(Maikling Kuwento)
MAIINTINDIHAN
NAMAN ‘ATA NI MA’AM ‘yong kaso ko kung bakit late akong makakapagpasa ng
project. Ipapaliwanag ko na lang nang
maayos. Mabait naman siguro ‘yon basta
ba magsasabi lang ng totoo.
Paano
ko kaya sisimulan? Babatiin ko muna siya
ng hi ma’am, good morning po. Tapos?
Ngingiti rin ako. Oo tama
ngingiti rin ako. Buti na lang din pala
mapag-aralan ko ‘yong tamang pag-project ng ngiti. ‘Yong sincere. Puwede rin siguro ‘yong parang nagpapaawa. Parang ‘yong style ni poss the boots d’un sa
shrek kapag. ‘Yong super cute.
Problema
ko nga rin pala kung saan ang room ni ma’am ngayon, pero nakakahiya naman kung
pupuntahan ko siya sa klase niya.
Hihintayin ko na lang sa tapat ng faculty room. Tapos gagawin ko na ‘yong prinaktis kong mga
line at malulupit na ngiti.
***
Si
ma’am ba ‘yon? Si ma’am na nga ‘yong
paparating. Alam ko ‘yong lakad
niya. Tama siya nga ‘yon. Hihintayin ko siyang makarating dito sa tapat
ng faculty room, nakakahiya kasi may kausap si ma’am na faculty rin. Kinakabahan ako. Paano kaya ‘to? Ito na, malapit na si ma’am. Sana magawa ko ‘yong prinaktis ko. Break a leg for me.
“Hi
ma’am,” kasabay ng pagkaway at ngiti.
Tumigil si ma’am, mukhang nakuha ko ang atensyon. Pinauna na niya sa loob ng faculty room ‘yong
kasama niya. Ang tatamis ng ngiti. Parang wala silang problema.
“Yes?” Sagot ni ma’am. Nakataas ang kilay. Patay, mukhang bad shot pa ‘ata. Mali ba timing ko? Naku! Baka hindi ko nagawa nang maayos ‘yong
ngiti. Mali ‘ata ng pag-pronounce ng
salitang ma’am? Paano ba dapat? Yari talaga, nabura na rin sa mukha niya ang
ngiti kanina n’ung kausap niya ‘yong isang faculty.
“Ma’am
ipapasa ko lang po ‘yong final project ko.”
Sana this time tumalab na ‘tong pagpapaamo ko ng mukha.
Inirapan
lang ako ni ma’am. Pumasok sa faculty
room. Sinundan ko. Pumasok din ako.
***
Andaming
professor dito sa loob. ‘Yong iba
halatang pagod. Nasa malapit lang ako ng
pintuan. Saka na lang ako lalapit sa
desk niya kapag pinatawag niya ako. Sana
nga ngayon na ‘yon. Nagugutom na rin kasi
ako. Wala pa akong almusal. Problema nga talaga.
***
Sinenyasan
ako ni ma’am na lumapit sa kanya, du’n mismo sa gitna nakapuwesto ‘yong desk
niya. Kinakabahan ako. Isang hakbang, isang libo’t isang dagang
naghahabulan sa dibdib ang kapalit. Dug
dug, dug dug. Hakbang pa. Sana tanggapin ni ma’am ‘yong gawa ko.
“Anong
section mo?” Mukhang badtrip si ma’am.
“Ma’am?” Tanong ko.
“Sabi
ko ano’ng section mo?”
“Ma’am,” kinakabahan ako. Para akong mapaparalisa sa puwesto ko. Antindi ng aura ni ma’am dito sa faculty room
kaysa sa classroom. “ ”
“Oh
bakit late ‘yang papel mo?”
“Ma’am
kasi po . . .” Hindi ko mapaliwanag
‘yong totoong kuwento. Nawawala ako sa
sarili dahil sa kaba, hindi naman exam pero name-mental block ako. Gustong sabihin ang ganito:
Ma’am, n’ung gabi po bago ‘yong
araw ng pasahan ng project.
Pinag-overtime po ako ng boss ko sa fast food. Gusto ko pong tumanggi, pero sabi po sa akin
na andami raw kasing costumer, sayang daw ‘yong kita. Pumayag ako, dagdag din po kasi sa allowance
ko. Imbes po na 1pm ‘yong out ko sa
work, naging 4pm na po. Pagkatapos na
pagkatapos ng duty ko, hindi pa po ako nakakapagpalit masyado ng damit, suot ko
rin po ‘yong pants sa work. Pumunta po
agad ako sa school. Dala ko napo ‘yong
project ko. Mga quarter to 5 na po ako
nakarating sa gate ng university. Hindi
po ako pinapasok ng guard, kelangan ko raw po munang magpalit ng proper
uniform. Nagpaliwanag po ako na ipapasa
ko lang po ‘yong project. Sobrang na po
akong natataranta ng oras na ‘yon. Baka
po kasi hindi ko na kayo maabutan ma’am.
Kaso hindi po talaga ako pinapasok ng guard. Gusto ko pong iwan lahat ng gamit ko sa guard
house at bitbitin lang ‘yong final project ko.
Kaso ayaw po talagang pumayag na guard.
Nagmakaawa na po ako.
Nagpaliwanag kung bakit gan’un pa rin ang suot. Pero hindi ako pinakinggan. Sumusunod lang daw po sila sa utos. Pero gusto ko po talang ipasa ‘yong project
ko. Ilang oras pong pakiusapan ang
naganap bago ako pinapasok ng guard.
Sayang ‘yong mahigit 30 mins.
Pagkapasok, literal po akong tumakbo papunta sa faculty room. Naiwan ko na nga po ‘yong gamit ko sa guard
house para mabilis. Para po akong
nakikipag-marathon n’un. At pagdating
kop o d’un. Wala na raw po kayo. Gusto kong itanong sa nakausap kong faculty
na kung puwede bang iwan na lang ‘yong papel.
Kaso naisip ko ma’am ayaw niyo nga pala ng gan’un. Sabi niyo po dati sa orientation natin na
diretso sa basurahan ang project kapag may nag-iwan sa table niyo. At saka po hindi ko rin alam kung saan ang
nakapuwesto ang desk niyo. Kaya inuwi ko
na lang po. Gusto ko rin po kasing ako
mismo ang mag-abot sa inyo. . .
“Ma’am
kasi po . . .”
“Ano
na, kanina ka pa, kasi po nang kasi po d’yan ha!” Mukhang galit na talaga si ma’am. Hindi ko na nasabi ang totoo. “You’re such an irresponsible student.” Tumayo si ma’am sa kinauupuan niya. Nagpamewang.
Nakita ng ibang faculty. Kalma
lang daw mother sabi ng isang baklang professor. Pero mukhang hindi pinansin ‘yon ni
ma’am. “Kay bata-bata mo pa lang e
ganyan na ang asal mo. Aba’y paano na
lang kapag naka-gradaute ka at nagkatrabaho.
At bitbit mo pa rin ang ganyan mong ugali. Nakakahiya.
Baka itanong kung saan ka nag-aral.
Ikaw ang magbibigay ng kahihiyan sa university. Napakawalang kuwenta ng ugali mo. Ganyan ka rin bas a bahay niyo? Maygad.
Siguro ganyan din ang magulang mo no . . $%@#$%#$^#@^#%^#$%@$$#^#EWGFG
#$QREGSFDGSTGTERGSDF g sfghdsngheg72ehg2374tyergsdfng v7wt bt egb tbg7vt73b
gv7gvt ybg vgvt rgb qbg vfb7gb 74btgq 4gh76t4qh negv73qgb qr g nv7425v gn4
7gvn2 tn 2 vnt2.” Hindi ako makaimik sa
sinabi ni ma’am. Hindi na rin masyadong
nagsi-sink in sa isip ko ‘yong mga sinasabi niya. Sa ngayon kailangan ko lang tanggapin lahat
ng ‘yon para tanggapin niya rin ‘yong final project ko. Pero gusto ko na talagang matunaw sa
kinatatayuan. O kaya maging alikabok at
mahalo sa hangin. Puwede na rin ‘yong
lumubog. Gusto kong mag-disperse sa
sobrang hiya. . .
***
Sinundan
ko pa rin si ma’am sa susunod niyang klase.
Hindi ako umiimik para lang ma-please ko siya. Gusto ko lang naman magpasa ng project.
Para
akong aso na sunod nang sunod sa kanya.
Nakakahiya nga lang, hindi dahil sa pagsunod ko sa kanya, kasi habang
naglakad kami. Patuloy pa rin siya sa
pagsesermon. Pinagtitinginan na nga kami
ng ibang estudyante. Nahihiya ako. Kasi pinapagalitan ako sa harap ng maraming
tao. Kaso wala talaga akong magagawa,
‘wag papalag para matanggap ang papel.
‘Yon lang naman ang kailangan.
Kahit insultuhin niya ‘yong buo kong pagkatao, pati magulang at angkan
ko. Isama niya na pati religion ko. Sabihin niya na lahat, basta tanggapin niya
lang ‘tong hawak kong project. Sana.
***
Nang
papasok na siya sa classroom, sinenyasan niya akong tumigil at maghintay sa
labas. Sana this time ok na.
***
Mahigit
20 minutes akong nakatayo sa labas ng classroom ni ma’am. Tapos sumenyas siya na parang tinatawag
ako. Ito na nga ‘yong hinihintay
ko. Sana tanggapin na talaga ‘to ni
ma’am. Salamat talaga.
Nakayuko
akong pumasok sa room, bitbit ang final project. Ganito rin ang pakiramdam ko kanina, isang
hakbang, parang isa-isa ring nakakalas ang buto ko mula ulo hanggang paa.
“Yes?”
“Ma’am
‘yong project ko po,” sabay angat ng hawak ko.
“Pinatawag
na ba kita?” Para nang class S na
halimaw si ma’am sa ghost fighter sa sobrang inis.
“Ma’am
akala ko po tinatawag niyo ako . . .”
hindi pa ako natatapos magsalita bumanat na agad si ma’am.
“Aba’y
ang kapal naman talaga ng mukha mo. . . ”
Tumayo na naman si ma’am sa kinauupuan niya. Dinuro-duro ako sa harap ng kanyang
klase. Nakakahiya. Gusto kong manakit. Gusto ko siyang sapakin. Gusto kong basagin ang bungo niya. Gusto kong hiwain ‘yong katawan niya. Trip kong i-apply ‘yong pinag-aaralan naming
sa science. Gusto kong i-disect ‘yong
katawan niya, pag-aralan kung may genes ba siya ng demonyo. Gusto ko siyang saksakin sa mata ng pulang
ballpen na nasa table, na mukhang ginamit niya rin sa pag-a-attendance. Gusto ko chop-chop-in ‘yong katawan
niya. Tapos ilagay sa sako. ‘Yong bungo niya gusto kong gawin
arinola. Gusto ko siyang patayin. . .
“.
. . klase, ‘wag na ‘wag n’yong tutularan ang ganitong estudyante. Napaka-irresponsable . . Walang kuwenta . . .
v3467q3y6q73yv67y3qhyvtq6678367832407628b7636nh
ughesvhg3tv4vn7qthtqh34t7h7hv734yh3yhqvn6hvw457vyhw45hyb5wy . . .”
Hindi
ko magagawa ‘yong plano ko sa kanya.
Hindi ko na rin kayang tagalan ‘tong kahihiyan na ‘to. Sinenyasan ko siyang tumigil sa
pagsasalita. Tinapat ko sa mukha niya
‘yong final project ko. Pinunit ko sa
harap niya, sa harap ng klase niya.
Initcha ko sa lapag ‘yong red na sliding folder. Gusto ko talagang makabawi kay ma’am, kahit
isang beses lang. . .
“Ma’am! Putanginamo!”
tinapat ko sa mukha niya ang kamao ko.
Nagdirty finger. “Para sa’yo ‘to
ma’am. Fuck you. Putanginamo.”
Tumalikod
ako sa kanya. Naglakad. Lumabas sa classroom. Tahimik nang umalis ako.
No comments:
Post a Comment