Wednesday, May 29, 2013

Nothing Is Sacred Anymore: Paano Mo Ipakikilala Ang Ayaw Magpakilala?


(Non)Fiction:

HINDI KO TALAGA ALAM kung ano ‘yong magandang diskarte para makausap ang manunulat na si Ave Perez Jacob. Kahit madalas ko siyang makita sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay nahihiya pa rin akong lapitan siya. Ewan, ang laki ng takot ko na lapitang ang isang bigating manunulat. Baka kasi kung magpadalos-dalos ako sa aking mga galaw at hindi pinagplanuhan kung paano ba lalapitan ang tinitingalang si Ave Perez Jacob inisip ko na baka mabulyawan ako. Kahit matanda na si Ka Ave, halata pa rin sa itsura niya ang pagiging nakakatakot. Kung sa bagay, marami ring naikuwento sa amin si Ka Roger (Rogelio L. Ordonez) tungkol sa mga napagsamahan nila noong kalakasan pa nila. Tandang-tanda ko pa, sabi ni Ka Roger, n’ung minsang may nakaaway si Ka Ave, ay inuntog ang ulo sa pader. Wala raw nakapagpaawat doon kundi ang kanyang matalik na kaibigang si Ka Roger. Kaya kung titignan mo, bakas pa rin sa itsura ni Ka Ave ang pagkakaroon ng katangiang nakakatakot.
Inisip ko rin kung ano ba ang mga magandang tanong na maaaring ibato sa kanya. ‘Yong tanong na hindi siya mao-offend. O kaya hindi niya ako pagdidilatan ng mata. Mahirap, masama magalit ang matanda. Baka makatikim pa ako ng mura na makakapagpahiya sa aking sarili. Naalala ko ang isang kuwento dati. Narinig ko lang ‘to sa mga solid na tao na taga-PUP at ganito ang kuwento.
Noong kalakasan daw ni Ka Ave sa pagtuturo. Talagang kung makapagmura siya, tagos hanggang buto at ramdam mo talaga ang sakit kahit hindi ikaw pinatutunguhan ng mura. Tapos sa klase ni Ka Ave, may isa siyang estudyanteng galling ata sa konserbatibong pamilya at hindi sanay makarinig ng mga mura. Kaya ang ginawa ng batang ‘to e isinumbong sa kanyang nanay. Ginawa naman ng nanay, sumugod sa PUP ay talagang nagreklamo sa Presidente noon na si Dr. Prudente. As in diretso sila sa office of the president. Nang andon na sila, ganito na raw ang nangyari.
Nanay : Sir, ito po kasing anak ko. Inirereklamo ang isa niyang propesor.
Dr. Prudente : Oh bakit misis, anong problema?
Nanay: Nagmumura raw sa loob ng klase.
Dr. Prudente: Oh! (Nagulat) sino naman ‘yon misis?
Nanay: (Binulungan ang anak) Ano nga pangalan ‘nung propesor mo na ‘yon?
Estudyante : Ave Perez Jacop po mama.
Nanay: Aver Perez Jacob daw po ang pangalan sir?
Dr. Prudente: Ah! Si Ka Ave. Kilala ko yan. Kung hindi yan nagmumura sa klase, baka hindi si Ave Perez Jacob yan. 

Hindi talaga ganyan ‘yong saktong mga linya, pero ganyan ‘yong thought kung titignan.
Balik tayo sa mga kuwento ni Ka Roger. Natatandaan ko ‘yong kuwento niya. Basta ‘yong mga joke niya tungkol sa PUP at sa UP. Na mas mataas daw ang standard ng PUP kaysa sa UP. Kasi nga raw sa UP kilala sina Ka Ave, Ka Efren (Efren Abueg – Isa sa mga manunulat sa librong Mga Agos sa Disyerto), tapos ‘yong ibang mga manunulat at magagaling na tao sa PUP. Samantalang sa PUP raw, hindi raw kilala ang mga taong ito. Ni hindi nga raw masyadong napapansin. Kaya mataas daw talaga ang standard ng PUP. Hanggang sa napunta nga ang kuwento ni Ka Roger kay Jun Cruz  Reyes o Amang sa mga batang manunulat na kinikilala siya. Sa PUP raw Instructor lang siya. Hanggang nang lumipat siya sa UP e propesor na ang ranggo. Hindi lang ‘yon, nakapagtapos pa ng Doctoral Degree. So mataas daw talaga ang standard ng ating sintang Paaralan – PUP.
Ito na ‘yong tsismis. Sabi ni Ka Roger. Masama raw ang loob ni Amang kay Ka Ave. Kasi nga raw hindi nito kinilala ang nauna bilang manunulat. Ayaw ni Ka Ave sa istilo ng pagsulat ni Amang. Problema raw ni Ka Roger, parehas niyang kaibigan ang dalawa. Kaya pakiramdam nito’y naiipit siya. Sabi na lang ni Ka Roger, kanya-kanya naming style yan. Kaya walang pakilamanan.
Ayon din kay Ka Roger. Mayroong dalawang anak si Ka Ave. ‘Yon lang daw ang gusto niya, ang magkaroon ng anak. Hindi niya raw talaga kinikilala na mayroon siyang asawa. Talagang anak lang. Tapos ito raw si Ka Ave, madalas daw pagsamantalahan ng mga tibak sa PUP. Dahil matanda, mas madali raw mauto. Madalas daw kasi na mangutang ang mga tibak sa kanya. Dahil mahal daw ni Ka Ave ang masa, lagi raw pinapautang. Ang masama raw, kakapit lang sa kanya kapag may kailangan. Ang nakakalungkot, hindi raw binabayaran ng mga tibak ang utang. Sabi na lang ni Ka Roger na kawawa raw ang kanyang kaibigan.
Anyway. Nang ginagawa ko ‘tong papel na ‘to. Hindi ko talaga alam kung paano kontakin si Ka Ave. Una, summer, wala sa sintang paaralan si Ka Ave, kasi wala siyang subject load, hindi ko tuloy alam kung kanino ibibigay ang letter na humihingi ng pahintulot para makausap siya. Kaya ang ginawa ko, iniwan ko na lang ang letter sa kanyang opisina sa may FREE – PUP (Front for the Recognition of Employees and Educators of the Polytechnic University of the Philippines). Kaso walang nangyari. Kaya sa sobrang pagkadesperado kong makausap siya. Hinihingi ko mismo sa kanyang kaibigang si Ka Roger ang kanyang contact number pati tirahan, par asana personal na iabot ang letter. Binigay naman ni Ka Roger ang cellphone number (pati landline). Kaso ito talaga ang mahirap, kahit nasa kamay ko na ang kanyang number para siya makontak. Andon pa rin ‘yong takot ko sa manunulat na i-approach ito. Lalo na sabi rin ng aming propesor na huwag kontakin ang iintervihin sa cellphone. Impormal daw kasi, saka nakakhiya, kasi hindi pangkaraniwang tao ang kakausapin namin. Magmumukha lang daw kaming walang galang. Lalo pa raw sa kaso ko, kasi nga nakakatakot si Ka Ave. Hanggang sa wala na talagang pagpipilian, at tineks ko na si Ka Ave. Bulong ako nang bulong na sana mag-reply. At pinagpala nga naman talaga. Nc agreply. Kaya tuloy na ang interview sa kanya kinabukasan.
Sunod na araw, pumunta na ako sa office ni Ka Ave. Hindi ko  talaga alam, pero takot na takot pa rin akong kausapin si Ka Ave. Hindi ko talaga alam ang magandang entrada. Ang nakakatuwa pa nito. Imbes na siya ang interviehin ko, e ako ang tinanong. At ganito ang naganap.
Ako : Good Afternoon sir
Ka Ave : Oh!
Ako: Sir ako po ‘yong nag-text sa inyo kahapon. ‘Yong mag-iinterview po.
Ka Ave: Para saan mo naman gagamitin?
Ako: Sa Masteral po naming sir
Ka Ave : Summer? Anong kinukuha mo?
Ako: Master of Arts in Filipino po sir.
Ka Ave : Saang school yan?
Ako: Dito po sir, sa may PUP Graduate School.
Ka Ave: Anong subject yan?
Ako: Research Seminar 1 po sir?
Ka Ave: Para saan ‘yon, bakit ako ang napili mo?
Ako: Sir para po ‘to sa pagpapataas ng standard ng PUP. Dapat po kasing kilalanin ‘yong mga taong dakila na nagbigay karangalan sa PUP.
Ka Ave : Oh! Paano mo naman nalaman na magaling ako? Sino nagsabi sa’yo?
Ako: Sir nabasa kop o ‘yong mga gawa ninyo. Saka sir, nakasulat pangalan niyo sa history. Astig din sir ‘yong mga gawa niyong kuwento.
Ka Ave : Sino bang propesor mo diyan?
Ako: Si Sir Jun Cruz Reyes po
Nahirapan talaga akong kausapin si Ka Ave. Natatakot pa rin talaga ako na mabulyawan. Kaya kailangan kong mambola para kahit paano ay ma-build ang relationship namin at hindi siya mailang sumagot sa mga tanong ko. At ito ngayon ang matutunghayan mo. Medyo inayos ko na ‘yong construction ng mga grammar. Pero sinigurado ko na andon pa rin ang thought pati na rin ang diwa ni Ka Ave. Una nga niyang banat ay tungkol sa mga propesor na nagtuturo sa Graduate School-PUP.
Ka Ave: “Si Abueg nagtuturo rin d’un (sa GS-PUP). Kaso peke ‘yon. Alam mo ang isang manunulat pinapraktis niya ang kanyang itinuturo. Parang kagaya ng pari. Hindi pwedeng sermon ka lang nang sermon paano kung ‘yong pare pala kantutero? ‘Yong ibang mga writer diyan wala akong paggalang. Unang-una ‘di naman dapat silang lahat paniwalaan kasi peke, as in plastic. Diyan sa graduate school, may mga nagtuturo d’un na bobo. Kaya dumarami ang mga bobo sa Pilipinas dahil bobo ang nagtuturo. Pero kahit paano meron paisa-isang matino d’un. Halimbawa siguro sa mathematics, kung may doctoral degree talaga sa mathematics o kaya physics kumbaga hind inborn ‘yong mga ganon, kapag genius talaga mataas ang IQ, pero ‘yong mga nakikilala kong nagtuturo diyan (GS-PUP) sa graduate school mga bobo. Kasi dapat ‘yong kaalaman mo ipararating mo sa mga estudyante mo kaso wala ka ngang alam kaya wala kang maibabahagi sa kanila. O bakit ba kayo nagma-masteral?”
Ako : “Para tumaas ang rate sir”
Ka Ave : “May natututunan ka naman ba?”
Ako : “Sa iba meron sa iba wala”
Ka Ave: “Nagsasayang lang kayo ng oras diyan. Kaso ganyan talaga ang kalakaran sa lipunan natin. Andaming may PhD dito (sa PUP) kaso lima ang singko, kapag nag-usap kayo ng mga  common sense na bagay hindi mo makausap ng matino.”
“Halimbawa si Jun Cruz Reyes nagkaroon na ng  PhD yan. Pero itanong mo sa kanya kung ba’t siya naghabol ng PhD, para ma-promote, para tumaas ang sweldo.”
“Alam mo ang manunulat hindi kinakailangan mag-PhD. ‘Yong mga magagaling na manunulat sa mundo at sa Pilipinas walang PhD. Kilala mo si Nick Juaquin? Ang galing n’un magsulat sa ingles kahit walang PhD. Sila Ernest Hemmingway, sa world literature, may PhD ba ‘yon? Kaso ang kalakaran dito, kapag ang pangalan mo may PhD, akala matalino ka na pero tinatago nila sa titi ng PhD ‘yong kabobohan nila. Maraming ganyan dito, hindi ko na sa’yo sasabihin ‘yong mga pangalan. ‘Yong vice president dito nagtuturo rin d’un sa graduate school, malaki ng suweldo kaso hindi marunong magsulat ng matinong ingles. Nagsusulat ng libro, pero kung sino-sino pinapagawa’t pinasusulat para makuha ang mga datos. Matataas ang katungkulan ng mga unggoy na yan at yumayaman.”
“Ang edukasyon dapat hindi ka diyan yumaman kasi EDUCATION yan, hindi negosyo. Pero rito sa PUP negosyo ang edukasyon , individually and as institution. Dito nga sa PUP maraming malalaki ang sweldo, ayon nga gumagawa ng mga libro tapos kung sino-sino pinapakuha nila at kung saan-saan nila kinukuha ‘yong mga datos. Tawag d’un plageirism, pangongopya. Pagkapos sapilitang binibenta sa mga estudyante.”
“Alam na alam mo halimbawa sa mga subject na ethics na hindi niya kayang magturo ng n’un. Kapag sinabing ethics  values yan, bueaty, good etc etc. Kaso ‘yong buhay ng mga yan mga plunderer at magnanakaw. Kasi ninanakawan ‘yong mga estudyante, kinokotongan. Oh, kunyari kapag hindi mo binili ‘yong libro ko bagsak ka, hindi ba may mga ganyan dito?”
Ako : “Oo sir, marami. Nung undergrad pa lang kami sir. Sir hindi ba kayo nagbenta ng libro?”
Ka Ave: “Ito (turo sa kanyang librong Isang Pagdiriwang ng Sandaang Taong Sosyo-Politikal na Pakikibaka ng PUP –Mga Piraso ng Kasaysayan at Edukasyon, 1904-2004), yang mga libro na yan ako mismo ang gumawa niyan. Pero hindi ko binebenta yang mga yan. Kapag may mga estudyante akong matalino binibigyan ko na lang. Thank you na lang ýong kapalit.  Pero ýong iba (tao), sila nagbebenta ng libro ko, pero ako mismo, hindi ko binenta ang libro ko.  Pwera na lang kung may pupunta dito. Tapos sasabihing: ‘Sir hindi ko po mabasa yang libro niyo.’ Kaya sasabhin ko: ‘Sa iyo na lang o kaya pahihiram ko sa iyo, basahin mong mabuti.  Ayang libro ko na yan, kasaysayan  ng PUP yan, ako ang nagsulat niyan.”
“Noong panahon ni Dr. Prudente, maraming nag-aambisyon dito na sila ang magsulat ng kasaysayan ng PUP, pero sabi ni Dr. Prudente, dahil bilib sa akin ang mama, ako nagsulat ng kasaysayan ng PUP. Ito (turo ulit sa nabanggit na aklat). ako mismo mag-isa ang gumawa niyan. Mayroon lang akong isang secretary at katulong sa research at natapos ko. Kaso ‘yong isang president dito pagkatapos ni Dr. Prudente, nagsalin. Sinabutahe nila ‘yong libro ko. Alam mo kasi, lumabas itong PUP noong 1904. Hindi pa PUP ito noon. Ang tawag pa dito ay Manila Business School. Wala pang sariling building ang paligid nito. Umuupa lang ng kapikapirasong building. Oh! ako ang pinagawa ni Dr. Prudente ng libro. Siguro bilib  sa akin ‘yong matanda kaya sa akin pinagawa.”
“Si Dr. Prudente, sa lahat ng naging presidente dito, siya ang pinakamatinong tao. ‘Yong mga sumunod, kahit na ‘yong mga narito ngayon, ambobo ng mga yan, pero may power. Oh, kunyari bobo ka pero kaibigan ka niya, pero pagtuturuin ka sa graduate school.  Malaki ang sweldo. Kasi palakasan system.”
“Ako kilala ako ng mga yan, kilala ako ni Jun Cruz Reyes, kilala ako ni Ordonez, kilala ako ni Abueg , pati ‘yong iba. May mga nagtatanong kung bakitt hindi raw ako nagtuturo sa graduate school? Sabi ko, bayaan niyo na sila, baka masama pa ako sa mga bobo. Hindi naman lahat, pero alam mo na may paisa-isang matino diyan. Alam mo yan ang nakapagtataka, sa kabila ng pangyayari, supposedly thePUP is the biggest state university in the Philippines. Sa kabila ng lahat ng kabobohan, kasinungalingan, dishonesty ng mga opisyal, mga magnanakaw ang karamihan diyan, yumayaman  dahil sa kung ano-anong kadahilanan. “
“Sa kultura ng kabobohan, dishonesty etc etc, may mga estudyante na nag-i-excel  sa kanikanilang larangan.  Tingin ko hindi utang sa mga teacher ‘yon, kundi utang sa mismong mga estudyante. Sariling sikap.”
“Kapag may mga rally-rally sa PUP, minumura ko ‘yong mga gago diyan. ‘Yong mga nagtuturo sa graduate school, anong tinuturo nila? Nagtuturo sila about honesty, values etc etc. Ang kaso mga magnanakaw itong mga putang inang ito. Kaya sinasabi nga, sa PUP, nothing sacred anymore, panay baboy na. Pero syempre sa ibang isolated area,  bibilib ka, kasi hindi nangloloko, hindi ginagatasan ang mga estudyante, nagsasabi ng totoo.”
“Alam mo mahirap magsabi ng totoo. Yan ang hindi kayang ituro sa mga estudyante isama mo na ang honesty, at pati mga values. Kahit na anong galing mo. Kahit na anong yaman mo,  kung hind ka honest pangit tignan. Sasabihin ng iba don ‘Ang galing nito, mayaman to. Swerte! Siguro anak siya ni Jesus. Anak siya ng Diyos.”
“Sa lipunan natin, ‘yong mga magnanakaw, durugista at liar, sila pa ang nagmamana ng mundo. Sila ang yumayaman, sila ang nakalagay sa katungkulan. Ang maganda lang kahit paano, dahil hindi ka masyadong nawawalan ng pag-asa sa mundo, may pa isa-isa pa ring matino,  mga saving graces kumbaga.”
“Pero masasabi mo sa panahon ngayon. Halimabwa mga administrator, kahit paano may mga matitino diyan sigurado. Ibig sabihin, ‘yong culture of corruption, impurity etc. sila pa ‘yong mga pinapalakpakan, sila ang makapangyarihan, sila ang dapat mong sundin, kasi kung hindi, mawawalan ka ng trabaho. Paano kapag nawalan ka ng trabaho saan ka kukuha ng pera, kung may pamilya ka saan ka kukuha ng papakain sa kanika?  Magiging sunod-sunuran ka na lang. ‘Yong mga faculty members dito marami yang mga katarantaduhan dito. Ayon nga tinuro na ang kabobohan sa estudyante tapos ginagatasan pa sila. Marami diyan, sa test paper pa lang ay binebentahan ang mga estudyante. Ako never kong ginawa ‘yon kapag nagpapa-exam ako. Basta ang importante mayroon kang masusulat. Pero marami diyan, ini-encode pa ‘yong mga question tapos ibebenta sa mga estudyante. O kaya naman papagawin ka halimabwa ng mga thesis o kaya ng mga bagay para makapasa ka. E hindi mo kayang magsulat kasi bobo ka e, wala kang natututunan kay tarantado mas bobo sa iyo techer mo e, ang gagawin ngayon, pupunta sa claro m recto,  papagawa ka tapos kung saan-saan kukunin ‘yon. O kaya hihingan ka ng teacher mo ng 20k.”
Ako : “Sir may ganon talaga?”
Ka Ave: “Oo, para makapasa ka.”
Ako: “Malaki ‘yon sir ha!”
Ka Ave: “Maliit pa ‘yon. Maraming paraan para magkakuwarta ka. Kaya kapag nakita mo akala mo mabuti ang puso kaya sabi ko nga sa iyo, nothing sacred anymore here.”
Ako: “Tungkol sa pagsulat ninyo sir, talaga bang dapat naghihimagsik?”
Ka Ave: “Hindi naman rebolusyon lagi, pinapakita ko lang ang buhay na alam ko. Ako hindi nabuhay sa forbes park, hindi ako namuhay na mayaman. Kaya karamihan sa mga tauhan ko ay ‘yong masa, mga simpleng tao, mahihirap pero honest, marangal.”
“Sa ganitong klase ng lipunan natin, hindi ka yayaman kung matino ka, ang gagawin mo na lang manloloko, manglalamang. Sa origin of materialism , pinanganak ang tao noong unang panahon na hubo’t hubad. Bakit ‘yong iba nagkaron ng mga lupa? Ano nangyari? Kasi nararanasan natin ‘yong pyudalism, capitalism dito sa ating lipunan. ‘Yong mga kokonti sila ‘yong mga nagiging hari, sila ‘yong yumayaman, iniisip nila kung panao pa sila yayaman.”
“Noong unang panahon pareparehas tayo. ‘Yong lupa para sa lahat yan e. Parang hangin. Lahat tayo kailangan ng hangin, hindi naman yan ganito, na O akin ang hangin na ito, o ‘wag kang pupunta dito akin itong hangin na ito. O ‘yong sikat ng araw para sa lahat yan hindi ba? ‘Yong tubig para rin sa lahat yan, o bakit dumating ang panahon na, ‘yong mga tarantado, ‘yong mga cojuanco, nagkaron sila ng hacienda luisita? Marami  silang bahay dito sa Pilipinas pati sa abroad, marami rin silang kotse.  O bakit sa kanila lang?”
“Kaya nga sabi ng mga aktibista, ang Pilipinas ay kontrolado ng 60 families. Including the economy and the politics.  Tignan mo noong nakaraang eleksyon, bakit si Teddy Casino hindi nanalo? Pumupunta rin yan dito (sa FREE-PUP), kilala niya ako. Matalino rin, left handed yan, kaliwete. Kapag kaliwete ka kasi ang point of view mo is the masses. Pero bakit ganoon, anong nangyari? Kasi may mga taong tuso. ‘Yong pagiging tuso nila nakapabay sa pagsasamantala. Bakit ang mga lupa napunta sa mga mayayaman, dati lahat ng lupa sa Pilipinas pagmamay-ari ng mga katutubong Pilipino. Nang dumating ang mga kastila , dala nila ang bible. Bakit noong bandang huli ang mga malalaking haciendero, ‘yong mga hacienda, bakit nasa mga pare ang mga lupa? Kasi ginamit nila ang religion.”
“Ang mga Amerikano, ginamit nila ang edukasyon, ang ingles, para tayo masakop.”
“Kaya ngayon, ang simbahang katoliko ang isa sa mga biggest land owner. Hindi lang ‘yon, may mga corporasyon pa yan e. Marami silang ginagawang estampita, bible. May mga negosyo yan, may mga bangko sila, mga real estate. Lahat ng klase ng negosyo mayroon ang simbahan.”
“Hindi ba ang role nila sa buhay is to save souls? Pero maraming katarantaduhan ang simbahan. Hindi lang sa Pilipinas, may mga huling statistics ,maraming mga pare at madre , all over the globe ay umaalis sa pagpapare at pagmamadre. Ano ang unang unang dahilan? KALIBUGAN! Hinahanap-hanap nila ang tawag ng laman kasi biological ‘yon e , at isa pa ‘yong mga nagsisimba, pakonti nang pakonti.”
“Kasi kasalanan din ng mga pare, kung ano-ano pa ang kanilang pinakialaman. In other words maraming bagay sa mundo na hindi parehas. Ang mga isinusulat ko ‘yong totoong nangyayari sa buhay kaya nga sabi ko sa mga estudyante ko, hindi baleng mahirap basta marangal, pero ngaun, hindi bale nang hindi marangal basta may kuwarta. Hindi mo naman daw makakain ang honesty at integrity. Hindi mo rin makakain ang prinsipyo kaya sa kultura natin baliktad. ‘Yong mga nagmamana ng yaman ay mga magnanakaw, mga mandurugas, ‘yong mga sinungaling.
Para sa akin kasi, ang obra ay para sa mga manggagawa, at saka ‘yong mga istorya ko, walang mayaman, kung may mayaman man doon, malamang kontrabida ‘yon.”
“Ang manunulat dapat ginagawa ‘yong mga bagay na totoo. Huwag ka nang mag imbento, para makasulat ka ng makatutuhanan at kapanipaniwala. Para maintindihan ng mga mambabasa ang gawa mo.”
“Alam mo yang si Efren Abueg, maraming kabobohan yan. Ang mga nobela niya, ang mga tauhan ay mga mayayaman, mga pangalan ng mga sosyal. Tapos humahawak pa siya ng panitikang mapanghimagsik, anong alam niya doon?”
Ako: “Si sir Ordonez po ‘yong may hawak ng subject na ‘yon.”
Ka Ave: “Si Abueg din may subject na ganon. Sumali-sali siya ng konti sa mga kilusan, sa mga progresibo, pero hindi naman talaga ganoon ‘yon e. sumabit lang. Atleast si Ordonez kahit paano talagang sumasama, pero mas nauna ako sa kanya.”
“Hanggang ngayon, ‘yong mga manggagawa, mga magsasaka, ‘yon ang tunay na mga tao kaya nga sinasabi ko sa mga estudyante ko, huwag niyong LA LANG LANGIN ang inyong mga magulang kahit ‘yong tatay mo kunyari taxi driver o driver ng tricycle o ang nanay mo nagtitinda sa palengke. Anong gusto niyo, nanay niyo jeuteng girl, ang tatay niyo drug lord, ang tatay niyo plunderer kagaya ni Erap? Na nabola niya ang mga tao? Pero hindi ko rin naman sinasabing si Lim e walang kasalanan.”
“Kaya itong bayan natin, aping-api ito kasi maraming naniniwala sa mga leader na peke.”
“Tignan mo ngayon ‘yong mga manggagawa natin sa Taiwan dinuduro tayo. Kakaning itik tayo.”

“Noong 50’s ‘yong mga Taiwanese  ang nagpupunta rito para pumasok na domestic helper, mga yaya ng mga mayayaman. Yaya sila ng mga instik na may kaya dito. Kaso ngayon nabaliktad, ang Taiwan ngayon ay asensado, economically at militarily. Kaya kawawang-kawawa tayo, inaapi ang mga kababayan natin doon. ‘Yong iba pinapalo sa ulo ng baseball bat, dinidiscriminate.”
“Pangunahin kasi diyan kung bakit tayo api. Dahil mga leader natin. Mga inutil. Sa kasaysayan natin, una palang kay Aguinaldo. Binenta ang rebolusyon. Si Aguinaldo masamang Pilipino ‘yon pero siya ang pinapalakpakan at may mga naniniwala pa rin sa kanya.”
Ako : “Yong sa style po ba ninyo ng pagsulat?”
Ka Ave: “Kanya-kanyang style yan, basta ang importante maintindihan ka ng mga mambabasa mo, hindi naman kinakailangang gumamit ka ng mga malalalim na tagalong o kaya malalim na ingles. Simple lang, ‘yong madaling maunawaan ng mambabasa mo.”
“Kanya kanyang style yan e, halimbawa si Jun Cruz Reyes, ang gulo ng sentences niya, hindi niya alam gamitin ang NG na maiksi at NANG na mahaba. May PhD pa, may mga seminar-seminar – workshop pa yan na makikita ang pangalan niya. Nag-aambisyon ata yang mag-national artist.”
Ako: “Sir si Rio Alma?”
Ka Ave: "Peke rin ‘yong kumag na ‘yon. Kaya naging national artist yan kasi nilakad niya ‘yong sarili niya. Magpapapirma siya tapos siya ang naglalakad ng sarili niya.”
“Ang manunulat din dapat simple lang. ‘Yong naiintindihan agad. Halimbawa, binabasa mo si Ernest Hemmingway. Hindi mo kinakailangang konsultahin pa ang dictionary, kasi bihirang-bihira lang gumamit ng dictionary world yan. Simple abc-English ang ginagamit niya. Kaya magagaling na manunulat ang mga ‘yon. Simply and  easily understood. Tignan mo ‘yong kay Jun Cruz Reyes. Lumpen ‘yong istilo niya. Kung sa bagay, kanya-kanyang style yan.”
Ako: “Sir bakitt walang gitling ‘yong mga akda niyo?”
Ka Ave: “Sinadya ko ‘yon. ‘Yong doon sa kuwento na Lagablag Sa Utak Ni Damian Rosa. ‘Yong dire-diretso doon ay extreme of consciousness ‘yon ng tauhan. Lasi lasing siya.”
Ako: “Doon pos a kuwentong Elias at Plaridel. Pagdating ni Elias, natupad ba niya ang kanyang plano?”
Ka Ave: “Rebolusyon ‘yon! Sa akin, sa utak ko, panalo ang rebolusyon pero sa real world, malayo talaga sa katotohanan, mahina ang rebolusyon.”
“Sa panahon namin mas masigla kami, araw-araw magkakasama kami, nakikipaghabulan. Kasi malaking isyu talaga ang paggawa, syempre marami ang nag-strike pero ‘yong manggagawa mismo, watak-watak sila, paunti nang paunti ‘yong mga nakikipaglaban, lalo nang lumalakas ang kapitalismo ngayon.”
“Noong panahon ni Marcos 40 million lang tayo pero ngayon, dumoble nasa mahigit 97 million na tayo. Lalo nang dumami ang walang hanapbuhay, ang mga puta, may asawa, walang asawa, dalaga ay puta na rin. Ganyan na ang buhay, kapit sa patalim. Marami sa ating ang underemployed, may trabaho nga pero hindi sapat ang kita. Halimbawaa ‘yong mga nagbebenta ng sigarilyo, nagtitinda ng banana cue.”
“Tapos paano pa ‘yong mga newly graduate, taon-taon may nagtatapos, parami nang parami ang mga malilibog, anak nang anak.”
Ako: “Sir, bakit mas pinili niyo ang magturo dito sa PUP kaysa sa iba?”
Ka Ave: “Gusto ko rin naman magturo sa iba, pero iba sa PUP. Unang-una malaya dito, makakapagmura ka dito. Hindi katulad ng La Salle at Ateneo kailangan disente ka, hindi ka nagmumura.”
“Maganda dito sa PUP kasi everything is equal. Pero kung kukunin ka lang para magturo tapos bibigyan ka ng maraming load, ang panget din n’un kasi sa pagtuturo, basa ka nang basa para marami kang makukuhang impormasyon, pero pinahihirapan mo lang sarili mo, dahil hindi naman lahat ‘yon, maabsorb at maituturo mo nang tama.”
“Meron nga dito, hindi naman nagbabasa pero ang daming natuturo. Kaya kapag pinagre-report ko mga estudyante ko, pinapagawa ko sila ng listahan ng mga tao sa buong mundo kung sino na ang nakakuha ng novel prize. Dito sa Pilipinas wala pang nakakakuha ng novel prize, ewan ko ah…. pero ang sabi nila si Ave Perez Jacob, bibigyan daw ng novel prize, tawanan sila ngayon (mga estudyante ni Ka Ave)”
“Kung ikaw ang magtuturo, okey na ‘yong 3 o 4 na load, mabubuhay ka na n’un. Pero sa mga guro na overload na, sa sobrang dami ng kailangang basahin, hindi na makakain, hindi maipasa ang mga requirements sa oras.  Pero sa panahon ngayon bihira na ang bata, ang basa ng basa dito. Marami ang nagtuturo ng literature pero walang alam, bobo!!”
“Katulad ng sinulat ko na sa Lagablab sa utak ni Damian Rosa, karamihan ng sinusulat ko ay autobiographical. Akala  ng iba, na magagaling sumusulat sa Ingles, nang mabasa nila ‘yong sa amin, sinabi na ito ang tunay na kuwento na Filipino writer. Kaya nagkaroon ng Agos sa Disyerto. Sa akin nagmula ang pangalan na Disyerto, dahil sinabi ko na ang Panitikan ay isang Disyerto  kaya inilagay nila ‘yon tapos dinagdag lang ang agos, ang leader nila dun si Efren Abueg.  Filipino is our language of creative writing. Naghanap ako ng tunay na manunulat sa lenggwaheng Filipino, dalawa lang ang napili ko si Amando V. Hernandez at si Lazaro Francisco.”
“Magaling na writer si Abueg pero nasaan na siya ngayon? Si Almario, peke, marami siyang nagawa pero plagiarism kaya dapat ‘yong mga manunulat na ‘yon, inilalagay sa ilalim ng lupa.”
“Kapag writer ka dapat ‘yong sinusulat mo, naranasan mo sa totoong buhay. May mga style na totoo sa sarili mo. May mga naunulat na binebenta nila ang panulat nila, mga puta, pinagkakakitaan! Halimbawa ‘yong sa politiko, babayaran ka nila para magsulat tungkol sa kanila pero itatago ang baho mo. Puro positibo o magaganda ang ilalagay. Yan ‘yong mga ghost writer, imbes na pangalan mo ang ilalagay, pangalan ng iba, kumbaga sila ang may pagkakakilanlan, masahol pa sa puta ang ginagawa nila!”


Pansin naman natin kung paano magsalita ang isang Ave Perez Jacob. Isa lang ang natitiyak ko kung bakit ganyan siya magsalita. At ito ay mula sa isang pahayag mula sa sanaysay ni Ka Roger na Pagbabagong –bihis sa Wika at Panitikan. Sa kanyang aklat na Saan Papunta Ang Mga Putok?

“Sa larangan naman ng maikling katha, pagpasok din ng 1950, masasabing naunang naghimagsik si Ave Perez Jacob. Bagaman manakanaka siyang sumusulat, ang kanyang mga kuwento’y malinaw na sumira sa mga makalumang porma at estilo, gayundin sa tema, ng mga mailing kathang sinulat ng sinundang henerasyon ng kababakasan ng mga paksa ng nakalulunod na luha ng kapighatian, ng nakpaninidig-balahibong paglalambingan at pag-iibigan at ng kung ano-anong kahangalan tungkol sa daigdig ng kababalaghan. Ang kanyang mga diyalogo ay natural na natural, makatotohanang-makatotohanan, hindi mga dayalogong pamilya-milya ang layo sa realidad. Ang kanyang estilo ay masasabibng nagwasak sa binubulok na estilo ng pagkukuwento – na maaaring naunawaan niya sa mga banyang manunulat gaya ng mga Hemingway, Steinbeck, Kafra, Joyce, Gorky at iba pa. Ang kanyang mga paksa ay mismong buhay-Pilipino – ang kalupitan ng sosyedad laban sa maliliit sa lipunang ito ng mga diyos-diyusan.”


Tuesday, February 12, 2013

Kung Bakit Walang Emoterong Propesor : Pag-ibig Lang Ba Ang Puwedeng I-Drama?


(Maikling kuwento)


Nakakainip ang ganitong buhay ayyyyyyy…

Di nakakaaliw ang ganitong buhay aayyyyyy…


Gumagabi na…

Ako’y uuwi na…

Tapos na ang saya…



“Aray! Amputek! Ansakit, badtrip naman oh, bakit ngayon ka pa naputol?Tapos ‘yong number 6 pa, ang mahal pa naman nitong bass. Taragis na yan! Lecheng string. Tapos na talaga ang saya, hindi man lang pinatapos ‘yong kanta, may bonus pa akong mahabang pantal sa braso. Badtrip talaga! Minsan na nga lang mag-emote with matching gitara, mapuputulan pa.”


“Baho ng daliri ko ha,amoy kalawang?”


“Maaayos pa kaya ‘to? Mukhang malabo na ha. Sa bandang gitna pa naputol e. Anong oras na ba? Gabi na masyado e. Bukas pa kaya ‘yong binibilhan ko ng string?”


“Lalabas ba ako o hindi? Bibili o hindi? Teka? Badtrip, hirap mag-desisyon. Ay magkano ba ‘yon? Pangit kasi kapag bumili ako ng string na isa lang e, mas maganda kapag isang set. Para isang set din na maganda ‘yong tunog ng gitara. Hindi ‘yong parang tunog-lata.”


“P22 ata ‘yon e. Ay putcha. P50 na lang pala pera ko, kapag bumili ako ng string ngayon, masu-short ang budget ko para bukas. Badtrip! Ayaw ko nang mangutang ng pera kay ermat, putcha nakakahiya na masyado e.”

“Badtrip kasi talaga e, bakit kung kailan mo kailangan ‘saka naman wala. Taragis na yan oh. ‘Ba’t kasi antagal ng suweldo? Sundin ko na lang kaya ‘yong payo ni ermat na lumipat ako sa private next sem para mataas ‘yong suweldo, para me pambayad kami sa utang. Hindi ‘yong ganito, imbes na makatulong nakakaperwisyo pa. Nakakainip talaga ang ganitong buhay. Shit!”



Akala ‘ata nila’y ganoon kadaling magturo. Hindi kasi nila naiisip na kailangan din naming maghanda kung anong ituturo, kailangan naming magbasa. Pero minsan hindi na magawa ito, hindi dahil sa walang oras kundi walang librong babasahin, kasi kahit ‘yong university hindi makapag-provide ng librong gagamitin namin. Hindi ko na nga mabasa ‘yong mga kailangan ko, kaya ano pa bang aasahan, edi hindi ko na rin mababasa ‘yong mga gusto ko, puwera na lang kung may magpapahiram sa akin. Kung sa library naman, anong aasahan din doon, sa labas lang mukhang maganda, pero pagpasok, naku, mas pipiliin mo na lang na lumabas at du'n tumambay sa linear park kahit masama ang amoy na dala ng ilog Pasig, ayos na 'yon kaysa sa loob. Kung may mahanap ka man doon na libro, asahan mong luma at sobrang lutong na ng mga papel na parang  sintanda na rin ng mga prop ko dati nu'ng college ako, kaya't wala ring pakinabang ang mga libro. Kaya kapag napapadaan ako sa Book Sale, nagtsatsaga talaga akong maghanap ng magandang libro. Kahit ilang oras ako doon hindi ako titigil hangga’t walang nakukuhang matino. Mahal kasi sa National Bookstore tapos ang hirap pang dumiskarte kung gusto mong magbasa kasi may plastic ‘yong libro at may umaalialigid pang empleyadong nagpaparamdam na umalis na ako kung hindi ako bibili. Buti na nga lang kahit paano sa Power Books puwedeng magbasa, kasi may mga libro na wala nang plastic o kaya puwede kang magtanggal ng plastic ng libro kung gusto mong basahin at wala pang mga papansing empleyado.

At ‘saka iniisip ‘ata nilang hindi kami kumakain, naliligo, nagpapabango at pumuporma. Kahit paano kailangan namin ang huli, nakakahiya sa mga estudyante namin kung haharap kaming mukha at amoy basura.


Ewan ko nga kung napapansin ng mga estudyante ko na paulit-ulit lang ‘yong sinusuot ko sa isang linggo, binabago ko lang ang araw kung kailan susuotin para hindi halatang nagamit na. Awkward naman kung magsusuot ka ng long sleeve sa klase, kasi kapag papasok ka sa university, mabango ka. Habang papalapit ka na sa class room na pagtuturuan mo, unti-unti na rin itong nai-expire. ‘Wag ka nang magreklamo kung bakit sira ang electric fan o kaya kung minsan namamatay na lang ang ilang ilaw, o kaya kung pinagpala talaga kayo, mawawalan ng kuryente ang buong College pati Dean’s Office hindi pinapatawad. Ganyan daw talaga sa State U. Ang katwiran, mababa lang naman daw ang binabayad ng mga estudyante kaya’t ‘wag na raw masyadong mag-demand. Kaya sapat na sa akin ang Polo Shirt. Wala rin naman snow rito sa Pilipinas para magsuot ng Jacket.


Dahil karamihan ng mga nag-aaral sa mga State U ay anak mahirap, asahan mo na na kapag may ipapabayad kang piso o dos para sa unit test, hindi mo maiiwasang makarinig ng mga komento. Kesyo ang mahal daw ng bayad, kesyo wala na nga raw silang pera pangkain para makabili ng P25 na student meal sa canteen tapos mababawasan pa. May ilang estudyante rin na talagang walang pera, kaya ang ginagawa nangungutang na lang sa classmate. Mayroon din diyan talagang makakapal ang pagmumukha. Hindi talaga magbabayad—mga pasimple, kunyaring nagbayad pero inabot lang naman ang bayad ng classmate. Mayroon ding nagsasabing libre na lang daw. Ganito ang laging routine kapag may exam. Kaya sinasagot ko naman ang kanilang hinanaing, akala ‘ata nila’y sila lang may problema sa pera.


“Anong akala n’yo sa akin mayaman? Volunteer nga lang pagtuturo ko sa inyo tapos babaratin n’yo pa ako.” Sabay ngingitian ko sila. Mayroon namang tatanga-tanga na magtatanong, “weh, sir? Hindi nga Volunteer ka lang talaga?” ‘Yong mga ganon hindi makuha ‘yong joke ko, o baka hindi mukhang  joke ‘yong joke ko kaya sineryoso. Tapos sasakyan ko naman ‘yong pagka-slow non. “Oo nga Volunteer lang ako, walang binabayad sa akin, libre lang. Serbisyong totoo sabi ng GMA7.” Tapos hindi pa rin magi-gets ni kumag ‘yong joke ko. “Talaga sir, astig ‘yon ha? Paano ka nakaka-survive sir, saan ka kumukuha ng pera?” ‘Yon ‘yong mahirap na tanong na hindi ko rin alam kung ano at paano sasagutin kaya ang gagawin ko,  nginingitian ko na lang sabay kamot sa hindi makating ulo.


Kapag sasapit na ang Midterm at Final exam. Katakot-takot na bayarin ang mararanasan ng mga estudyante. Sabay-sabay rin kasi ang reklamo nila, kesyo wala na raw silang pera kasi nagbayad sila kay mam at sir ganito ganyan dahil katatapos lang daw nila mag-exam. Gusto ‘ata nilang ‘wag na lang mag-exam sa akin. Pabor ‘yon walang akong chechekan. Wala rin silang grade.




Naalala ko ‘nung college pa ako, may isa kaming prop sa minor. Pinagbayad kami ng Booklet--- doon daw kami magsasagot, kasi isusulat na lang daw niya ‘yong tanong sa block board, dalawang tanong lang naman na non-sense ‘yong sinulat niya. P10 ‘yon, e sa baba, sa may University Store P5 lang ‘yon. Tapos kung titignan mo pa ‘yong Booklet, sobrang nipis, matino pa ‘yong mabibili mong yellow paper na tig-piso. Tibay ng prop namin na ‘yon e. Siyempre dahil PUP ‘yon. Nagprotesta kami pagkatapos ng exam, sinugod agad namin ‘yong department nila. Sabi naman ng Chairperson, wala na raw siyang magagawa kasi head daw pala ng University Store ‘yong prop namin.


Mayroon pang isa. Sa minor subject ulit. Putcha, 3 page lang ‘yong test questionnaire. Tapos ang lalaki pa ng spacing. Tapos nasa long bong paper pa, e kung tutuusin kasya na ‘yon sa 1 short bond paper ayusin lang ng konti. Singilin ba naman kami ng P7. Ang nipis pa ng papel parang tissue. Kita mo na ‘yong nakasulat sa 2nd page. Nang hawak na naming lahat ‘yong paperl, sabi ng astig naming prop na ‘wag daw naming susulatan ‘yon ng kahit ano, sa yellow paper daw kami magsasagot ibabalik daw sa kanya ‘yon. Wow! Antibay ng prop namin. Nagreklamo rin kami sa department nila, kaso mission failed.


‘Yong isa naming sobrang tibay na propesor. Binentahan kami ng libro worth of P275. Ni-required sa amin. Project daw sa midterm ‘saka doon daw kukunin ‘yong midterm exam. Kahit masama sa loob namin, napabili kami. Kahit ang totoo, ‘yong isang page lang ang may laman, ‘yong sa likod wala na. Astig din! Pinakamatindi doon, parang minadali pa ‘yong pagkakagawa ng libro. Tapos ‘yong nakasulat doon sa libro, alam mo kung saan galing? Putaragis, kopyang-kopya ‘yong info na nasa Wikipedia. Ganoon na ganoon e. O baka naman ang Wikipedia’ng nangopya doon sa libro namin. Ang angas ‘no? Nang masiguro na ng kumag naming prop na marami nang nakabili, putcha hindi na nagpakita sa amin. Wala tuloy kaming natutunan. Nakakadiri kasing basahin ‘yong libro naming nakipagkopyahan sa Wikipedia. Pinagtataka namin, paano niya na-compute ‘yong grade namin. Wala kaming quiz, assignment, seat work, walang midterm exam,  wala lahat, e nung Finals hindi na rin siya nagpakita. Nakakatawa lang, buong klase 2 sa kanya. Kaya ‘yong mga bibo’t mga grade conscious sa amin, hindi matanggap na magkakaparehas kami ng grade. Unfair daw.


Ngayon ko na-realize ‘yong ginagawa ng mga teacher ko nung nasa Elementary at High School pa ako. Kaya pala sila nagbebenta sa amin pulburon, yema, candy, mani. Tapos ipapaubos sa amin ‘yon. Everyday laging may ganoon, nakakasawa, baka nga pati ang mga bulate namin sa tiyan nagsasawa na sa ganoong putahe.


Kaya rin pala ‘yong teacher ko dati sa T.L.E. nagbibenta ng mga pabango, deodorant, sabon, shampoo at iba pang pampaganda sa katawan. Kapag talagang interesado ka sa mga paninda niya, pumunta ka lang daw sa faculty room, papakita raw niya ‘yong produkto ng Avon, Sara Lee at Natasha.

Ngayong nasa sitwasyon na nila ako, naiintindihan ko na. Sobrang natutukso rin akong magbenta ng libro sa mga estudyante ko. P60 din ang isang libro noon kapag nabili. Paano kung bumili ang isang section na mayroong 50+ na estudyante. Edi tiba-tiba ako nito. Tapos sa kabilang klase rin ganoon din, edi ang yaman ko na. May pang-date na ako kay Faith.


Speaking of. Nung 2nd Anniversary namin, gustung-gusto ko na siyang makita kaso wala akong pera. Sabi ko na lang sa kanya sa text na gagawa akong midterm exam—totoo ‘yon gagawa talaga ako, kaya kung magkikita man kami saglit lang. pero hindi natupad ang saglit. Nagkita nga kami. Sobrang hiyang-hiya ako, wala man lang akong dalang kahit ano, buti na lang at hindi materialistic si Faith kahit presensya ko masaya na siya basta magkita kami, kaso nahihiya talaga ako. Kasi  siya sumagot ng pamasahe namin papuntang SM, sa kanya rin ‘yong pangkain. Pang-sine sa kanya rin. Naintindihan naman daw niya na delay ang suweldo ko, kaya siya raw muna ang taya. Sabi ko bawi na lang ako sa kanya next time. Ang nakakainsulto roon, ako may trabaho na siya nag-aaral pa lang.


Minsan nangungutang muna ako kay ermat. Sasabihin ko sa kanya na magpapaphotocopy lang ako ng libro para may magamit sa pagtuturo ‘saka para sa unit test. Babayaran ko na lang kapag sumuweldo ako. Matataranta naman ngayon si ermat tapos maghahanap na ng puwedeng utangan, kapag wala na talagang choice sa bumbay ang takbo. Pero wala naman talagang Libro na ipapa-photocopy, wala ring unit test. Gagamitin ko lang ang pera para may pang-date kami ni Faith. Magtataka naman ngayon si babae kung saan daw galing ang pera e wala pa naman daw akong suweldo. Sasabihin ko sa kanya na ‘yon ‘yong tubo ko sa pagpapa-photocopy ng unit test ng mga estudyante ko, kahit wala rin talagang unit test na naganap. ‘Saka bakit daw umabot ng P600 ‘yong tubo ko e kakaunti lang naman daw ang hawak kong klase sa PUP. Ganoon talaga, ‘yon lang ang isasagot ko kay Faith sabay ngingitian ko na siya.



Saklap ng kalagayan. Kung bakit kasi wala pang suweldo, kaya pati tuloy personal kong buhay apektado. Akala ko pa naman na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral e maiaahon ko na sa kahirapan sina ermat, akala ko matatapos na ang pangungutang na ginagawa niya dati noong nag-aaral ako para may pamasahe o kaya kapag may babayarang ticket na binebenta ang prop namin, na sasabihing pangtulong na lang daw sa PUP kasi Foundation week, na ang totoo’y matagal nang expired ang date na nakalagay sa ticket. Akala ko hindi ko na makita ang imahe na dalawang beses na lang silang kumakain para lang may pamasahe ako sa pagpasok. Hindi pa pala.


Nakaka-pressure talaga kapag ikaw ang inaasahan sa pamilya. Imbes na makatulong, e ako pa ang nagiging dahilan para humaba ang listahan namin ng mga utang. Sobrang nahihiya ako, kasi mula nang makapagtapos ako, ni hindi na ako inuutusan na maghugas ng pinagkainan, magwalis at tumulong sa mga gawaing bahay. Si ermat na lahat ang sumasalo, hindi gaya dati pagkagaling ko sa PUP, tambak ang mga hugasin kasi ako ang huling kakain at ako rin ang maghuhugas ng mga ‘yon. Minsan naman wala akong dadatnang pagkain, maghuhugas lang talaga ako ng mga pinagkainan nila. Kaso nabago ‘yon mula nang naka-graduate ako at nakapaghanap ng trabaho. Misan, pagkauwi ko sa bahay, lalabas agad si ermat para mangutang ng Lucky Me noodles para may hapunan ako. Tapos hihintayin niya lang akong matapos kumain, siya na ang maghuhugas noon. Kapag may ginagawa ako sa baba, umaakyat na sila ng kapatid ko, lagi niyang pinapaalala kay utol na ‘wag daw guluhin ang kuya kasi may ginagawa. Kahit minsan naglalaro lang talaga ako ng Battle Realms at Dota sa aking lumang laptop na bigay lang sa akin.


Pinakadumudurog sa puso ko(naks!). Kapag nagkukuwento si ermat, kasi minsan ‘yong mga kapit-bahay namin, tuwang-tuwa sa akin, kasi raw nakakapagturo na raw ako, tapos sa College pa. Si ermat talaga ang tuwang-tuwa roon, alam kong pumapalakpak ang tenga niya, kasi sa aming lugar ako pa lang daw ang naging teacher at sa college pa. ‘Yong mga kababata ko kasi, pati mga naging tropa ko nung bata pa ako, kung hindi nakulong, nakabuntis, o kaya naging construction worker. Ako lang rin daw ang grumadweyt na hindi man lang humihinto sa pag-aaral. Tapos nagtatrabaho na raw agad. Nakaka-pressure talaga ‘yong mga ganoong kuwento ni ermat. Sana nga lang talaga nakakayaman ang mga papuri.


Kapag ako naman ang naiinterview ng mga kapit-bahay. Grabe kung makapagtanong. Laging may follow up question. Kesyo ano raw ang trabaho ko, kung hindi raw ba mahirap ang magturo. Kung hindi raw ba ako binabastos ng mga estudyante ko kasi ka-generation ko ‘yong iba. Kung wala raw bang nang-aakit sa aking babae. Tapos ang pinakamahirap sagutin na tanong nila’y kung magkano raw ba ang suweldo ko. Sasabihin ko naman na sapat lang (nakakahiya kasing sabihin kung gaano kababa ‘yong suweldo tapos delay pa, mamaya magpalibre pa sa akin e.)




Si erpat naman, wala ng trabaho, matanda na raw kasi at may sakit pa kaya wala nang tumatanggap. Kaya ako talaga ang mag-aahon sa kahirapan.


Noong minsang dinalaw si erpat ng mga kapatid niya kasama ang mga pinsan ko. Kahit nakahiratay na sa higaan sobrang yabang pa ring magkuwento. Dinaot niya ‘yong isa kong pinsan na kalalaya lang sa kulungan. Ewan ko kung biruan lang nila ‘yon, nagtatawanan kasi. Sabi niya roon.


“Walang ganyan sa pamilya natin. Ayusin mo ‘yang buhay mo. Pumili ka ng babarkadahin mo. Tignan mo ‘tong anak ko.” Bigla akong tinuro. “Sa PUP nagtatrabaho yan, teacher siya roon.” Pucha, ako tuloy ang nahiya sa ginawa ni erpat. Kinuha pa niya ‘yong grad pic kong malaki, pinakita sa pinsan ko. “O tignan mo, sa PUP din naka-graduate yan. Mahirap makapasok diyan akala mo ba.” Napapailing na lang ako sa sobrang kahihiyan sa mga pinagsasabi ni erpat. “Nagmana kasi sa akin ‘tong panganay ko e.” Tapos bigla kaming nagtawanan maliban kay erpat. Hindi namin alam kung joke ‘yong sinasabi niya o gusto ring bigyan ng karangalan ang sarili. “Yan ang gayahin mo, ‘yang pinsan mo. Hindi puro yang barkada-barkada na yan, wala kang mapapala diyan. Napagdaanan na namin yan ng tatay mo. Kaya papunta ka pa lang natutulog na kami sa sobrang tagal.” Makapangaral naman ‘tong si erpat akala mo kung sinong napakabait na tao noong kabataan niya. E ang kuwento sa akin ni ermat, babaero raw ‘tong si erpat.


At dahil panganay, ako rin ang inaasahan nilang magpapaaral sa aking bunsong kapatid na 17 taon ang aming pagitan. Kaya pala sabi nila ‘wag muna akong mag-asawa, mag-ipon lang daw muna.


Kapag ganitong wala ka talagang pera, malaki talagang problema. Minsan sa sobrang pagtitipid para lang maka-survive sa trabahong delay at mababa ang suweldo. Imbes na P10 ang pamasahe, P8 lang ang binabayad ko, mukha pa naman akong estudyante kaya hindi na nagtatanong ang jeepney driver kung estudyante ako o hindi.


Bina-budget ko na rin ang P30 sa isang araw. Kapag lumagpas sa maximum budget ang nagastos, napapailing ako at wala akong ibang choice kundi galawin ang budget para sa susunod na araw. Minsan kasi hindi ko maiwasang matuksong bumili ng tok neneng at kwek-kwek sa Teresa para may miryenda.


Inaasahan ko na rin na pagkakuha ko ng suweldo, pambabayad lang ‘yon sa utang na nagastos ko para makapasok araw-araw sa trabaho. Tapos ganoon ulit ang routine. Mangungutang para may pamasahe at pangkain sa bahay. Pagkasuweldo pambabayad lang.


Syempre dahil delay at mababa ang suweldo, mahirap ding pumorma. Hindi mo mabibili ‘yong gusto mong damit, pantalon at sapatos. Kahit ‘yong mga bagong palabas sa sine hindi mo na rin mapapanuod. Kaya para makamura, sa Quiapo o kaya sa Divisoria ang punta.


Ay, nga pala! Nangangalahati na rin ‘yong sem ko sa masteral, hindi ko pa rin nababayaran ‘yong kalahating binayad ko noong enrolment. Kapag ganitong wala kang pera, minsan naiisip ko na lang na tumigil na lang muna. Kaso sayang ‘yong panahon. Kaya ang gagawin para makapag-aral, mangungutang ulit. Sa suweldo na lang babayaran. Mabuti na nga lang hindi masyadong magastos ang mga requirements dito e.


Pero kahit paano, kahit mahirap ‘tong trabaho ko – kasi mababa at delay ang suweldo. E natutuwa pa rin ako rito. Kapag nasa PUP ako, kahit malayo pa lang e tinatawag na ako ng mga estudyante ko. Alam kong mga estudyante ko sila kahit hindi ko sila nililingon agad. Kabisado ko ang kanilang tinig.


“ SIRRRRRRRRRRRRRR!”


Nakakahiya rin minsan, kasi sobrang lakas ng boses. Kung makakaway pa akala mo hindi kami nagkikita sa room nila. Kapag wala ka na sa university may mga estudyanteng tatawag at babati sa’yo. Kaya kahit sobrang pagod ako, nawawala kasi kahit paano kinikilala ka nilang prop at naging bahagi ng kanilang buhay-kolehiyo. Ito ang kasiyahang hindi kayang palitan ng suweldong binibigay sa akin.


Minsan naman kapag nasasalubong ko sila sa corridor, lahat sila bumabati sa akin. Nagmumukha tuloy akong celebrity. Pero iba ang kanilang pagbati. May halong ngiti na tuwang-tuwa na makasalubong ako. May ilan naman na talagang tumitigil pa para lang batiin ako. Ngingitian ko lang sila. Tapos ngiting walang halong kaplastikan ang ibibigay nila sa akin. Minsan nga iniisip nila na parang wala lang kapag tumutugon ako sa kanilang pagbati, pero deep in my heart tuwang-tuwa ako. Hindi ako magsasawang ngitian at batiin sila hangga’t may mga estudyante akong kinikilala ako hindi lang bilang prop nila sa isang subject kundi bilang isang kaibigan na handang tumulong sa oras na may kailangan sila ---‘wag lang muna sa pera. ‘Saka na kapag yumaman na ako (kahit hindi nakakayaman ang pagtuturo). Sapagkat ang guro’y para sa estudyante at ang estudyante’y para sa guro. Kaya’t para sa kanila, gagawin ko ang lahat para magawa ko ang aking tungkulin bilang isang propesor. Apir!




O siya, anong oras na ba? Magche-check muna ako ng mga papel, para may ma-record na ako’t maibalik na sa kanila ito. Ayaw ko kasing ma-late sa pagpasa ng grades ng mga estudyante ko. Baka i-hold pa ang suweldo ko kung magkataon.

Wednesday, January 9, 2013

Nang Minsang Makakuwentuhan ko si Galileo

(Maikling Kuwento)


“sir!”  nanggaling sa likod ko.
“ay ser, kinuha ko na ‘yong gitara.”
“segi sir,” na sinundan ng maraming tango.
“’kala ko kasi walang tao dito ser  (hindi naman siguro ako pagkakamalang magnanakaw, aba, professor naman ako rito), nagmamadali rin kasi ako, pasensya na ser a, salamat rin pala.”
“o segi, segi, walang prublima sir.”

kapag nakikita ko talaga itong si kuyang guard, lagi kong naaalala si dirk nowitzki na sa tuwing magpi-free throw ay palaging inaayos ang kuwelyo ng jersey (alam ko, walang kuwelyo iyon) kahit hindi naman magulo, (pero ang 5’9” kong height ay nagmumukhang dirk at siya si yao ming, hanggang noo niya lang kasi ako kapag pinagtabi kami.   para rin siyang si dennis rodman,  makapal ng labi na medyo matipuno na payat na para bang bato-bato ang katawan na tulad ni lebron james na parang cross breed din ni kevin garnett, natural kasi ang kulay nitong itim.) kay kuyang guard naman, maya’t maya niyang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong parang barong-tagalog na alanganing puti na malapit nang maging kulay gray.
kulang na nga lang magsuot siya ng amerikana at mukha na siyang miyembro ng mib.  paano ba naman kasi ang hilig magsuot ng salamin kahit hindi mataas ang sikat ng araw, ni minsan nga hindi ko pa nakitang tinanggal niya iyon mula nang naging tropa ko siya nitong mga ikalawang linggo nang pasukan, second sem.  siya rin kasi ang humarang sa akin dati sa gate:
“s’an ka sir?” senyas ng kanyang kamay.  nginitian ko lang sabay iling.
“papasok!”
“id mu?” medyo maangas ang pagkakasita sa akin kaya napakamot sa hindi makating tainga.
“sir tenatanung keta… id mo?”  hindi na ako natutuwa.  kamot sa ilong.  ayaw ko siyang mapahiya.
“wala pa akong id e!” taas ng dalawang kilay habang nakangiti.
“’de p’widi pomasok.  hindi ka pa nakaoniporme.  sega ka ba bay?” sabay ayos ng kanyang salamin.
“hindi!” ako naman ngayon ang mag-aangas sa kanya.  “sensya na ser, hindi pa kasi nabibigyan ng id ‘yong mga bagong faculty e!” siya naman ngayon ang mapapahiya sa akin.
halatang manutla kahit gaano pa siya kaitim.
“ay sir, pasinsya na,”  hindi magkandatuto sa taranta, “naku… segi sir, pasuk na pu kayu, baka maleyt pa kayu sa klase.  sensya na talaga sir.”  halatang nahiya sa ginawa, ang pamumutla ay napatungan ng pamumulang akala mo may allergy.

kaya pagkatapos noon sa tuwing papasok ako ay magtataas na lang kami ng kamay bilang batian sa isa’t isa.
“salamat ulit ser ha!” ako habang  nakangiti.  ngumiti rin siya.
“para saan pala ‘yan sir,” tinuro ang hawak kong gitara sabay ayos ng kuwelyo.
“gagamitin ko sa klase ser.” (pero ang totoo,  ibebenta ko itong dati kong hinuhulug-hulugan sa tropa ng dati kong classmate noong high school, kailangan ng income, sabi ko  na sa sm centerpoint na lang kami magkita, mga bandang 1pm, text na lang siya kapag andoon na siya at pupunta agad ako.)
“galing mu talaga sir,”  ayos ng kuwelyo.  napangisi ako,  “aydul na keta,”  at isa pang ngisi,  “prupisur na, talintid pa, tapos gagamitin mo ‘yan sa klasi,” baling sa gitara.  ngiting pang kalendaryo na ang pumalit sa dati kong ngisi.  sige lang himurin mo pa ego ko,  “wala  pa ‘ata akong nakikitang prupisor na gomamet ng ganyan detu sir,” ang tinutukoy niya ay dito sa sintang paaralan. 
(kung alam lang nito ni kuyang guard na prop lang ako sa pangalan at sa utak, pero ang laman ng pitaka ko pati na rin ang sikmura ay malayung-malayo sa pagiging prop na iniiisip niya.)
kamot sa batok.  iling at ngiti na lang nagawa ko sa mga pinagsasabi niya, mukhang may balak pang mangutang ang loko.
bahagya kaming lumayo sa guard house.
“sir, maeba aku, anung uras klasi mu?” inaayos na naman ang kanyang kuwelyo.
“mga alas dos ser,” naku, ito na nga ba ang sinasabi ko,  “bakit ser?”
“papasama sana mona aku, saglit lang naman sir.”  (taragis na yan oh, hindi pa nga ako nanananghalian magyayaya naman ito, nakakahiya namang tumanggi kasi humingi ako ng pabor para ipatago itong gitara.)
“oo ba,  sige ser, saan ba?”
“d’yan lang malapet,” sabay turo sa labas.  (paano kaya ito kasi siya ang ng guard dito tapos aalis bigla?)
“ay ser me duty ‘ata kayo a?”
“’di sir , lunch break naman,” ayos ulit ng kuwelyo.  (teka paano iyon, isasarado muna ang university tapos lalagyan sa gate ng observe lunch break, paano makakapasok ang mga estudyante?)  “…’yong kasama ko muna papalit sa’ken.”
“ay shifting kayo ser?”
“oo, ”  kasabay ng tango,  “’tsaka saglet lang ‘to sir.

siya na ang nagpauna nang makalabas kami, “pasins’ya na sir, kelangan ku lang talaga ng makakaosap”
“walang problema ser,”  (sana lang talaga ganoon lang iyon.)
“birthday ku kase sir.” (kapag sinusuwerte ka nga naman talaga)
“uy happy birthday ser!” tapik sa balikat.
“salamat sir!” (nakakaamoy na ako, sana tama ang nasa isip ko)
“ilan taon na kayo n’yan ser?” parehas kaming natawa.
“nagbobola ba kayo sir?”  sumenyas siya na parang nagja-jump shot, naalala ko si kobe bryant
“saklo lang,  bakit ser?”
tumango siya nang ilang ulit,  “saan ba may bilihan dito ng bola?” (sabi na nga ba at basketbolista ito, siguro hayuk na hayuk na itong maglaro, pero saan at paano sila maglalaro, wala silang oras kasi maghapon silang naka-duty, hindi pa sabay-sabay na nagkikita kasi may mga shift-shift pa.  tapos, baka kapag nakita silang naglalaro sa gym, sitahin ng mga taga-p.e. department kasi hindi naka-p.e. uniform, baka masira pa block shoes nila, problema.)
“ay, ser,”  kunwaring nag-isip ng isasagot,  “sa raon meron du’n.”
tumango siya na parang asong naka-display sa taxi bago sumagot,  “mora lang sir?”
“mura lang.” (patay!  butas na nga ang aking bulsa, tapos kapag kinapus pa ito ay baka sa akin pa manghiram, kaya sasang-ayunan ko na lang kung magkano man ang sabihin niya.)  “magkano ba budget mo ser?”
“p’widi na ba ‘yung utsu sir?” ayos ng kuwelyo, eigth hundread ang tinutukoy niya.
“oks na ‘yon, may mabibili ka na n’un ser”
“maganda naman kaya ‘yon sir?”
“oo?  okey na ‘yon.” (kahit hindi ko talaga alam kung tama mga pinagsasasabi ko).
“para saan pala ser?”
“may pagbibigyan lang ako.”
nang naglalakad na kami, naikuwento niya na sa panganay niyang si jomar ibibigay ang bola.  sabi pa na pangarap daw nitong maglaro sa araneta coliseum.  ang nakakalungkot lang, hindi siya makapaglaro nang maayos, kasi nga pilay.  ayon kay kuyang guard, nangyari ito nang medyo nahagip ang kanyang kaliwang paa ng l300 nang minsang mapadayo sa isang kalye, para maglako ng yosi at kendi.  hinahabol daw kasi ng mga original na takatak boys na nakapuwesto sa kalyeng iyon  kasi ang akala ay walang nakapuwesto rito, hindi raw alam ni jomar na tinaguan lang siya ng mga loko at naghahanap ng pagkakataon para magulpi ito.  kaya sa sobrang pagkataranta nang biglang siyang sinuntok sa likod, napatakbo nang  mabilis at ito nga raw, nadali ang paa, pero nailigtas naman raw ang mga paninda.
nagtataka ako, tingin siya nang tingin sa mga karindrya.  sana talaga tama ang hinala ko.
“saan tayu sir?” kunyari akong nagtanga-tangahan sa tanong niya.
“anong saan tayo ser?”
“saan tayu kakaen?”  (hindi naman siguro ito magyayaya kung hindi manlilibre, pero nakakahiya rin kapag tinanggap ko ang alok niya, biruin mong ililibre ako ng security guard, pero iisipin ko pa ba iyon, ngayong naghahanda na ang mga halimaw sa aking tiyan.)
“ser?” tanga-tangahan ulit.
“kaen tayu, sagut ku?”  kinakalampag na ang aking sikmura.  may rebolusyon nang nagaganap.
“hindi ser, ayos lang ako, kakakain ko lan…” (kanina ng pandesal na akala mo sponge.  malaki ang itsura pero kapag hinahawakan mo na ay magiging maliit na gamunggong piyaya.)
“hende sir, sagut ku, birthday ku de’ba?”
“ayos lang ser, kumain na talaga ako kanina sa faculty room,” (sana nga talaga may pagkain doon.) hindi ko na naawat si kuyang guard.  akala naman siguro tatanggihan ko.
siya ang nauna sa pagpasok sa karindirya.  sa loob, kami lang ang tao maliban sa mga nagbabantay. mukhang pina-reserve ito sa amin para i-celebrate ang birthday ni kuyang guard.
“ditu ako madalas komaen sir!”  ako naman ngayon ang tumango,  “tahemek kase, ‘de gaya sa eba,”  tango ulit na pagpapakita ng pagsang-ayon sa sinabi niya.
“ba’t gusto mo sa tahimik ser?”  tanong ko
“maengay na nga sa trabahu ku tapus poponta pa rin aku sa maengay sir?”
“sa bagay ser.”
nasa harap na kami ng mga ulam.  kakaunti pa lang ang bawas.  maamoy mo rin ang mga ito depende sa putahe.
“anu sa’yu sir?”
“kahit ano ser.”
“walang kahit anu detu sir,” tinuro ang mga ulam. “pele ka, sagut ku.”
tiningnan ko ang mga nakahain:  menudo, chicken curry, adobong manok, bikol express, binaguungan, dinuguan, fried chicken, langka, sitaw, sayote, pritong tilapia at sinigang na bangus.  nabi-visualize rin siguro ng mga alaga ko sa tiyan ang itsura ng mga ito.  para kasing hindi lang pag-aalsa ang ginagawa ng mga ito kundi may giyera nang sa loob.
 “ay sir!” ayos ng kanyang kuwelyo,
“oh ser?”
“ahmmm… anu…tutal nasa labas na naman tayu, ‘wag mo na akong tawaging sir, sir.”
“ser?”  nagtataka.
“galileo na lang sir,  p’widi ring liyo na lang.”
“bakit leo ser?”
“palayaw ku sir.”
“parang ampangit naman nu’n ser?”
“ng alin, palayaw ku sir?
“hindi ser, ‘yon bang hindi kita tatawaging ser, ser”
“ayus lang sir, nahihiya kasi aku.”
“bakit ser, wala naman kayong ginagawang masama?”
“propisur ka sir, mas bagay sa’yo ‘yong tawag na sir, sir.”
“e ser, paggalang naman po ‘yong ginagawa ko, kaya ser ‘yong gamit ko, ser.”
“hindi sir, mas mataas ka sa’kin.  mas angat ka sir sa kahit anong trabaho na itabi.” (kung gagawa ako ng fan page sa facebook, bukod kay ermat malamang isa itong si sir leo sa numero uno kong follower.  kung alam lang niya talaga, hindi naman nakakayaman ang pagtuturo, kaya nagtataka ako sa sinasabi niyang mas angat ako sa kahit anong trabahong itabi sa akin.  yayaman lang ako kapag gumawa ako ng libro na gagamitin sa klase tapos ipapa-require kong bilhin ng mga estudyante ko.  tiyak ko na yayaman ako gaya ng iniisip ni sir leo.  pero kung ganitong turo lang talaga ang gagawin mo, tapos konti lang din ang load mo,  asa ka pa, imbes na makatulong sa magulang, ako pa ang nagiging dahilan para madagdagan ng pages sa notebook ng mga listahan sa utang.  idagdag pa ang delay na pasahod na hindi mo na alam kung ano ba talaga ang eksaktong petsa ng suwelduhan, kaya nga ito ako, ibebenta itong gitara, para hindi ako hingi nang hindi ng pera kay ermat, sobrang nahihiya pa rin kahit pa sabihing wala akong naririnig na sumbat.
“edi ser… ay sorry, kuya leo pala.”
“uh?”
 “‘wag mo na rin akong tawaging sir, tutal nasa labas naman tayo.”
“hende p’widi sir, genagalang ku kayu.”
“’tol na lang itawag mo sa’kin kuya leo.”
“sir?”
“’tol.”
“sir? tol?”
“hindi! ‘tol lang.”
“sir ‘tol na lang sir?”
“sige, oks na ‘yan kuya leo.” mukha kasing ayaw magpatalo nito.
tingin.  pili.  turo ng ulam.
“sir ‘tol, ilang kanin gusto mo, extra rice ka ba?” (sana hindi niya maalala ang sinabi ko kanina na kumain na ako sa faculty room.)
“‘wag na, oks lang ‘yong isa kuya.”
kaso mukhang alam niya ang kalagayan ko, “ay miss, tig-dalawang kanin na pala yan.” (pinagpala siguro talaga ako, nakalibre pa ako ng isang luhong kanin.)
“hindi ser, oks lang talaga ako.” (ito talaga ang trip ko, kumbaga sa panliligaw, ako ang babaing nagpapakipot pero gusto rin naman, para hindi mahalata ang motibo.)
tinapik ako sa balikat,  “sir ‘tol, ayus nga lang, sagut ku yan.  birthday ku naman ngayun e.”
“nakakahiya naman, pero salamat kuya leo ha.”
tumango siya sabay ngumiti,  “miss pingi ren pala ng dalawang sabaw.”
nang makaupo na kami, ako naman ang nagpauna,  “ay kuya?”
“oh?”
“ilang taon na pala ‘yong panganay mo?”
“kensi.” wala pang dalawang minuto naibigay na ang mga inorder namin.
“kinse?”  (parang required talagang kausapin ko siya at mag-interview para mapakuwento.  ganito siguro talaga kapag ikaw ang nilibre, kailangan mong makisama at makinig sa mga drama, para kahit paano makabawi man lang panlilibre.)
tumango ako,  “ah, high school kuya?”
umiling siya.  bago magsalita.  sumubo muna.  “hanggang pirs yir high school ngani lang ‘yun.” 
buti nakakaintindi ako ng waray, salamat na rin at lagi akong nakikinig sa usapan nina ermat, mga tito’t tita ko pati si nanay (lola) at tatay (lolo) kapag nagsama-sama sila.  Tingin niya ‘ata sobrang malapit na kami isa’t isa  at hindi na mapigil ang paggamit ng kanilang punto.
“teka kuya, waray upay ka?”
tumango siya, nagliwanag ang mukha na parang batang binilhan ng bago at gusting laruan
“waray upay ka rin sir?”
“medyo pero hindi ako masyadong marunong magsalita e, tama lang”
“abay kababayan ka pala”
“oo naman kuya.” (pasalamat ka nilibre mo ako, kaya sasakyan ko trip mo, biro lang.)  “teka kuya maiba ako, ano nangyari kay jomar, bakit ganon?”
“’di pa nga ne tapos e.” sumubo ulit, “’de na ren namin pinag-isk’wela.”
“ay bakit kuya?” habang ngumunguya.
“waray k’warta sir ‘tol.”  tumango ulit ako,  “si jomar na rin ang may gostu na magtatrabahu na lang daw.”  muling inayos ang kanyang kuwelyo.  “para makatolung sa’min.”  tango ulit habang nakikinig sa kanyang kuwento.  “nakakalungkot din ‘yong gan’un sir ‘tol.”
lumingon ako sa kanya. “bakit kuya?”
“mayda ako naaalala kapag nakikita ku kasi ‘yun na nagtatrabahu.”
tango ulit.  subo.  nguya,  “ano ‘yon kuya?”
“n’ung sanggol pa lang ‘yon.”
“oh?”  pabitin sa pagkukuwento, kainis.
“dami naming pangarap ni asawa sa kanya.” tango.  nguya.  “na baka maging abugadu o kaya naman engineering.”  astig! naibulong ko.  “p’wede na rin ‘yung duktur.”  tango.  tingin kay kuya.  “mga gan’ung pangarap sir ‘tol.”
“ba’t, ano bang nangyari kuya?”
“waray.  hanggang pangarap na lang ‘yun ngayun.”
“ba’t ngayon kuya?”
“ngayun, waray na.  madako na kasi.  may isip na.  maalam na sa tama at mali,” sumubo ng pagkain, “kaya nga hende na ren talaga nag-aral.”   tango lang ako nang tango habang nagsasalita siya, “pinili na lang na maging takatak boys.”
sumubo ako ng pagkain, “paano ‘yon kuya?” habang ngumunguya.
“minsan, sir ‘tol umaalis at bumabalik ‘yun sa bahay nang walang laman ang t’yan.”
“oh?” (literal?)
 “‘yon ‘yong masiel d’un sir ‘tol.” umiiling-iling si kuya leo, “may guilty baga sir ‘tol.”  tinapik niya ang kanyang dibdib kung saan malapit ang puso
“bakit kuya?”
“rispunsebeledad ko kasi bilang ama na buhayin sila.  tapos ito ang nangyari sir ‘tol, pisti?” umiling siya. (naalala ko tuloy ang mga estudyante kong ayaw ayusin ang pag-aaral.  sila na kumpleto sa lahat ng materyal na bagay sa eskuwela pero sila pa itong ayaw mag-ayos sa pag-aaral at tapos sabayan pa nitong kuwento ni kuya leo?  nakaka-badtrip lang.)
“kawawa naman kuya?”
“oo…  kawawa talaga sir ‘tol.”  iling
“sinu ba naman gostung magkagan’un ‘yung anak?
“sa bagay.” tango.
nang makita niyang nilalagay ko ang sabaw sa kanin, bigla niyang sinenyasan ang nagbabantay at um-order ulit ng ulam na inorder kanina.
“isa pa pa lang kanin at dalawang  sabaw ulit miss.” (para saan ang isang sabaw?  para sa akin?  pero bakit dalawa, para kanino ang isa, sa kanya?  e hindi pa nga niya nagagalaw ang kanya.)
“ay kuya.”
“oh?”
“nakakahiya na masyado, ayos lang busog ako.”
ngumiti lang habang ngumunguya.  “okey lang sir ‘tol.”  iling.  ngiti.  “aku’ng bahala sa’yu.”
“salamat kuya.”
“ay! tika lang sir ‘tol.”
tango. “sige lang kuya.”
pumunta sa tindera, umorder ng isang fried chicken at dala na ang ketchup pagbalik.  hindi niya napansing namantsahan ng ketchup ang kanyang uniporme.
“kuya?” turo sa parteng namantsahan.
tiningnan niya.  napailing.  inayos ang kuwelyo.  napakamot sa baba.
“si misis naman sir ‘tol,” habang tinitingnan ang parteng may mantsa.  kumuha siya ng tissue na nasa lamesa at maingat niyang pinunasan ang uniporme.
 “oh?”
“naalala ku detu sa kitchup,” (natawa ako, bakit siya ba ang endorser ng ketchup kaya naalala niya?) “minsan kasi sir ‘tol, hindi na n’ya nalalabhan lahat ng damit namin.”
“bakit naman kuya?” (natatawa pa rin ako.)
“kasi naglalaba s’ya ng damit ng ibang tao.” (kaya naman pala.  buti ka nga may tagalaba, samantalang ako?  ako ang nagpapakapagod para linisan itong mga sinusuot ko, hindi ko na ngang makapagbasa ng libro tuwing gabi makusot lang ang mga damit ko, pati nga itong panyo ko ay every other day ko ginagamit, paano kukunti lang kasi iyon.)
“ah!” subo.  nguya.
“sa halagang trehandrid ayus na ren.”  humigop siya ng sabaw, sumubo at ngumuya.  “kasu mensan talaga, kapag menalas nasa wanhandrid plus lang.”  ako naman ang tumatango, sumusubo at ngumunguya pero siya pa rin ang nagsasalita,  “dipindi kase sa dame sir ‘tol.”
“oh?”
“’t’saka sa magpapalaba.”
“ay ganon?”  tango.  subo.  nguya.  lunok.
“kapag maupay ang pinaglalabahan, minsan penapakaen pa s’ya,”  tangong aso ulit ako, “piru hende na n’ya kenakaen.”
“ba’t naman, sayang ‘yon kuya?”
“enoowe n’ya na lang sa balay.”  tango ulit ako, “tapos hinahatag sa mga anak namin.”  tango ulit.  subo.  nguya, “mensan den sir ‘tol.” inayos ang kanyang kuwelyo, sumubo, ngumuya at lumunok, “sagot pa ne meses ‘yong sabon ‘saka ‘yong pangkuskos na gagamitin.”
“oh?” higop ng sabaw.
“oo, pati tubig.”  napailing ako, “lupit ‘nu sir tol?”  napangiti ako bigla, sumubo at ngumuya.  “de den sapat kasi ‘yong kinikita ko.”  tango lang ulit ako, “kaya naesep na reng tomolung.” sumubo siya, ngumuya at lumunok.  tango lang ako nang tango habang nakatingin sa kanya, “dame ren kaseng gastos sa balay sir ‘tol,” napailing siya, “sana nga sir ‘tol, masabi ko, na balay namen ‘yun,” bago siya magpatuloy ay sumubo muna at ngumuya, “nangongopahan lang kase kame, tomaas pa nga ang bayarin.”
“bakit daw kuya?”
“iwan sir ‘tol, may mga nadagdag daw kasing bagong gamit.”  tango ulit ako, “aba’y radyu lang naman ‘yun sir ‘tol t’saka napaglomaang t.v. na binili sa paayosan.”  napangiti siya, biglang umiling, sumubo at ngumuya, “tapos sir ‘tol bigla na lang tumaas.”  parehas kaming napangiti at napailing, “kasama na rin kasi sir ‘tol sa babayaran namin ‘yung kuryente,”  tumango lang ulit ako habang ngumunguya,  “t’saka ang lawud, na hindi rin naman namin masyadong nagagamit.”  tango ulit, subo at nguya habang nakikinig sa kanya, “nakakapagtaka ngani na anlake ng singel sa’men,” siya naman ang sumubo, ngumuya at lumunok, “kong kame lang ne tifa, ayus lang na walang koryinti, basta mayda lawud,” tumango ako, “kaso kawawa si bonsu namin sir tol.”
“oh! bakit kuya?” tanong ko
“kawawa ren se grace,” nag-ayos ng kuwelyo bago magpatuloy, “‘yong senondan ne jomar,” sumubo at ngumuya ulit siya, “lemang taun pa lang ‘yun sir tol pero s’ya ‘yong pinag-aalaga namin kay bunso na mga… nasa isang taon na rin siguro,” tumango ako, sumubo at ngumuya, siya pa rin ang nagsasalita, “kapag nga naka-epon, pag-aaralen namen si grace kapag malake na.”
“oo.  okey ‘yon kuya, ” pagsang-ayon ko,
“pero dapat talaga si jomar muna.”  siya ulit, “sayang kasi ‘yong panahon.” subo, nguya at nagpatuloy siya, “kasu ayaw na raw talaga ne jumar.”
“kasi?”
“magtatrabaho na lang daw s’ya.  waray ren naman daw kase s’yang natototonan kapag napasuk.”
“ha?” nasaktan ako sa parting iyon
“waray laman ang t’yan.”  tumango at lumunok ako, “imbes na makapag-esep lalu lang daw nahelo kapag nasa esk’wela,” tango ulit ako, subo at nguya, “sir tol?” nag-ayos ng kanyang kuwelyo, sumubo at ngumuya.
“kuya?”
“hende ba maherap magtoru?” nguya, lunok.
“…minsan? lalo na kapag hindi mo alam ‘yong ituturo mo.” tango. subo. nguya.
“pa’no ngani ‘yon sir tol?” lunok. “waray bang nabastos sa inyo?”  umiling ako
nang parang mabibilaukan na kami, ako na ang nagkusang kumuha ng dalawang basong may nakakapangilong tubig sa sobrang lamig.
“salamat sir ‘tol.”
ngumiti ako
“miss?” tinaas ang kanang kamay, sumenyas sa nagbabantay, agad siyang binalingan ng tinging may halong ngiti kahit halata rito na hindi totoo, “esang rc nga na madagku, ay malake pala, penge na rin ng dalawang basu at yilu.” (kung alam ko lang hindi na lang sana ako kumuha, pero okey na rin, pambanlaw pagkainom ng soft drinks.)
“salamat kuya ha.”
tumango siya, nag-ayos ng kuwelyo, sumubo at nguya, “maalala ko nga pala, sir tol.”
“oh kuya?”
kumamot siya batok at umiling bago magsalita, “pasensya na nu’ng dati.”
“ano ‘yon?” pagtataka ko.
“nu’ng naharang keta sa gate.”
“ah.  okey lang ‘yon.” (nakabawi ka na naman.)
 “akala ku kase nu’n, nabinta ka ng cundu yonit baga,” natawa ako, “dila ngani ka kase mokhang tetsir,” ngumiti lang ako, “naka-longsleeve ka pa n’un na asul,” tango at ngiti ulit ako, “tapos slacks at black shoes?” (natandaan niya pa ‘yon.) “kaya hindi talaga kita napagkamalan nu’n sir tol,” ngumiti ulit ako, “sins’ya na r’un.”
umiling ako, “okey lang ‘yon kuya, ‘yon nga naging dahilan kumbakit naging magkakilala tayo e.” (parang ang sagwa ng dating, love story ba itong nagaganap sa amin?)
“elang taun ka na pala sir tol?”
“21”
“21?” (hindi 24, sinabi na nga e, salamat kay Vice Ganda)
“oo 21 kuya.  parang nasamid siya sa pagkain sabay tingin sa akin.
“ambata n’yu pa pala sir tol, tapos natoru na kayu?” (gusto kong sabihin, bakit matatanda lang ba ang puwedeng magturo?) “matalenu talaga kayu sir ‘tol.” (baka masagi ng ulo ko si kuya leo.)
“kailangan kuya, e,” ang tangi kong nasabi
“maupay naman.” sumubo siya at ngumuya.
“ako bread winner sa’men.” (sa wakas ako naman ang bidang magkukuwento ngayon.) “me kapatid pa akong apat na taong gulang.”
tumango siya, ngumuya at lunok.
“‘yong erpat ko naman katatanggal lang sa trabaho.”
“baket daw sir tol?”
“bersyon ni ermat.  nakipag-away raw kasi sa boss niya.  ayon tanggal.  katwiran ni erpat, e abusado raw kasi e.”  tumango siya, ngumuya at lunok, “kababago-bago ‘kala raw kung sino,” tumango ulit siya, ngumuya at lumunok, “mababait lang sa mga babae. pero sa mga lalaki, lagi raw masama.  lagi raw nagagalit kahit walang dahilan.  kaya napuno raw si erpat.”
umiling siya, sumubo at ngumuya bago magsalita, “dapat ‘de genawa ‘yon ng amang mo.” nag-ayos na naman ng kuwelyo.
“ewan ko ba d’un”
“wala siyang magagawa d’un kasi buss ‘yon, e.” subo, nguya at lunok.
“’yon nga e.” bago ako uminom ng tubig.
“malakas kapangyarihan n’un.” siya ulit
“‘yon nga ‘yong sabi ni ermat sa kanya.”
“oh anong sabe ng amang mo?”
“wala e. matigas daw talaga ang ulo at mayabang sabi ni ermat.”  ngumiti ako nang mapait, sumubo at ngumuya.  “kaya ngayon, pakinabangan daw n’ya ‘yong kayabangan n’ya.”
“nas’an daw s’ya ngayon?”
“ayon! tambay sa bahay. nag-a-apply naman, kaso wala nga masyadong tumatanggap. kasi matanda na rin si erpat,” tumango siya, sumubo at lumunok, “nasa 58 ata o 60,” muli siyang sumubo at ngumuya bago ako magpatuloy, “du’n na rin kasi siya na-regular.”
“sayang”
“una n’yang trabaho ‘yon pagkagaling sa saudi,” umiling ako, ngumuya at lumunok, “kaso gan’un talaga, ‘kala ni erpat porke regular siya e papakinggan agad.” sumubo si kuya leo at ngumuya. “mayabang nga raw. ‘yon ang laging pinagdidiinan ni ermat.”
“tama ‘yon sir ‘tol,” uminom siya ng tubig
“kaya paalala niya lagi sa akin na sumunod lang daw sa boss.”
“hindi mo rin siguro masisisi amang mo.” umiling siya at nag-ayos ng kuwelyo.
“ba’t naman kuya?”
“kase baka hindi naman talaga maayus ang tratu sa kan’la?”
“siguro nga.”
“mensan me mga ganu’n din sa’men e.”
“oh?”
“oo sir ‘tol, lalo pa sa’min na guard lang.”
“teka lang kuya ha.”
“segi lang sir ‘tol.” lapit ako sa kahera. “ate, max na pula, tatlo.” (magkakapera naman ako mamaya e).  pagbalik, inalok ko si kuya. kinuha niya ang isa. 
“maaga akung nag-asawa sir.”
“oh! ilang taon kuya?”
“aksidente lang din kasi!” (uso rin pala sa panahon nila). “nabuntis ko n’un si tifa.” ayos ng kuwelyo, “mags’yota pa lang kami n’un.”
tumango ako, (mukhang siya na ulit ang magkukuwento).
“hanggang sa pinalayas s’ya sa kanila.”
“kase?”
“nakakahiya raw, sabi ng inang n’ya.”
“ha?”
“sa’men sumiksik. wala akong mapagpilian n’un sir.” sumubo siya at ngumuya. “naanakan ko kaya dapat panindigan,” tumango ako, “mga 17 ‘ata ako n’un sir?”
“oh?”
“nahiya na lang din ako kay amang at inang.” umiling siya sumubo at ngumuya.  “andame kaseng pareneg. umalis na lang kame, nagtayu ng sariling mondu. napadpad d’yan sa sampaloc.”
“di ka naman nagsisisi kuya?”
“nagsesese ren ako sir tol.”
tumango ako
“’di ko kase masyadung na-injuy buhay binata.” ngumiti ako, sumubo at ngumuya.  “maaga kasing naging ama.”
“oo nga e”
“sa sampaloc na rin senelang si jomar.” nag-ayos siya ng kuwelyo, “iba pala ang pakiramdam ‘pag nakita mo’ng anak mo.”
“oh?” tugon kong hindi nagtatanong o nagugulat.
“oo sir ‘tol.  ‘yong tinatawag na bugso ng damdamin, kapag nakita mo ‘yong itsura ng anak mo na bagong silang.”
“astig!” nguya ulit at lunok.
“dami kong pangarap sa kanya n’un,” sumubo siya at ngumuya, “gusto ko rin na ibigay na lang ang mga pangarap ko,”(pwede ba iyon?) “yong mga ‘di natupad,” sumubo siya at lumunok, “kaso sir ‘tol, wala na e, malabo na talaga,” tumango ulit ako at humigop ng sabaw, “bente-uno ka pa lang sir ‘tol ‘di’ba?” tumango ako, “may s’yota ka?” uminom ako at tumango, “na ano mo na?”
“na ano?” pagtataka ko, may kung ano siyang pinindot sa hita ko gamit ang hintuturo.  umiling ako at ngumiti.
tumango siya, “’buti ‘yan sir ‘tol,” ngumiti ako, “pagpatuloy n’yo lang ‘yong ganyan,” ngumiti ulit ako at tumango, “ipon muna kayo,” tumango lang ako, “hanap ng magandang trabaho,” sumubo siya at ngumuya, “tapos kapag ayos, ayan na p’wede n’yo nang gawin lahat ng gusto n’yo,” tumango ako  ngumiti, “pero sir ‘tol,” napatingin sa kanya habang ngumunguya, “‘wag kang gagaya sa’kin.”
“po?”
“wala kasi akung edokasyon, kaya siguro nagawa ‘yong gan’un.” umiling siya, sumubo at lumunok.
(nagtataka ako kung bakit hindi pa rin inuubos ni kuya leo ang dalawang sabaw.  hindi pa nga ubos ang isang ulam bumili agad ng fried chicken. sa dami ng mga nakahain sa harap niya, kasama na ang dalawang sabaw. para tuloy siyang construction worker at hindi guard.)
biglang nag-vibrate cellphone ko.

brod d2 n ak, entrance ng sm, sn k?

(nagtext na ang hinihintay ko, konting tiis pa men, uubusin ko lang itong kinakain ko.)
tumingin ako sa relong nakasabit. mukhang nabasa ni kuya leo ang nasa isip ko.
“’no’ng oras ule klase mo sir ‘tol?” lumagok siya ng inumin, “mga 2pm pa naman,” tumango siya,  “pahinga lang tayo saglit sir ‘tol, tapos batsi na.”
tumango ako bilang pagsang-ayon. “sige lang kuya leo.”

uy brod nu n?

(nagtext na naman, tatlong send pa. naku! baka makawala ang pera. huwag ka munang mainip, saglit na lang.)
pumunta sa casher si kuya, “magkano miss?” dinukot  ang leather wallet sa likod ng kanyang pang-ibaba.
“ilang kanin po ba nakuha n’yo?” tanong ng kanyang kausap
“lima.”
“lima?”
tumango siya
“tapos ‘yong ulam n’yo po?”
“yang menudo, dalawa n’yan, sa kasama ko. tapos langka at fried chicken?”
“bale… p135 lahat sir.”
akma akong dudukot sa bulsa kahit wala naman talagang madudukot.
“hindi sir ‘tol,” nag-ayos ulit siya ng kuwelyo, “ako na nga sabi e.” (alam ko naman iyon, kunyari lang, wala rin akong perang maiaabot sa iyo kuya leo. mamaya pa ako magkakapera pagnagkita na kami ng ka-EB[1] ko. kaya bilisan na natin baka naiinip na siya.)
“salamat kuya leo ha.” tinapik ko siya sa balikat, ngumiti ito,  “wala ‘yon sir ‘tol. salamat din sa oras ng pakikinig sa mga kuwento ko,” ngumiti ako, “wala lang talaga akong mapagsabihan e.” ngiti ulit.
nagkayayaan na kami “tara na sir ‘tol?”  nag-ayos muli siya ng kuwelyo, “balik na tayo.”
tumango ako, “tara”
“kunin ko na rin gamit ko.”  tumango lang ako.  “mag-a-out na rin ako, tutulog muna sa bahay kung p’wede.” ngumiti ako at tumango na may pagtataka sa kanyang sinabi, “kanina pa kasi akong madaling araw d’yan sir ‘tol, ” tumango ulit ako, “palitan kami ng kasama ko.”
“kuya?”
“oh sir ‘tol?”
“ba’t ‘di n’yo piliin na lang ‘yong pang-araw?”
“wala sir ‘tol, ‘di p’wede.”
“paano ‘yon?” pagtataka kong tanong habang bumibuwelo palabas
“depende ‘yon kung anong ibigay sa’ming oras.”  tumango ulit ako para kunyaring namangha,  “depende sa mga boss namin,” siya pa rin ang nagsasalita, tumango lang ako.

paglabas namin sa karindirya, nagpasalamat kami. malakas ang boses ni kuya leo kaysa sa akin. salamat miss, sabay ngiti. salamat ate, malumanay ang boses. tango at ngiti lang ang ginawa ng babae (kinopya niya siguro ang galaw namin kanina ni kuya leo).
“ay kuya” tinapik ko sa siya balikat.
“oh?”
“dito na pala ako.” turo sa hi-way.
“akala ko sir ‘tol?” nag-ayos siya ng kuwelyo, “may klase ka pa?”
“mga 2pm pa naman ‘yon kuya,” siya naman ang tumango, “kailangan na kasing makuha ‘tong gitara.” (at kailangan ko na talaga ng pera.)
“ah. sige sir ‘tol. salamat.”
“salamat din kuya,” hinimas ko ang aking tiyan
“ano nga ulit pangalan n’yo sir ‘tol?” (awkward, kanina pa kami nagkukuwentuhan hindi pa pala ako nagpapakilala) “kilala ko lang kayo sa mukha e,” ngumiti ako, ngumiti siya ng may pagtataka, “pero hindi ko alam pangalan n’yo?”
ngumiti ako “jhonley, kuya leo.”
“ah sir jhonley?” tumango ako.
(hirap talaga magpaalam, nagpapakiramdaman kami sa isa’t isa, parehas pa man din kaming lalaki, mas lalong awkward).
“dito na ako sir.” tinuro niya kung nasaan ang campus, tumango ako, nagkamayan muna kami bago tuluyang naghiwalay.
“sige. salamat kuya leo. salamat sa libre.”
“wala ‘yon sir ‘tol.” nag-ayos ulit siya ng kuwelyo. “walang problema ‘yon.”
“sige kuya ingat na lang pag-uwi mamaya.”
“salamat sir ‘tol, goodluck sa pagtuturo mo sir ‘tol,” ngumiti siya, “salamat din kuya.” (hirap magpaalam kahit hindi kami masyadong close.)

santol n aq,sna k pre? w8 lng a

naghiwalay na kami. papunta na akong sm sta. mesa.
saglit ko munang nilingon si kuya leo habang naglalakad. nakikita ko pa rin kung paano siya mag-ayos ng kuwelyo.  hinatid siya ng aking paningin hanggang sa maglaho. bumulong. salamat kuya leo. hinimas ulit ang aking tyan. busog. salamat. bigla akong napadighay, nalasahan ko ulit ang rc na ininom kanina. pati ang kinain, naalala ko rin si kuya leo, naalala ko rin si jomar, grace at ang bunso nila, si ate tifa, kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga sila kilala. pero naalala ko pa rin sila. kahit wala pang limang-minuto kaming naghihiwalay ni kuya leo naalala ko pa rin siya . naalala ko sila dahil sa aking pagdighay.


[1] EB – Eyeball, personal na pagkikita