(Dagli)
Balisang-balisa na si Chester habang siya'y nagluluto ng pagkain para sa kanyang i-aalmusal at babaunin sa trabaho.
Sinlamig ng madaling araw ang kanyang nararamdaman.
Nang makaluto, agad na naligo ang binata.
Kasabay ng pagdampi ng tubig sa kanyang balat ay bigla niyang naalala ang inaanod na mga sandali't pangyayayri na nilumot ng panahon at kinalimutan ng kahapon. Matapos maligo ay nagbihis. At kumain.
Sa bawat pagsubong nagaganap umaalingawngaw ang mga larawan ng kahapon hanggang sa mabusog sa sama ng loob.
Matapos ang kanyang pagkain. Saglit na nagpahinga. Inihanda ang mga dadalhing gamit at ang baon. Nagtungo sa lababo. Kinuha ang sipilyo. At para bang hinang-hinang pinisil ang lalagyan ng tutpeyst upang ilagay sa hawak na sipilyo. Gigil na kinuskos ang ngipin. Galit at para bang gustong matanggal ang lahat ng mga ito. Subalit hindi pa rin ito naging lunas at mas lalo lang nagpabigat sa kanyang kalooban.
Matapos pagdiskitahan ang ngipin. Sinimulan niya nang maghugas ng pinagkainan. Nakita niya ang mga mumong umaagos sa lababo. Kanyang pinagmasdan ang mga ito. Gusto niyang tumawa nang tumawa habang nakikita ang mga mumong inaagos. Tulalang pinagmamasdan. Nakangisi ang mga labi na para bang nanlilinlang. At nagulat na lang ang binata nang siya'y mapatingin sa salamin sa lababo.
Kasabay ang walang tigil na pagbulwak ng tubig sa gripo at ang pagkaanod ng mga mumo.
3 comments:
Bilang isang ordinayong mamamayan hehe :) ok lang yung pag gamit ng salita pero sana kung gagamit ka ng Filipino na salita kahit english o borrowed words Filipino pa din ung spelling like: "toothpaste" = tutpeyst
ok kaya lagayan mo ng " " na symbol kung gusto mo english
di ko alam ung meaning mukang minadali hehe pero maganda kung iisipin mo na malalim ung meaning pero di ko talaga alam :) nasa writer yan .
ktnxbye.
gusto ko ang dagling ito...huwag lamang kalimutang gumamit ng mga bantas..ok ang simbolismo...inaanod na mga mumo sa lababo tulad ng inanod na mga pangyayari't karanasan ng tao..gusto ko rin ang tapos mo..
Kasabay ang walang tigil na pagbulwak ng tubig sa gripo at ang pagkaanod ng mga mumo.
pagbibigay ng empasis sa pinagngingitngitan ng tauhan..
pati ang gamit ng salitang ingles na toothpaste na binaybay sa Filipino kaya naging tutpeyst.. mahusay!
Hmn..nice to..dagli to dba?..may mga simbolismong nakapaloob, ayos! Ingat lang sa pagtatype..madalas ka kasing nagkakatypo error e..tsaka may mga bantas na tinatawag, pwede mong gamitin..heheh..wag magkuripot s paggamit ng tamang bantas para hindi naman malito ang mga mambabasa. =)
Post a Comment