukhang hindi pinansin ‘yon ni ma’am.  “Kay bata-bata mo pa lang e ganyan na ang asal mo.  Aba’y paano na lang kapag naka-gradaute ka at nagkatrabaho.  At bitbit mo pa rin ang ganyan mong ugali.  Nakakahiya.  Baka itanong kung saan ka nag-aral.  Ikaw ang magbibigay ng kahihiyan sa university.  Napakawalang kuwenta ng ugali mo.  Ganyan ka rin bas a bahay niyo?  Maygad.  Siguro ganyan din ang magulang mo no . . $%@#$%#$^#@^#%^#$%@$$#^#EWGFG #$QREGSFDGSTGTERGSDF g sfghdsngheg72ehg2374tyergsdfng v7wt bt egb tbg7vt73b gv7gvt ybg vgvt rgb qbg vfb7gb 74btgq 4gh76t4qh negv73qgb qr g nv7425v gn4 7gvn2 tn 2 vnt2.”  Hindi ako makaimik sa sinabi ni ma’am.  Hindi na rin masyadong nagsi-sink in sa isip ko ‘yong mga sinasabi niya.  Sa ngayon kailangan ko lang tanggapin lahat ng ‘yon para tanggapin niya rin ‘yong final project ko.  Pero gusto ko na talagang matunaw sa kinatatayuan.  O kaya maging alikabok at mahalo sa hangin.  Puwede na rin ‘yong lumubog.  Gusto kong mag-disperse sa sobrang hiya. . .

***

Sinundan ko pa rin si ma’am sa susunod niyang klase.  Hindi ako umiimik para lang ma-please ko siya.  Gusto ko lang naman magpasa ng project. 

Para akong aso na sunod nang sunod sa kanya.  Nakakahiya nga lang, hindi dahil sa pagsunod ko sa kanya, kasi habang naglakad kami.  Patuloy pa rin siya sa pagsesermon.  Pinagtitinginan na nga kami ng ibang estudyante.  Nahihiya ako.  Kasi pinapagalitan ako sa harap ng maraming tao.  Kaso wala talaga akong magagawa, ‘wag papalag para matanggap ang papel.  ‘Yon lang naman ang kailangan.  Kahit insultuhin niya ‘yong buo kong pagkatao, pati magulang at angkan ko.  Isama niya na pati religion ko.  Sabihin niya na lahat, basta tanggapin niya lang ‘tong hawak kong project.  Sana.

***

Nang papasok na siya sa classroom, sinenyasan niya akong tumigil at maghintay sa labas.  Sana this time ok na. 

***

Mahigit 20 minutes akong nakatayo sa labas ng classroom ni ma’am.  Tapos sumenyas siya na parang tinatawag ako.  Ito na nga ‘yong hinihintay ko.  Sana tanggapin na talaga ‘to ni ma’am.  Salamat talaga.

Nakayuko akong pumasok sa room, bitbit ang final project.  Ganito rin ang pakiramdam ko kanina, isang hakbang, parang isa-isa ring nakakalas ang buto ko mula ulo hanggang paa.
“Yes?”
“Ma’am ‘yong project ko po,” sabay angat ng hawak ko.
“Pinatawag na ba kita?”  Para nang class S na halimaw si ma’am sa ghost fighter sa sobrang inis.
“Ma’am akala ko po tinatawag niyo ako . . .”  hindi pa ako natatapos magsalita bumanat na agad si ma’am.
“Aba’y ang kapal naman talaga ng mukha mo. . . ”  Tumayo na naman si ma’am sa kinauupuan niya.  Dinuro-duro ako sa harap ng kanyang klase.  Nakakahiya.  Gusto kong manakit.  Gusto ko siyang sapakin.  Gusto kong basagin ang bungo niya.  Gusto kong hiwain ‘yong katawan niya.  Trip kong i-apply ‘yong pinag-aaralan naming sa science.  Gusto kong i-disect ‘yong katawan niya, pag-aralan kung may genes ba siya ng demonyo.  Gusto ko siyang saksakin sa mata ng pulang ballpen na nasa table, na mukhang ginamit niya rin sa pag-a-attendance.  Gusto ko chop-chop-in ‘yong katawan niya.  Tapos ilagay sa sako.  ‘Yong bungo niya gusto kong gawin arinola.  Gusto ko siyang patayin. . .
“. . . klase, ‘wag na ‘wag n’yong tutularan ang ganitong estudyante.  Napaka-irresponsable . . Walang kuwenta . . . v3467q3y6q73yv67y3qhyvtq6678367832407628b7636nh ughesvhg3tv4vn7qthtqh34t7h7hv734yh3yhqvn6hvw457vyhw45hyb5wy . . .”

Hindi ko magagawa ‘yong plano ko sa kanya.  Hindi ko na rin kayang tagalan ‘tong kahihiyan na ‘to.  Sinenyasan ko siyang tumigil sa pagsasalita.  Tinapat ko sa mukha niya ‘yong final project ko.  Pinunit ko sa harap niya, sa harap ng klase niya.  Initcha ko sa lapag ‘yong red na sliding folder.  Gusto ko talagang makabawi kay ma’am, kahit isang beses lang. . .

“Ma’am!  Putanginamo!”  tinapat ko sa mukha niya ang kamao ko.  Nagdirty finger.  “Para sa’yo ‘to ma’am.  Fuck you.  Putanginamo.”


Tumalikod ako sa kanya.  Naglakad.  Lumabas sa classroom.  Tahimik nang umalis ako.

Friday, October 24, 2014

This Is The Day That Your Grade Has Come : Will You Rejoice or Will Mourn For It?


(Creative Non-fiction?)


KAPAG NATATAPOS ANG SEMESTRE o kaya school year.  Syempre ang kasunod nito’y bigayan ng grades.  Mapa-grade school, high school o college, isama na rin ang sa graduate school program, lahat nangangamba kung ano ang makukuhang grade.

May mga scholar kasi, kaya may maintaining grade na hinahabol.  Kadalasan kapag may exams, memorize nila ang lahat ng terminolohiya.  Pati na rin ang petsa at lugar ng ganitong bagay.  Kahit iuntog mo ang ulo, dumugo at lumabas ang utak na kakulay ng sipong isang dekada nang hindi gumagaling, panigurado kabisado pa rin nila ang lahat ng binasa nila sa kanilang notes.  Madadamot sa sagot ‘tong mga ‘to.  Kapag nakita nila ang grade nila at medyo hindi umabot sa kanilang expectation, dito na papasok ang pagtatanong kay teacher/professor kung bakit ganun ang kanilang nakuha.  Kailangan talaga nilang mag-imbestiga, mahirap na kasing matanggal sa scholar, pa’no’y sila na lang ang natitirang pag-asa ng pamilya, kaya dapat pagbutihin ang pag-aaral.  Salamat daw pala kay congressman at mayor para sa scholarship.

Puwede rin nating i-connect dito ‘yong mga GC o Grade Conscious.  May naalala ka kung sino ‘to?  Sila ‘yong lahat ng bagay pinagbabasehan ang grade.  Halimbawa, kapag pinagawa ng kahit ano or pinapunta sila ng kanilang teacher/professor sa ganitong lugar, paniguradong ang tanong lagi,  ‘sir/ma’am may plus po bas a grade?’  Malupet to sa grades, kung ‘yong mga pulitiko hapit sa pera, ito’y nama’y gahaman sa grade.  Kapag may ipapasang project, sa kanilang ‘yong pinakamatingkad at mamumutiktik sa design.  Kung may term paper kayo, punong-puno ng design ng papel.  May malupet na boarder design o kaya naman watermark.  Syempre kapag natatapos ang exam, agad nilang titignan ‘yong notes nila. Mapapa-shit sila kapag nagkamali ng sagot.  ‘Sabi na nga ba, ‘yon ‘yon e.’  Kadalasan din nilang masabi yang ganyan.  Sobrang sama ng loob nila kapag mas mataas pa ang grade ng classmate nila na tingin niyang mas magaling pa sila d’un.  As in.   Kaya nga kapag nagtatanong kung anong grade mo, at kapag mas mataas ka sa kanya, magsinungaling ka na lang.  kasi sobrang init na ng mata niya sa’yo.  Yari ka.  Hahaha.  Syempre kapag nakapag-survey ito at nalamang siya ang pinakamataas, wasak.  Na-achieve niya ang mission niyang maging GC. O kilala mo sino ‘to?

May mga nag-aaral din nang mabuti.  Pero bibihira ang mga ‘to.  Kaya nga wala akong mailagay kung ano bang katangian nila.  Kasi bibihira lang talaga ‘to.  As in.  Siguro sila ‘yong mga hardcore sa pag-absorb ng lecture, ibig sabihin laging nagtatanong kung anong connect ng tinuturo ng teacher/professor sa kanilang subject.  Hindi nila layuning mamamahiya, gusto lang nilang magtanong kung alam ba talaga ng nagsasalita ang kanyang pinagsasabi.  Mahirap silang mabula kasi anlupet nilang magsuri.  Hindi sila Scholar o GC, pero dahil nga nag-aaral nang mabuti, mag-ingat ka sa kanila kasi puwede kang debatihin tungkol sa pinagsasabi mo.  Baka makarating pa ang usapan niyo sa post-modernism.  Mapapanganga lahat ng classmate niya kapag nagbibigay ito ng mga astig na examples at reference.  Wala naman silang masyadong pakialam kung mababa ang grade nila kasi hindi sila naniniwala dito.  Ang lagi nilang tanong, paano ito magagamit sa buhay.  Mas magagaling pa ‘to minsan sa teacher/professor nila.  May pagka-addict sa libro, pero hindi lahat ng binabasa e tinatanggap, kasi nga magagaling silang mag-suri.  Kahit anong babasahin pinapatos, kahit nga directory hindi inaatrasan.  Hindi grade ang basehan nila ng tinatawag na pag-aaral ng mabuti.  Basta magaling silang magsuri at mahirap utuin.  Sabi ko nga, bihira lang ang mga ‘to.

Meron din diyan mga petiks lang, o ‘yong average.  Kahit makakuha ng 75 o 3 na grade oks lang, basta pasado.  Sila ‘yong hindi pansinin sa klase, hindi mo alam na nag-i-exist pala sila, masasabi mo na lang na ‘Siya pala ‘yon’.  Minsan sila ‘yong hindi natatandaan ng kanilang teacher.  Hindi madalas mag-recite, kung may activity man nasa sulok lang at maglalaslas.  kapag may groupings, bahala na kung sino man ang mag-invite sa kanyang sumali sa ganitong team.  Hindi talaga pansinin.  Walang sense of humor, walang sense kausap, walang taste sa fashion.  Simple lang ang kanilang araw, pumasok at umuwi.  Makatapos ng pag-aaral.  Maiahon ang pamilya (magulang at kapatid) sa kahirapan.  Hindi natin alam kung ano bang meron sa buhay niya.  Basta hindi mo alam na nag-i-exist ‘to.  Happy go lucky ang trip nila, in short ang kanilang pambansang expression.  ‘Kahit ano.’
Singko.  Nararapat lang daw ito sa mga tamad.  Wala raw silang mga pangarap sa buhay.  Andaming naiinis sa kanila, minsan kasi parang silang ‘yong nakakasira sa section.  Sana’y sa ibang section or college na lang napunta.  Meron silang ibang trip kaysa mag-aral.  Baka ito ‘yong mga estudyanteng full time sa computer shop at bilyaran, at part time naman sa school.  Akala ng parents/guardian ay nag-aaral nang maayos, kahit hindi na maayos basta nag-aaral.  ‘Yon pala nagbubulakbol lang pala.  Masasabi mo na ‘Sayang, sana sa akin na lang ‘yong pang-tuition n’ya.’  Ito raw ‘yong mga wasak na wasak, sa Ingles total wreck na estudyant.  Sayang daw talaga.  Syempre meron din d’yang nasingko pero hindi dahil tamad,  ang hirap daw pumili kung mag-aaral ka o buhayin ang sarili.  Working-student.  Laging stress ‘tong mga ‘to.  Hindi magkandaugaga kung anong uunahin, mag-aral ba o magtrabo.  Kapag nasarapan sa suweldo wasak ang kinabukasan.  Good bye university na.  Meron din namang dedicated sa organization na sinalihan.  Sobrang busy kaya nawawalan na ng interes mag-aral kasi nga’y nakita na nilang ang kanilang sarili sa org na ‘yon.  Minsan hindi na sila naniniwala sa grade, kasi sa totoong buhay hindi mo naman daw ito magagamit.  Oo, mga tibak ‘yong tinutukoy ko.  Majority sa klase naaawa sa kanila.  ‘Sayang’ daw, antalinong bata pa man din.  Pero dahil nga may misyon sila sa mundo na iba sa misyon ng ibang estudyante, panigurado hindi sila pupunta dun sa mainstream na pangarap.  Kaya nga naging radical kasi alam kung ano ang nangyayari sa lipunang ginagalaw, at alam din nila kung anong gagawin sa ganitong lipunan.  Masarap silang kausap kasi mamumulat ka sa katotohanan, kukuwentuhan ka ng kasaysayan ng rebolusyon ng ganitong bansa, syempre hindi mawawala ang sa Pinas.  At dahil hindi sila naniniwala sa bulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas, trip nilang mabago ito.  Kaya ‘wag mo nang pagpilitan n gang basehan ng pagiging magaling ay ang grade, sarado na ang kanilang isip sa ganitong inuuod na kalakaran.  Bihira lang rin ‘tong mga ‘to, handa nilang isakripisyo ang lahat para sa bayan.  Kahit magka-singko o drop, basta para sa kaayusan ng bansa, walang hindi magagawa.  Iskolar ng Bayan, Ngayon ay lumalaban.
Sabi ng professor ko, hindi raw siya nagdadamot sa grade kasi hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa estudyante limang taon bago ngayon.  Paano na lang daw kung binigyan mo ng 3 pero nang nagkaalaman na sa totoong buhay e mas-successful pa kaysa sa’yo.  Kaya raw hindi siya nagdadamot, number lang naman daw.  Sana lang daw maalala siya ng mga ito kapag nakatapos na.  Kahit raw simpleng salita lang na ‘salamat’ ay sapat na.  Pero sana raw may kotseng ibigay. Biro lang.

Panigurado, kapag nakikita ng mga estudyante ang kanilang grade.  Hindi naman talaga ‘yong mga activities, assignments, quizzes or project ang maalala nila.  Hindi kung paano matapos ang sem.  Hindi yang mga yan.  Isa lang ang naalala nila kapag nakita nila ang grade na flat 1, 3, 5, INC o kaya DRP.  Walang iba kundi ang pagmumukha ng kanilang teacher/professor.  Meron diyan pasasalamatan mo nang ilang ulit kahit hindi mo naman talaga nakikita.  At syempre, ito ang majority sa lahat, kapag nakita mong negative or mababa ang grade mo, dito muna sisimulang murahin ang teacher/professor mo.  Lahat ng wika sa mundo nagawan mo ng version para lang mabusabos sa pamamagitan ng salita ang mga taong tingin mong demonyo sa pagbibigay ng grade.  Iniisip mo kung saan dumadaan ‘to para magripuhan na sa tagiliran.  O kaya ipasunog and bahay, ipa-assasinate ang buong pamilya.  Basta lahat na iisipin mo makabawi man lang sa hindi makatarungang grade na natanggap.  Bullshit sila ‘no?  Uulitin ko, kung ano man ang grade na makuha mo, pagmumukha lang ng teacher/professor mo ang unang papasok sa’yo.  Tama ba?  Apir.

Teka, meron pa pala akong idadagdag.  May tinatawag din palang estudyanteng pagsasama-samahin ang lahat ng nabanggit na uri na nasa itaas.  Sila ‘yong mema, mema-post lang. 

O pano, kailangan ko nang i-send ‘tong papel sa e-mail ng teacher/professor ko.  May deadline, mahirap nang ma-inc. 

Wednesday, August 20, 2014

Hindi Tayo Close : Natatagong Hiwaga Sa Kamusta Na – Ok Lang Conversation

(Essay kuno?)


Na-try mo na ‘yong may itatanong ka sa isang tao?  Ahm, sabihin nating medyo personal at tungkol sa inyong dalawa.  Sample:

“Kumain ka na?”
“Oks lang ako, ‘ge lang.”
“Pero kumain ka na?”
“Oks nga lang ako p’re.”

Nakakatanga.  Hindi malaman kung ano ba talagang ibig sabihin ng sagot na Ok Lang.  Na hindi naman talaga tinatanong kung Ok Lang ba siya?  Dalawa lang ang sagot sa tanong na nasa itaas: Oo o Hindi.  Medyo may pagka-neutral at bias ang sagot na Ok Lang, ‘no?

Kapag may exam din ‘yong mga estudyante, may kaunting pagkakahawig ang mga banat, gaya nito:

“Kamusta exam bakla?”

“Sakto lang,”  pero halatang yamot ang mukha at pilit ang ngiti.
“E, ano’ng score mo?” 
“Ok lang nga, sapat lang.” 

Hasel talaga kapag ganito ‘yong sagot sa tanong.  Hindi malaman kung bakit ayaw sabihin ang katotohanan - score.  Pero meron isang tanong na medyo nakakairita sagutin kasi mahirap.  Kung lalabas nga lang ‘tong tanong na ‘to sa board exam malalaman natin na masyadong predictable ang isasagot ng tao, kaya lalabas na parang nagkopyahan sila kahit hindi naman talaga.  Ahm, alam mo ba kung anong tanong ‘yon?  Wait, wait, at wait.  Teka madalas ka bang naka-online, tapos may magpa-pop out sa chat box mo?  Lagi rin bang may load cellphone mo?  Tapos may magti-text sa’yo ng ganito.  Game, ready?  O sige para cool dapat sagutin mo rin ‘tong tanong na ‘to, pero kung hindi mo carry kahit mamaya na lang, babalikan na lang kita, para may grade ka sa recitation. 

“Kamusta/kmusta/mzta/musta/mHuZsTh4ah?”

Oh!  Anong isasagot mo?

Kagaya ng dalawa nating sample na conversation sa itaas, s’yempre napaka-generic ng sagot.  Ok Lang ako.  ‘Di ba?  Subukin mong mag-deny susupalpalin kita.  Biro lang.

Ito na siguro ang tanong na mahirap sagutin.  Una dahil hindi natin kilala nang lubusan ‘yong kausap/ka-chat/ka-text natin kahit sabihin pang friend natin siya sa Social Networking Sites – SNS (e.g. Facebook, Friendster etc) e mag-aatubili pa rin tayong sagutin ang tanong na ‘yon.  Sino ba naman kasi siya para paglaanan ng oras, ni hindi nga kayo masyadong close at siguro baka hindi pa kayo nagkikita in-person, ‘no?
Kahit sabihin pa nating close kayo, medyo hasel pa rin magkuwento.  Kaya ang isasagot mo na lang sa tanong,  OK LANG.  Nakakatamad kasi, sayang oras.

Pagkatapos mo namang bitiwan ang sagot na  nabanggit, awkward naman kung hindi ka mag-i-effort na magbigay ng follow-up question.

“Ikaw kamusta na?”
‘Wag mong kalilimutang idol ka ng kausap mo.  Gagayahin ka niya.
“Ok lang din naman.”

Mapa-chat, text or kahit sa personal ganyan ‘yong linya ‘di ba?  Ngayon para masabing kunyaring concern ka, susundan mo ng ganitong gasgas na tag line.

“Nice, maganda yan, hehe J,”  kung sa text man yan, lagyan mo na lang ng emoticons.  Kung sa personal naman, isang ngiti na labas ngipin (either way puwedeng sarcastic ha).  Tapos awkward moment na naman.  Pero ang totoo wala na kayong pag-uusapan kasi nga hindi kayo close at waste of time, ‘di ba, at d’yan matatapos ang communication niyo.

“Kamusta ka?”
“Oks lang?”
“Kamusta ka?
“Oks lang nga.”
“Isa pa, sasapakin na kita.  Kamusta ka?”
“ . . .”
“Ba’t ayaw mong magsalita?”
“. . .”
“Ba’t bigla kang napayuko?”
“. . .”
“Oh, oh oh. . . anong gagawin mo?”
“. . .”
“Hala!  Ba’t bigla mo akong niyayakap.  Manyakis!  Susuntukin talaga kita!”
“. . .”
“Ay ‘di talaga mapigil oh!”
“. . .”
“Kamusta ule?”
“Antotoo. . .” ayan na, magkukuwento na.  Nakasimangot pa.  “May problema ‘ko”
“Oh! Powtek naman, ano ‘yon?”  Ito na, handa ka na?
“Kasi, ganito blah blah blah etc etc etc ……………………..”
“Ah kaya naman pala.” 
At mahabang kuwento pa.
“Kasi nga blah blah blah etc etc etc ……………………..”
“Oh! Talaga?”
“Oo, kasi blah blah blah etc etc etc ……………………..”  Umiiyak na talaga ‘yong kausap mo.  Hindi na maawat sa pagkukuwento,  gumaganda ‘yong discussion niyo.  E nagkataon na naka-relate ka sa kuwento niya, kaya hindi puwedeng hindi ka rin mag-share, para naman masabi nating concern tayo sa kausap.
“Ako nga rin, alam mo bang ano blah blah blah etc etc etc ……………………..”
“Oh talaga kala ko ako lang may gan’un?”
“Oo peksman, tapos blah blah blah etc etc etc ……………………..”

Hindi mo namamalayang umiiyak ka na rin.  Nagkasundo kayo sa topic, pinag-isa kayo ng inyong problema.  Nag-connect kayo dahil sa pagsagot sa tanong na Kamusta Na?

Kung bakit natin sinasagot na Ok Lang ang tanong na Kamusta Na?  Kasi nga isinasaalang-alang natin ang relasyon sa kausap.  Kung hindi talaga kayo close malamang na hindi ka magkukuwento.  Pero kung close kayo at sumagot pa rin ng Ok Lang ‘yong kausap mo, naku magduda ka na, kaibigan mo ba talaga yan?  Biro lang.

May konsepto din kasi tayong mga Pilipino ng salitang Hiya,  na baka pagtawanan ka ng pagsasabihan mo o kaya baka pagmulan ‘to ng malupit na tsismis na ikasisira ng buhay mo.  Ayaw rin kasi nating makaabala sa ibang tao kaya sapat na sa’ting sarilinin na lang ang problemang ‘to.  Tama?  E nagkataon, nagtampo sa’yo ‘yong kausap mo.  Bakit daw hindi ka nagsasabi.  Madaya ka,  bakit sa kanya sinabi mo sa’kin hindi?  At . . . at, sasabihin niya sa’yo,  Para Ka Namang Others, Nakakainis ka.  Hala yari, nag-away.

Gumanda ang relasyon ninyong dalawa kasi naging matapat kayo sa pagsagot sa tanong na Kamusta Na?  Minsan hindi naman talaga natin kailangan ng solusyon sa problema,  trip lang natin magkuwento, para gumaan ang pakiramdam.  Kung gaano kabigat ang problema, gan’un din siguro kahaba ang kuwento, just imagine.  At ikaw na pinagkuwentuhan, kapag natapos mong pakinggan ang problema na ‘yong kasama/kaibigan/kalandian/ka-chat/ka-text/ka-phone pal.  Ikaw naman ngayon ang magkaka-problema.  Ikaw na kasi ang magdadala ng bigat (ng problema).  Ma-a-annoy at mapa-paranoid ka sa kuwento niya.  Na hanggang sa pag-uwi problema niya ‘yong dala mo.  ‘Di mo nga alam basta nadala ka sa kuwento niya, hindi ka mapakali.  In short pinasa sa’yo ‘yong problema.  At ‘yong kausap mo, ayon nakangiti, kasi kahit paano nahimasmasan.  Gumaan ang pakiramdam, kahit nga wala kang binigay na solusyon, sapat na ‘yong pakikinig.  Sabi nga sa kanta na Pare Ko ng Eraserheads:

“O, pare ko, (O pare ko)
Meron ka bang maipapayo?
Kung wala ay okey lang, (Kung wala ay okey lang)
Kailangan lang (Kailangan lang) ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na, (Andito ka ay ayos na)”

. . . Ops, tama na, masakit sa tenga ‘yong boses mo.  Biro lang.
O ayan, kapag tatanungin ka ng tropa/kaibigan/kababata/jowa/classmate/officemate/relatives mo tungkol sa buhay mo o kaya Kamusta ka, bakit hindi mo subuking maging matapat sa sagot.  At take note lalo pang lalalim ang samahan ninyong dalawa.  O ‘di ba?
Balik ule tayo d’un sa tanong ko sayo kanina, pero this time dadagdagan ko.  Game?
Ahm, about dito sa binasa mo,  Kamusta?

Wednesday, April 23, 2014

First Date


(Dagli)


Pagkatapos naming magsimba,  dinala ko siya sa SM Megamall, syempre doon sa makakapili siya ng iba’t ibang luto at putahe – sa Foodcourt.  Si Eve nga pala ‘yong tinutukoy ko, chubby na maputi.  Kita pa naman iyong leeg, hanggang balikat ko.  Huwag ka nang lumayo kay Aiza Seguerra, medyo ganoon ang itsura niya, pero syempre babae itong kasama ko.  Siya rin iyong una kong nililigawan ngayong highschool.  At ito ‘yong firtst date ever ko sa buhay.  Naka-T-shirt lang siya na kulay yellow at may drawing na tweety bird.  Pants at Doll shoes.  At hikaw na parang bulaklak ang itsura sa kanyang dalawang tenga.  Naka-suot ng head ban.  At ako naman, tamang plain na white T-shirt lang, itim na pants at chuck taylor na nabili sa Divisoria, CAT officer kasi, kaya sanay ako sa ganitong pormahan.

Naghanap kami ng bakanteng puwesto.

Ano gusto mong kainin? Tanong ko sa kanya.  Alam ko naman kasi mahihiya rin magturo ito kaya malakas ang loob kong magyaya.  First date niya rin kasi ito, at ramdam kong magkakahiyaan sa una. 

Nakangiti lang lang siya, nahihiyang ibuka ang bibig.  Tinaas ang dalawang kilay, ngumiti at umiling.  Ok lang ako, sabi niya.

Magkaharap kami, kahit walang pagkain sa lamesa.  Wala man kandilang may sindi, pakiramdam ko ito na iyong pinaka-romantic na oras sa buhay ko.  Natutukso nga akong hawakan iyong kamay niya, kaso baka magalit kasi nga first date, baka biglang mag-walk out at hindi na ako pansinin – busted.

Sige na. Pumili ka na. Anong gusto mong kainin?  Tanong ko ulit.  Nilibot ko ng tingin ang buong food court.  Akong bahala, ako magbabayad, ‘wag ka nang mahiya.  Ako naman nagyaya nito.  Sige na, please.  Nagpapaamo ang mukha ko na parang nagmamakaawang pumili na siya ng stall na kakainan at pagkaing trip.

Ayaw pa rin, at ito talaga ang inaasahan ko, kaya pinagpilitan ko pang pumili siya.  Ayaw talaga.  Ilang minuto ring naubos iyong oras namin sa pagpilit at pagtanggi.  Hanggang sa nagsalita na siya.
O, sige, ganito na lang.  Sabi niya. Bigla akong kinabahan, naghabulan ang mga daga sa aking dibdib.  Palakas nang palakas, parami nang parami.  Ngumiti ako, pati mata ko nakisama. O, ano ‘yon?  Tanong ko.  Sana huwag niyang sabihin iyong kinatatakutan kong salita.  Kung ano ‘yong o-order-in mo, ‘yon na lang din ‘yong sa’kin.  Siya naman ngayon ang nakangiti, at nanghahamon.  Shit.  Umiling ako habang nakangiti.  Hindi p’wede ‘yon, dapat magkaiba tayo na kakainin, para malaman ko kung ano ‘yong gusto mo, para makilala pa kita.  Alam mo na, getting to know each other?  Sumimangot na naman iyong mukha niya.  Iginala ang mata sa paligid, halatang nag-iisip.  Kaya inunahan ko na, mahirap na kapag nalaman niya ang totoo.  Game! Ganito na lang. Halatang nagpapa-impress na naman ang boses ko.  Nakangiti pa rin, kailangan i-maintain ang character.  Lipat na lang tayo sa may Starmall, mas maliit ‘yong foodcourt d’un, baka mas makapili ka ng gusto mo?  Taas ang dalawang kilay na parang nagtatanong sa kanya kung sasang-ayon ba siya o hindi.  Tumango siya. Ngumiti ulit. Ngumiti rin ako.  Tara na?  Tara.  Nakangiti pa rin.
Nakarating kami sa starmall na ang pinag-uusapan lang ay kung anong gusto niyang kainin.  At syempre ayaw nga raw niya talagang kumain.  Sobrang nahihiya.  HA-HA-HA, gaya ng inaasahan, everythings’ according to my plan.

Magkaharap ulit kaming nakaupo, at wala pa rin lamang pagkain ang lamesa namin.  Uulitin na naman natin ‘yong eksena kanina sa SM, hindi ka na naman o-order?  Ikaw na nga lang ‘yong pumili ng pagkain, e.  Hindi nga p’wede ‘yong gan’un dapat magkaiba tayo na kakainin.  E! kasi naman, nahihiya nga ako, ‘tsaka hindi pa talaga ako nagugutom.  Ngumiti siya, at mukhang wala talagang balak um-order.  Pinairal ko kunyari ang pagiging suplado ko, naggalit-galitan ako na parang nagtatampo sa kanya kasi ayaw niyang umorder.  Ayaw lang kitang magutom, alam mo namang concern lang ako sa kalusugan mo.  Sabi kong nagpapa-awa na naman ang mukha.  Napayuko siya.  Hinawakan ko ang kanyang baba at hinarap sa akin.  Ngumiti ako.  Kinurot siya sa pisngi.  ‘Wag ka nang malungkot d’yan, sige na, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo.  Ngumiti siya.  Nagyaya na akong umalis. 

Pumunta kami sa sakayan ng jeep papunta kalentong.  Sa may ibaba lang rin iyon ng starmall.  Sa likod ng JRU ang bahay niya.  Ihahatid kita ha?  Nagulat siya. ‘Wag na.  Halatang nahihiya talaga.  Ako nang bahala, please.  Ngumiti na naman ako.  Hindi ba talaga p’wede, kasi baka mapa’no ka  sa byahe?  Hindi, okay lang ako, ngumiti na naman.  Salamat na lang.

Ba-bye, ingat ka ha.  Ngumiti na naman siya.  Ikaw din ingat ka.  Nag-apir kami.  Pumila na siya.  Pumasok sa jeep.  At ako?  Ito nakangiting naglalakad.  Mabuti na lang talaga at nagtugma lahat ng plano ko.  Kung hindi tapos ako nito, salamat at hindi nagalaw ang trenta pesos ko.

Wednesday, March 26, 2014

Deadly Inspection

(Dagli)


Kapag ganitong umaga, tapos 7am ‘yong una mong klase, hasel talaga pumasok.  Kasi marami kang kasabay na pasahero sa jeep na nagmamadali rin, suwerte kung makasakay agad.  Tapos lalo kang panghihinaan ng loob kapag nakita mong sobrang haba ng pila sa gate, kung bakit kasi kailangan pang i-check lahat ng gamit mo at tignan kung ikaw talaga ‘yong nakalagay sa ‘yong ID.  Tanong ko lang, mukha bang mall ang school namin para tignan ang buo naming pagkatao kung me gagawin kaming masama?  Para talagang may feeding program sa sobrang haba ng pila papasok sa gate, in short block-buster, parang ‘yong C.R. ng girls, talagang pinipilahan. 

Malapit na ako n’on sa pinaka-entrance.  Siguro limang tao pa tapos ako na.  Naririnig ko ‘yong conversation ni ateng guard na mataba na kahawig ng isang Dugong at ng estudyante mukhang bully, kamukha kasi ni Damulag, ‘yong sa palabas na Doraemon.

“Pakulayan mo muna yang buhok mo ng itim.”  Sabay turo ni Dugong sa ulo ni Damulag.
“E, matagal nang ganito kulay nito, tapos pinapapasok ako!”  Panggagalaiti ni Damulag.  Hindi ‘ata nila alam na nakakaistorbo sila sa mga pumapasok.  Tumatrapik, andaming nali-late.  Ayaw ko naman lumipat sa kabilang entrance, hasel, iikot pa ako, baka lalo akong ma-late nito.  Kingina talaga.
“Hindi nga talaga p’wede ‘yan boy.”  Pagpipilit ni Dugong.  “Umalis ka na d’yan at marami pang papasok.  Istorbo ka!”  Sumenyas ng pagpapatabi gamit ang stick na pang-inspection.
“E ba’t, kahapon nga p’wede ‘yong ganito ha!  Ba’t ngayon?”
“May bibisita galing sa ibang school!”   Halatang inis na rin si Dugong sa kakulitan ni Damulag.  Patuloy rin kaming nadi-delay sa pila.  Tangina!  Walang nagawa si Damulag kundi tumabi. Ikaw ba naman mapahiya sa mga taong nasa likod mo.  Tapos umagang-umaga pa.  Palag ka pa?

Babae ‘yong pangatlong i-inspection-in.  Pota, panalo sa katawan men (ayon sa standard ng malibog kong mata).  Parang hindi siya nababagay na mag-aral dito sa school namin.  Kasi pang 1st world country ‘yong itsura niya.  Kahit nakatalikod nang bahagya, halatang lumuluwa ‘yong mala-papaya niyang joga kapag suma-side view ng kaunti.  Paano ba naman masyadong fitted ‘yong blouse niya.  Tapos naka-skirt pa.  Hindi ko lang masyadong maaninag ‘yong kabuuhan ng mukha niya, pero mukha siyang naka-make-up na pang-pageant.  Para tuloy siyang pokpok na pang-umaga. ‘Yong  buhok niya parang ‘yong sa Wendy’s, curly at may kaunting high lights na kulay pula.  Sa paningin ko isa siyang pornstar.

Syempre, matik na, alam namin na sisitahin siya ni Dugong.  Mapapahiya rin gaya ni Damulag.  Tapos n’ung turn na ni pornstar-like.  Hindi na chenek ‘yong bag o tinignan ‘yong ID niya.  O tinanong kung bakit may kulay ang buhok niya?  Siyempre nagulat kaming lahat.  At si Damulag na nasa gilid, lalong nanggagalaiti.  Namumula sa galit. 

Nang nakapasok na si pornstar-like.  Lumapit si Damulag kay Dugong at nagtanong.
“Bakit ‘yon hindi n’yo sinita?”  Baling nito kay Dugong, sabay turo kay papalayong pornstar-like.
“Sumusunod lang ako, ‘yon ‘yong utos sa’min ng nakatataas.”  Relax na relax ‘yong sagot niya.  “P’wede bang tumabi ka?”  At nagsimula na namang magngalit ang kalikasan.  Mukhang mag-aaway na naman ito.  Lalo akong kinakabahan na hindi makapasok sa 1st subject ko.  Sana talaga hindi pa ako saraduhan ng pinto ng professor namin.
“Ay potang ina, pareparehas lang kaming nagbabayad ng tuition fee ha!”
Umiling lang si Dugong na para bang hindi narinig ‘yong mura ni Damulag.  Tuloy pa rin siya sa pag-inspection sa mga bag at pagtingin sa ID.  Habang hinahatid ko naman ng tingin si pornstar-like papalayo, hanggang sa mawala sa aking paningin.  At napansin kong wala siyang pakialam sa nangyayaring bangayan sa gate, ni hindi nga man lang lumingon. 

“Pabukas po ng bag.”

Ako na pala ang susunod.