(Maikling
Kuwento)
“sir!” nanggaling sa likod ko.
“ay
ser, kinuha ko na ‘yong gitara.”
“segi
sir,” na sinundan ng maraming tango.
“’kala
ko kasi walang tao dito ser (hindi naman
siguro ako pagkakamalang magnanakaw, aba, professor naman ako rito),
nagmamadali rin kasi ako, pasensya na ser a, salamat rin pala.”
“o
segi, segi, walang prublima sir.”
kapag
nakikita ko talaga itong si kuyang guard, lagi kong naaalala si dirk nowitzki
na sa tuwing magpi-free throw ay palaging inaayos ang kuwelyo ng jersey (alam
ko, walang kuwelyo iyon) kahit hindi naman magulo, (pero ang 5’9” kong height
ay nagmumukhang dirk at siya si yao ming, hanggang noo niya lang kasi ako kapag
pinagtabi kami. para rin siyang si
dennis rodman, makapal ng labi na medyo
matipuno na payat na para bang bato-bato ang katawan na tulad ni lebron james
na parang cross breed din ni kevin garnett, natural kasi ang kulay nitong
itim.) kay kuyang guard naman, maya’t maya niyang inaayos ang kuwelyo ng kanyang
polong parang barong-tagalog na alanganing puti na malapit nang maging kulay
gray.
kulang
na nga lang magsuot siya ng amerikana at mukha na siyang miyembro ng mib. paano ba naman kasi ang hilig magsuot ng
salamin kahit hindi mataas ang sikat ng araw, ni minsan nga hindi ko pa
nakitang tinanggal niya iyon mula nang naging tropa ko siya nitong mga
ikalawang linggo nang pasukan, second sem.
siya rin kasi ang humarang sa akin dati sa gate:
“s’an
ka sir?” senyas ng kanyang kamay. nginitian
ko lang sabay iling.
“papasok!”
“id mu?” medyo
maangas ang pagkakasita sa akin kaya napakamot sa hindi makating tainga.
“sir tenatanung keta…
id mo?” hindi na ako natutuwa. kamot sa ilong. ayaw ko siyang mapahiya.
“wala
pa akong id e!” taas ng dalawang kilay habang nakangiti.
“’de p’widi
pomasok. hindi ka pa nakaoniporme. sega ka ba bay?” sabay ayos ng kanyang
salamin.
“hindi!” ako naman
ngayon ang mag-aangas sa kanya. “sensya
na ser, hindi pa kasi nabibigyan ng id ‘yong mga bagong faculty e!” siya naman
ngayon ang mapapahiya sa akin.
halatang manutla
kahit gaano pa siya kaitim.
“ay sir, pasinsya
na,” hindi magkandatuto sa taranta,
“naku… segi sir, pasuk na pu kayu, baka maleyt pa kayu sa klase. sensya na talaga sir.” halatang nahiya sa ginawa, ang pamumutla ay
napatungan ng pamumulang akala mo may allergy.
kaya
pagkatapos noon sa tuwing papasok ako ay magtataas na lang kami ng kamay bilang
batian sa isa’t isa.
“salamat
ulit ser ha!” ako habang nakangiti. ngumiti rin siya.
“para
saan pala ‘yan sir,” tinuro ang hawak kong gitara sabay ayos ng kuwelyo.
“gagamitin
ko sa klase ser.” (pero ang totoo,
ibebenta ko itong dati kong hinuhulug-hulugan sa tropa ng dati kong
classmate noong high school, kailangan ng income, sabi ko na sa sm centerpoint na lang kami magkita,
mga bandang 1pm, text na lang siya kapag andoon na siya at pupunta agad ako.)
“galing
mu talaga sir,” ayos ng kuwelyo. napangisi ako, “aydul na keta,” at isa pang ngisi, “prupisur na, talintid pa, tapos gagamitin mo
‘yan sa klasi,” baling sa gitara. ngiting
pang kalendaryo na ang pumalit sa dati kong ngisi. sige lang himurin mo pa ego ko, “wala
pa ‘ata akong nakikitang prupisor na gomamet ng ganyan detu sir,” ang
tinutukoy niya ay dito sa sintang paaralan.
(kung
alam lang nito ni kuyang guard na prop lang ako sa pangalan at sa utak, pero
ang laman ng pitaka ko pati na rin ang sikmura ay malayung-malayo sa pagiging
prop na iniiisip niya.)
kamot
sa batok. iling at ngiti na lang nagawa
ko sa mga pinagsasabi niya, mukhang may balak pang mangutang ang loko.
bahagya
kaming lumayo sa guard house.
“sir,
maeba aku, anung uras klasi mu?” inaayos na naman ang kanyang kuwelyo.
“mga
alas dos ser,” naku, ito na nga ba ang sinasabi ko, “bakit ser?”
“papasama
sana mona aku, saglit lang naman sir.” (taragis
na yan oh, hindi pa nga ako nanananghalian magyayaya naman ito, nakakahiya
namang tumanggi kasi humingi ako ng pabor para ipatago itong gitara.)
“oo
ba, sige ser, saan ba?”
“d’yan
lang malapet,” sabay turo sa labas. (paano
kaya ito kasi siya ang ng guard dito tapos aalis bigla?)
“ay
ser me duty ‘ata kayo a?”
“’di
sir , lunch break naman,” ayos ulit ng kuwelyo.
(teka paano iyon, isasarado muna ang university tapos lalagyan sa gate
ng observe lunch break, paano makakapasok ang mga estudyante?) “…’yong kasama ko muna papalit sa’ken.”
“ay
shifting kayo ser?”
“oo,
” kasabay ng tango, “’tsaka saglet lang ‘to sir.
siya
na ang nagpauna nang makalabas kami, “pasins’ya na sir, kelangan ku lang talaga
ng makakaosap”
“walang
problema ser,” (sana lang talaga ganoon
lang iyon.)
“birthday
ku kase sir.” (kapag sinusuwerte ka nga naman talaga)
“uy
happy birthday ser!” tapik sa balikat.
“salamat
sir!” (nakakaamoy na ako, sana tama ang nasa isip ko)
“ilan
taon na kayo n’yan ser?” parehas kaming natawa.
“nagbobola
ba kayo sir?” sumenyas siya na parang
nagja-jump shot, naalala ko si kobe bryant
“saklo
lang, bakit ser?”
tumango
siya nang ilang ulit, “saan ba may
bilihan dito ng bola?” (sabi na nga ba at basketbolista ito, siguro hayuk na
hayuk na itong maglaro, pero saan at paano sila maglalaro, wala silang oras
kasi maghapon silang naka-duty, hindi pa sabay-sabay na nagkikita kasi may mga
shift-shift pa. tapos, baka kapag nakita
silang naglalaro sa gym, sitahin ng mga taga-p.e. department kasi hindi
naka-p.e. uniform, baka masira pa block shoes nila, problema.)
“ay,
ser,” kunwaring nag-isip ng
isasagot, “sa raon meron du’n.”
tumango
siya na parang asong naka-display sa taxi bago sumagot, “mora lang sir?”
“mura
lang.” (patay! butas na nga ang aking
bulsa, tapos kapag kinapus pa ito ay baka sa akin pa manghiram, kaya
sasang-ayunan ko na lang kung magkano man ang sabihin niya.) “magkano ba budget mo ser?”
“p’widi
na ba ‘yung utsu sir?” ayos ng kuwelyo, eigth hundread ang tinutukoy niya.
“oks
na ‘yon, may mabibili ka na n’un ser”
“maganda
naman kaya ‘yon sir?”
“oo? okey na ‘yon.” (kahit hindi ko talaga alam
kung tama mga pinagsasasabi ko).
“para
saan pala ser?”
“may
pagbibigyan lang ako.”
nang
naglalakad na kami, naikuwento niya na sa panganay niyang si jomar ibibigay ang
bola. sabi pa na pangarap daw nitong
maglaro sa araneta coliseum. ang
nakakalungkot lang, hindi siya makapaglaro nang maayos, kasi nga pilay. ayon kay kuyang guard, nangyari ito nang
medyo nahagip ang kanyang kaliwang paa ng l300 nang minsang mapadayo sa isang
kalye, para maglako ng yosi at kendi.
hinahabol daw kasi ng mga original na takatak boys na nakapuwesto sa
kalyeng iyon kasi ang akala ay walang
nakapuwesto rito, hindi raw alam ni jomar na tinaguan lang siya ng mga loko at
naghahanap ng pagkakataon para magulpi ito.
kaya sa sobrang pagkataranta nang biglang siyang sinuntok sa likod,
napatakbo nang mabilis at ito nga raw,
nadali ang paa, pero nailigtas naman raw ang mga paninda.
nagtataka
ako, tingin siya nang tingin sa mga karindrya.
sana talaga tama ang hinala ko.
“saan
tayu sir?” kunyari akong nagtanga-tangahan sa tanong niya.
“anong
saan tayo ser?”
“saan
tayu kakaen?” (hindi naman siguro ito
magyayaya kung hindi manlilibre, pero nakakahiya rin kapag tinanggap ko ang
alok niya, biruin mong ililibre ako ng security guard, pero iisipin ko pa ba
iyon, ngayong naghahanda na ang mga halimaw sa aking tiyan.)
“ser?”
tanga-tangahan ulit.
“kaen
tayu, sagut ku?” kinakalampag na ang
aking sikmura. may rebolusyon nang
nagaganap.
“hindi
ser, ayos lang ako, kakakain ko lan…” (kanina ng pandesal na akala mo
sponge. malaki ang itsura pero kapag
hinahawakan mo na ay magiging maliit na gamunggong piyaya.)
“hende
sir, sagut ku, birthday ku de’ba?”
“ayos
lang ser, kumain na talaga ako kanina sa faculty room,” (sana nga talaga may
pagkain doon.) hindi ko na naawat si kuyang guard. akala naman siguro tatanggihan ko.
siya
ang nauna sa pagpasok sa karindirya. sa
loob, kami lang ang tao maliban sa mga nagbabantay. mukhang pina-reserve ito sa
amin para i-celebrate ang birthday ni kuyang guard.
“ditu
ako madalas komaen sir!” ako naman
ngayon ang tumango, “tahemek kase, ‘de
gaya sa eba,” tango ulit na pagpapakita
ng pagsang-ayon sa sinabi niya.
“ba’t
gusto mo sa tahimik ser?” tanong ko
“maengay
na nga sa trabahu ku tapus poponta pa rin aku sa maengay sir?”
“sa
bagay ser.”
nasa
harap na kami ng mga ulam. kakaunti pa
lang ang bawas. maamoy mo rin ang mga
ito depende sa putahe.
“anu
sa’yu sir?”
“kahit
ano ser.”
“walang
kahit anu detu sir,” tinuro ang mga ulam. “pele ka, sagut ku.”
tiningnan
ko ang mga nakahain: menudo, chicken
curry, adobong manok, bikol express, binaguungan, dinuguan, fried chicken,
langka, sitaw, sayote, pritong tilapia at sinigang na bangus. nabi-visualize rin siguro ng mga alaga ko sa
tiyan ang itsura ng mga ito. para kasing
hindi lang pag-aalsa ang ginagawa ng mga ito kundi may giyera nang sa loob.
“ay sir!” ayos ng kanyang kuwelyo,
“oh
ser?”
“ahmmm…
anu…tutal nasa labas na naman tayu, ‘wag mo na akong tawaging sir, sir.”
“ser?” nagtataka.
“galileo
na lang sir, p’widi ring liyo na lang.”
“bakit
leo ser?”
“palayaw
ku sir.”
“parang
ampangit naman nu’n ser?”
“ng
alin, palayaw ku sir?
“hindi
ser, ‘yon bang hindi kita tatawaging ser,
ser”
“ayus
lang sir, nahihiya kasi aku.”
“bakit
ser, wala naman kayong ginagawang masama?”
“propisur
ka sir, mas bagay sa’yo ‘yong tawag na sir,
sir.”
“e
ser, paggalang naman po ‘yong ginagawa ko, kaya ser ‘yong gamit ko, ser.”
“hindi
sir, mas mataas ka sa’kin. mas angat ka
sir sa kahit anong trabaho na itabi.” (kung gagawa ako ng fan page sa facebook,
bukod kay ermat malamang isa itong si sir leo sa numero uno kong follower. kung alam lang niya talaga, hindi naman
nakakayaman ang pagtuturo, kaya nagtataka ako sa sinasabi niyang mas angat ako
sa kahit anong trabahong itabi sa akin. yayaman
lang ako kapag gumawa ako ng libro na gagamitin sa klase tapos ipapa-require
kong bilhin ng mga estudyante ko. tiyak
ko na yayaman ako gaya ng iniisip ni sir leo.
pero kung ganitong turo lang talaga ang gagawin mo, tapos konti lang din
ang load mo, asa ka pa, imbes na
makatulong sa magulang, ako pa ang nagiging dahilan para madagdagan ng pages sa
notebook ng mga listahan sa utang.
idagdag pa ang delay na pasahod na hindi mo na alam kung ano ba talaga
ang eksaktong petsa ng suwelduhan, kaya nga ito ako, ibebenta itong gitara,
para hindi ako hingi nang hindi ng pera kay ermat, sobrang nahihiya pa rin
kahit pa sabihing wala akong naririnig na sumbat.
“edi
ser… ay sorry, kuya leo pala.”
“uh?”
“‘wag mo na rin akong tawaging sir, tutal nasa
labas naman tayo.”
“hende
p’widi sir, genagalang ku kayu.”
“’tol
na lang itawag mo sa’kin kuya leo.”
“sir?”
“’tol.”
“sir?
tol?”
“hindi!
‘tol lang.”
“sir
‘tol na lang sir?”
“sige,
oks na ‘yan kuya leo.” mukha kasing ayaw magpatalo nito.
tingin. pili.
turo ng ulam.
“sir
‘tol, ilang kanin gusto mo, extra rice ka ba?” (sana hindi niya maalala ang
sinabi ko kanina na kumain na ako sa faculty room.)
“‘wag
na, oks lang ‘yong isa kuya.”
kaso
mukhang alam niya ang kalagayan ko, “ay miss, tig-dalawang kanin na pala yan.”
(pinagpala siguro talaga ako, nakalibre pa ako ng isang luhong kanin.)
“hindi
ser, oks lang talaga ako.” (ito talaga ang trip ko, kumbaga sa panliligaw, ako
ang babaing nagpapakipot pero gusto rin naman, para hindi mahalata ang motibo.)
tinapik
ako sa balikat, “sir ‘tol, ayus nga
lang, sagut ku yan. birthday ku naman
ngayun e.”
“nakakahiya
naman, pero salamat kuya leo ha.”
tumango
siya sabay ngumiti, “miss pingi ren pala
ng dalawang sabaw.”
nang
makaupo na kami, ako naman ang nagpauna,
“ay kuya?”
“oh?”
“ilang
taon na pala ‘yong panganay mo?”
“kensi.”
wala pang dalawang minuto naibigay na ang mga inorder namin.
“kinse?” (parang required talagang kausapin ko siya at
mag-interview para mapakuwento. ganito
siguro talaga kapag ikaw ang nilibre, kailangan mong makisama at makinig sa mga
drama, para kahit paano makabawi man lang panlilibre.)
tumango
ako, “ah, high school kuya?”
umiling
siya. bago magsalita. sumubo muna.
“hanggang pirs yir high school ngani lang ‘yun.”
buti
nakakaintindi ako ng waray, salamat na rin at lagi akong nakikinig sa usapan
nina ermat, mga tito’t tita ko pati si nanay (lola) at tatay (lolo) kapag
nagsama-sama sila. Tingin niya ‘ata
sobrang malapit na kami isa’t isa at
hindi na mapigil ang paggamit ng kanilang punto.
“teka
kuya, waray upay ka?”
tumango
siya, nagliwanag ang mukha na parang batang binilhan ng bago at gusting laruan
“waray
upay ka rin sir?”
“medyo
pero hindi ako masyadong marunong magsalita e, tama lang”
“abay
kababayan ka pala”
“oo
naman kuya.” (pasalamat ka nilibre mo ako, kaya sasakyan ko trip mo, biro
lang.) “teka kuya maiba ako, ano
nangyari kay jomar, bakit ganon?”
“’di
pa nga ne tapos e.” sumubo ulit, “’de na ren namin pinag-isk’wela.”
“ay
bakit kuya?” habang ngumunguya.
“waray
k’warta sir ‘tol.” tumango ulit
ako, “si jomar na rin ang may gostu na
magtatrabahu na lang daw.” muling inayos
ang kanyang kuwelyo. “para makatolung
sa’min.” tango ulit habang nakikinig sa
kanyang kuwento. “nakakalungkot din
‘yong gan’un sir ‘tol.”
lumingon
ako sa kanya. “bakit kuya?”
“mayda
ako naaalala kapag nakikita ku kasi ‘yun na nagtatrabahu.”
tango
ulit. subo. nguya,
“ano ‘yon kuya?”
“n’ung
sanggol pa lang ‘yon.”
“oh?” pabitin sa pagkukuwento, kainis.
“dami
naming pangarap ni asawa sa kanya.” tango.
nguya. “na baka maging abugadu o
kaya naman engineering.” astig!
naibulong ko. “p’wede na rin ‘yung duktur.” tango.
tingin kay kuya. “mga gan’ung
pangarap sir ‘tol.”
“ba’t,
ano bang nangyari kuya?”
“waray. hanggang pangarap na lang ‘yun ngayun.”
“ba’t
ngayon kuya?”
“ngayun,
waray na. madako na kasi. may isip na.
maalam na sa tama at mali,” sumubo ng pagkain, “kaya nga hende na ren
talaga nag-aral.” tango lang ako nang
tango habang nagsasalita siya, “pinili na lang na maging takatak boys.”
sumubo
ako ng pagkain, “paano ‘yon kuya?” habang ngumunguya.
“minsan,
sir ‘tol umaalis at bumabalik ‘yun sa bahay nang walang laman ang t’yan.”
“oh?”
(literal?)
“‘yon ‘yong masiel d’un sir ‘tol.”
umiiling-iling si kuya leo, “may guilty baga sir ‘tol.” tinapik niya ang kanyang dibdib kung saan
malapit ang puso
“bakit
kuya?”
“rispunsebeledad
ko kasi bilang ama na buhayin sila. tapos
ito ang nangyari sir ‘tol, pisti?” umiling siya. (naalala ko tuloy ang mga
estudyante kong ayaw ayusin ang pag-aaral.
sila na kumpleto sa lahat ng materyal na bagay sa eskuwela pero sila pa
itong ayaw mag-ayos sa pag-aaral at tapos sabayan pa nitong kuwento ni kuya
leo? nakaka-badtrip lang.)
“kawawa
naman kuya?”
“oo… kawawa talaga sir ‘tol.” iling
“sinu
ba naman gostung magkagan’un ‘yung anak?
“sa
bagay.” tango.
nang
makita niyang nilalagay ko ang sabaw sa kanin, bigla niyang sinenyasan ang
nagbabantay at um-order ulit ng ulam na inorder kanina.
“isa
pa pa lang kanin at dalawang sabaw ulit
miss.” (para saan ang isang sabaw? para
sa akin? pero bakit dalawa, para kanino
ang isa, sa kanya? e hindi pa nga niya
nagagalaw ang kanya.)
“ay
kuya.”
“oh?”
“nakakahiya
na masyado, ayos lang busog ako.”
ngumiti
lang habang ngumunguya. “okey lang sir
‘tol.” iling. ngiti.
“aku’ng bahala sa’yu.”
“salamat
kuya.”
“ay!
tika lang sir ‘tol.”
tango.
“sige lang kuya.”
pumunta
sa tindera, umorder ng isang fried chicken at dala na ang ketchup
pagbalik. hindi niya napansing
namantsahan ng ketchup ang kanyang uniporme.
“kuya?”
turo sa parteng namantsahan.
tiningnan
niya. napailing. inayos ang kuwelyo. napakamot sa baba.
“si
misis naman sir ‘tol,” habang tinitingnan ang parteng may mantsa. kumuha siya ng tissue na nasa lamesa at
maingat niyang pinunasan ang uniporme.
“oh?”
“naalala
ku detu sa kitchup,” (natawa ako, bakit siya ba ang endorser ng ketchup kaya
naalala niya?) “minsan kasi sir ‘tol, hindi na n’ya nalalabhan lahat ng damit
namin.”
“bakit
naman kuya?” (natatawa pa rin ako.)
“kasi
naglalaba s’ya ng damit ng ibang tao.” (kaya naman pala. buti ka nga may tagalaba, samantalang
ako? ako ang nagpapakapagod para linisan
itong mga sinusuot ko, hindi ko na ngang makapagbasa ng libro tuwing gabi
makusot lang ang mga damit ko, pati nga itong panyo ko ay every other day ko
ginagamit, paano kukunti lang kasi iyon.)
“ah!”
subo. nguya.
“sa
halagang trehandrid ayus na ren.” humigop
siya ng sabaw, sumubo at ngumuya. “kasu
mensan talaga, kapag menalas nasa wanhandrid plus lang.” ako naman ang tumatango, sumusubo at ngumunguya
pero siya pa rin ang nagsasalita, “dipindi
kase sa dame sir ‘tol.”
“oh?”
“’t’saka
sa magpapalaba.”
“ay
ganon?” tango. subo.
nguya. lunok.
“kapag
maupay ang pinaglalabahan, minsan penapakaen pa s’ya,” tangong aso ulit ako, “piru hende na n’ya
kenakaen.”
“ba’t
naman, sayang ‘yon kuya?”
“enoowe
n’ya na lang sa balay.” tango ulit ako,
“tapos hinahatag sa mga anak namin.”
tango ulit. subo. nguya, “mensan den sir ‘tol.” inayos ang
kanyang kuwelyo, sumubo, ngumuya at lumunok, “sagot pa ne meses ‘yong sabon
‘saka ‘yong pangkuskos na gagamitin.”
“oh?”
higop ng sabaw.
“oo,
pati tubig.” napailing ako, “lupit ‘nu
sir tol?” napangiti ako bigla, sumubo at
ngumuya. “de den sapat kasi ‘yong
kinikita ko.” tango lang ulit ako, “kaya
naesep na reng tomolung.” sumubo siya, ngumuya at lumunok. tango lang ako nang tango habang nakatingin
sa kanya, “dame ren kaseng gastos sa balay sir ‘tol,” napailing siya, “sana nga
sir ‘tol, masabi ko, na balay namen ‘yun,” bago siya magpatuloy ay sumubo muna
at ngumuya, “nangongopahan lang kase kame, tomaas pa nga ang bayarin.”
“bakit
daw kuya?”
“iwan
sir ‘tol, may mga nadagdag daw kasing bagong gamit.” tango ulit ako, “aba’y radyu lang naman ‘yun
sir ‘tol t’saka napaglomaang t.v. na binili sa paayosan.” napangiti siya, biglang umiling, sumubo at
ngumuya, “tapos sir ‘tol bigla na lang tumaas.”
parehas kaming napangiti at napailing, “kasama na rin kasi sir ‘tol sa
babayaran namin ‘yung kuryente,” tumango
lang ulit ako habang ngumunguya, “t’saka
ang lawud, na hindi rin naman namin masyadong nagagamit.” tango ulit, subo at nguya habang nakikinig sa
kanya, “nakakapagtaka ngani na anlake ng singel sa’men,” siya naman ang sumubo,
ngumuya at lumunok, “kong kame lang ne tifa, ayus lang na walang koryinti,
basta mayda lawud,” tumango ako, “kaso kawawa si bonsu namin sir tol.”
“oh!
bakit kuya?” tanong ko
“kawawa
ren se grace,” nag-ayos ng kuwelyo bago magpatuloy, “‘yong senondan ne jomar,”
sumubo at ngumuya ulit siya, “lemang taun pa lang ‘yun sir tol pero s’ya ‘yong
pinag-aalaga namin kay bunso na mga… nasa isang taon na rin siguro,” tumango
ako, sumubo at ngumuya, siya pa rin ang nagsasalita, “kapag nga naka-epon,
pag-aaralen namen si grace kapag malake na.”
“oo. okey ‘yon kuya, ” pagsang-ayon ko,
“pero
dapat talaga si jomar muna.” siya ulit,
“sayang kasi ‘yong panahon.” subo, nguya at nagpatuloy siya, “kasu ayaw na raw
talaga ne jumar.”
“kasi?”
“magtatrabaho
na lang daw s’ya. waray ren naman daw
kase s’yang natototonan kapag napasuk.”
“ha?”
nasaktan ako sa parting iyon
“waray
laman ang t’yan.” tumango at lumunok
ako, “imbes na makapag-esep lalu lang daw nahelo kapag nasa esk’wela,” tango
ulit ako, subo at nguya, “sir tol?” nag-ayos ng kanyang kuwelyo, sumubo at
ngumuya.
“kuya?”
“hende
ba maherap magtoru?” nguya, lunok.
“…minsan?
lalo na kapag hindi mo alam ‘yong ituturo mo.” tango. subo. nguya.
“pa’no
ngani ‘yon sir tol?” lunok. “waray bang nabastos sa inyo?” umiling ako
nang
parang mabibilaukan na kami, ako na ang nagkusang kumuha ng dalawang basong may
nakakapangilong tubig sa sobrang lamig.
“salamat
sir ‘tol.”
ngumiti
ako
“miss?”
tinaas ang kanang kamay, sumenyas sa nagbabantay, agad siyang binalingan ng
tinging may halong ngiti kahit halata rito na hindi totoo, “esang rc nga na
madagku, ay malake pala, penge na rin ng dalawang basu at yilu.” (kung alam ko
lang hindi na lang sana ako kumuha, pero okey na rin, pambanlaw pagkainom ng
soft drinks.)
“salamat
kuya ha.”
tumango
siya, nag-ayos ng kuwelyo, sumubo at nguya, “maalala ko nga pala, sir tol.”
“oh
kuya?”
kumamot
siya batok at umiling bago magsalita, “pasensya na nu’ng dati.”
“ano
‘yon?” pagtataka ko.
“nu’ng
naharang keta sa gate.”
“ah. okey lang ‘yon.” (nakabawi ka na naman.)
“akala ku kase nu’n, nabinta ka ng cundu yonit
baga,” natawa ako, “dila ngani ka kase mokhang tetsir,” ngumiti lang ako,
“naka-longsleeve ka pa n’un na asul,” tango at ngiti ulit ako, “tapos slacks at
black shoes?” (natandaan niya pa ‘yon.) “kaya hindi talaga kita napagkamalan
nu’n sir tol,” ngumiti ulit ako, “sins’ya na r’un.”
umiling
ako, “okey lang ‘yon kuya, ‘yon nga naging dahilan kumbakit naging magkakilala
tayo e.” (parang ang sagwa ng dating, love story ba itong nagaganap sa amin?)
“elang
taun ka na pala sir tol?”
“21”
“21?”
(hindi 24, sinabi na nga e, salamat kay Vice Ganda)
“oo
21 kuya. parang nasamid siya sa pagkain
sabay tingin sa akin.
“ambata
n’yu pa pala sir tol, tapos natoru na kayu?” (gusto kong sabihin, bakit
matatanda lang ba ang puwedeng magturo?) “matalenu talaga kayu sir ‘tol.” (baka
masagi ng ulo ko si kuya leo.)
“kailangan
kuya, e,” ang tangi kong nasabi
“maupay
naman.” sumubo siya at ngumuya.
“ako
bread winner sa’men.” (sa wakas ako naman ang bidang magkukuwento ngayon.) “me
kapatid pa akong apat na taong gulang.”
tumango
siya, ngumuya at lunok.
“‘yong
erpat ko naman katatanggal lang sa trabaho.”
“baket
daw sir tol?”
“bersyon
ni ermat. nakipag-away raw kasi sa boss
niya. ayon tanggal. katwiran ni erpat, e abusado raw kasi
e.” tumango siya, ngumuya at lunok, “kababago-bago
‘kala raw kung sino,” tumango ulit siya, ngumuya at lumunok, “mababait lang sa
mga babae. pero sa mga lalaki, lagi raw masama.
lagi raw nagagalit kahit walang dahilan.
kaya napuno raw si erpat.”
umiling
siya, sumubo at ngumuya bago magsalita, “dapat ‘de genawa ‘yon ng amang mo.”
nag-ayos na naman ng kuwelyo.
“ewan
ko ba d’un”
“wala
siyang magagawa d’un kasi buss ‘yon, e.” subo, nguya at lunok.
“’yon
nga e.” bago ako uminom ng tubig.
“malakas
kapangyarihan n’un.” siya ulit
“‘yon
nga ‘yong sabi ni ermat sa kanya.”
“oh
anong sabe ng amang mo?”
“wala
e. matigas daw talaga ang ulo at mayabang sabi ni ermat.” ngumiti ako nang mapait, sumubo at ngumuya. “kaya ngayon, pakinabangan daw n’ya ‘yong
kayabangan n’ya.”
“nas’an
daw s’ya ngayon?”
“ayon!
tambay sa bahay. nag-a-apply naman, kaso wala nga masyadong tumatanggap. kasi
matanda na rin si erpat,” tumango siya, sumubo at lumunok, “nasa 58 ata o 60,” muli
siyang sumubo at ngumuya bago ako magpatuloy, “du’n na rin kasi siya
na-regular.”
“sayang”
“una
n’yang trabaho ‘yon pagkagaling sa saudi,” umiling ako, ngumuya at lumunok, “kaso
gan’un talaga, ‘kala ni erpat porke regular siya e papakinggan agad.” sumubo si
kuya leo at ngumuya. “mayabang nga raw. ‘yon ang laging pinagdidiinan ni
ermat.”
“tama
‘yon sir ‘tol,” uminom siya ng tubig
“kaya
paalala niya lagi sa akin na sumunod lang daw sa boss.”
“hindi
mo rin siguro masisisi amang mo.” umiling siya at nag-ayos ng kuwelyo.
“ba’t
naman kuya?”
“kase
baka hindi naman talaga maayus ang tratu sa kan’la?”
“siguro
nga.”
“mensan
me mga ganu’n din sa’men e.”
“oh?”
“oo
sir ‘tol, lalo pa sa’min na guard lang.”
“teka
lang kuya ha.”
“segi
lang sir ‘tol.” lapit ako sa kahera. “ate, max na pula, tatlo.” (magkakapera
naman ako mamaya e). pagbalik, inalok ko
si kuya. kinuha niya ang isa.
“maaga
akung nag-asawa sir.”
“oh!
ilang taon kuya?”
“aksidente
lang din kasi!” (uso rin pala sa panahon nila). “nabuntis ko n’un si tifa.”
ayos ng kuwelyo, “mags’yota pa lang kami n’un.”
tumango
ako, (mukhang siya na ulit ang magkukuwento).
“hanggang
sa pinalayas s’ya sa kanila.”
“kase?”
“nakakahiya
raw, sabi ng inang n’ya.”
“ha?”
“sa’men
sumiksik. wala akong mapagpilian n’un sir.” sumubo siya at ngumuya. “naanakan
ko kaya dapat panindigan,” tumango ako, “mga 17 ‘ata ako n’un sir?”
“oh?”
“nahiya
na lang din ako kay amang at inang.” umiling siya sumubo at ngumuya. “andame kaseng pareneg. umalis na lang kame,
nagtayu ng sariling mondu. napadpad d’yan sa sampaloc.”
“di
ka naman nagsisisi kuya?”
“nagsesese
ren ako sir tol.”
tumango
ako
“’di
ko kase masyadung na-injuy buhay binata.” ngumiti ako, sumubo at ngumuya. “maaga kasing naging ama.”
“oo
nga e”
“sa
sampaloc na rin senelang si jomar.” nag-ayos siya ng kuwelyo, “iba pala ang
pakiramdam ‘pag nakita mo’ng anak mo.”
“oh?”
tugon kong hindi nagtatanong o nagugulat.
“oo
sir ‘tol. ‘yong tinatawag na bugso ng
damdamin, kapag nakita mo ‘yong itsura ng anak mo na bagong silang.”
“astig!”
nguya ulit at lunok.
“dami
kong pangarap sa kanya n’un,” sumubo siya at ngumuya, “gusto ko rin na ibigay
na lang ang mga pangarap ko,”(pwede ba iyon?) “yong mga ‘di natupad,” sumubo
siya at lumunok, “kaso sir ‘tol, wala na e, malabo na talaga,” tumango ulit ako
at humigop ng sabaw, “bente-uno ka pa lang sir ‘tol ‘di’ba?” tumango ako, “may
s’yota ka?” uminom ako at tumango, “na ano mo na?”
“na
ano?” pagtataka ko, may kung ano siyang pinindot sa hita ko gamit ang
hintuturo. umiling ako at ngumiti.
tumango
siya, “’buti ‘yan sir ‘tol,” ngumiti ako, “pagpatuloy n’yo lang ‘yong ganyan,”
ngumiti ulit ako at tumango, “ipon muna kayo,” tumango lang ako, “hanap ng
magandang trabaho,” sumubo siya at ngumuya, “tapos kapag ayos, ayan na p’wede
n’yo nang gawin lahat ng gusto n’yo,” tumango ako ngumiti, “pero sir ‘tol,” napatingin sa kanya
habang ngumunguya, “‘wag kang gagaya sa’kin.”
“po?”
“wala
kasi akung edokasyon, kaya siguro nagawa ‘yong gan’un.” umiling siya, sumubo at
lumunok.
(nagtataka
ako kung bakit hindi pa rin inuubos ni kuya leo ang dalawang sabaw. hindi pa nga ubos ang isang ulam bumili agad
ng fried chicken. sa dami ng mga nakahain sa harap niya, kasama na ang dalawang
sabaw. para tuloy siyang construction worker at hindi guard.)
biglang
nag-vibrate cellphone ko.
brod
d2 n ak, entrance ng sm, sn k?
(nagtext na ang
hinihintay ko, konting tiis pa men, uubusin ko lang itong kinakain ko.)
tumingin
ako sa relong nakasabit. mukhang nabasa ni kuya leo ang nasa isip ko.
“’no’ng
oras ule klase mo sir ‘tol?” lumagok siya ng inumin, “mga 2pm pa naman,”
tumango siya, “pahinga lang tayo saglit
sir ‘tol, tapos batsi na.”
tumango
ako bilang pagsang-ayon. “sige lang kuya leo.”
uy
brod nu n?
(nagtext
na naman, tatlong send pa. naku! baka makawala ang pera. huwag ka munang
mainip, saglit na lang.)
pumunta
sa casher si kuya, “magkano miss?” dinukot
ang leather wallet sa likod ng kanyang pang-ibaba.
“ilang
kanin po ba nakuha n’yo?” tanong ng kanyang kausap
“lima.”
“lima?”
tumango
siya
“tapos
‘yong ulam n’yo po?”
“yang
menudo, dalawa n’yan, sa kasama ko. tapos langka at fried chicken?”
“bale…
p135 lahat sir.”
akma
akong dudukot sa bulsa kahit wala naman talagang madudukot.
“hindi
sir ‘tol,” nag-ayos ulit siya ng kuwelyo, “ako na nga sabi e.” (alam ko naman
iyon, kunyari lang, wala rin akong perang maiaabot sa iyo kuya leo. mamaya pa
ako magkakapera pagnagkita na kami ng ka-EB[1]
ko. kaya bilisan na natin baka naiinip na siya.)
“salamat
kuya leo ha.” tinapik ko siya sa balikat, ngumiti ito, “wala ‘yon sir ‘tol. salamat din sa oras ng
pakikinig sa mga kuwento ko,” ngumiti ako, “wala lang talaga akong mapagsabihan
e.” ngiti ulit.
nagkayayaan
na kami “tara na sir ‘tol?” nag-ayos muli
siya ng kuwelyo, “balik na tayo.”
tumango
ako, “tara”
“kunin
ko na rin gamit ko.” tumango lang ako. “mag-a-out na rin ako, tutulog muna sa bahay
kung p’wede.” ngumiti ako at tumango na may pagtataka sa kanyang sinabi,
“kanina pa kasi akong madaling araw d’yan sir ‘tol, ” tumango ulit ako,
“palitan kami ng kasama ko.”
“kuya?”
“oh
sir ‘tol?”
“ba’t
‘di n’yo piliin na lang ‘yong pang-araw?”
“wala
sir ‘tol, ‘di p’wede.”
“paano
‘yon?” pagtataka kong tanong habang bumibuwelo palabas
“depende
‘yon kung anong ibigay sa’ming oras.” tumango
ulit ako para kunyaring namangha,
“depende sa mga boss namin,” siya pa rin ang nagsasalita, tumango lang
ako.
paglabas
namin sa karindirya, nagpasalamat kami. malakas ang boses ni kuya leo kaysa sa
akin. salamat miss, sabay ngiti. salamat ate, malumanay ang boses. tango at
ngiti lang ang ginawa ng babae (kinopya niya siguro ang galaw namin kanina ni
kuya leo).
“ay
kuya” tinapik ko sa siya balikat.
“oh?”
“dito
na pala ako.” turo sa hi-way.
“akala
ko sir ‘tol?” nag-ayos siya ng kuwelyo, “may klase ka pa?”
“mga
2pm pa naman ‘yon kuya,” siya naman ang tumango, “kailangan na kasing makuha
‘tong gitara.” (at kailangan ko na talaga ng pera.)
“ah.
sige sir ‘tol. salamat.”
“salamat
din kuya,” hinimas ko ang aking tiyan
“ano
nga ulit pangalan n’yo sir ‘tol?” (awkward, kanina pa kami nagkukuwentuhan
hindi pa pala ako nagpapakilala) “kilala ko lang kayo sa mukha e,” ngumiti ako,
ngumiti siya ng may pagtataka, “pero hindi ko alam pangalan n’yo?”
ngumiti
ako “jhonley, kuya leo.”
“ah
sir jhonley?” tumango ako.
(hirap
talaga magpaalam, nagpapakiramdaman kami sa isa’t isa, parehas pa man din
kaming lalaki, mas lalong awkward).
“dito
na ako sir.” tinuro niya kung nasaan ang campus, tumango ako, nagkamayan muna
kami bago tuluyang naghiwalay.
“sige.
salamat kuya leo. salamat sa libre.”
“wala
‘yon sir ‘tol.” nag-ayos ulit siya ng kuwelyo. “walang problema ‘yon.”
“sige
kuya ingat na lang pag-uwi mamaya.”
“salamat
sir ‘tol, goodluck sa pagtuturo mo sir ‘tol,” ngumiti siya, “salamat din kuya.”
(hirap magpaalam kahit hindi kami masyadong close.)
santol
n aq,sna k pre? w8 lng a
naghiwalay
na kami. papunta na akong sm sta. mesa.
saglit
ko munang nilingon si kuya leo habang naglalakad. nakikita ko pa rin kung paano
siya mag-ayos ng kuwelyo. hinatid siya ng
aking paningin hanggang sa maglaho. bumulong. salamat kuya leo. hinimas ulit
ang aking tyan. busog. salamat. bigla akong napadighay, nalasahan ko ulit ang
rc na ininom kanina. pati ang kinain, naalala ko rin si kuya leo, naalala ko
rin si jomar, grace at ang bunso nila, si ate tifa, kahit ang totoo ay hindi ko
naman talaga sila kilala. pero naalala ko pa rin sila. kahit wala pang
limang-minuto kaming naghihiwalay ni kuya leo naalala ko pa rin siya . naalala
ko sila dahil sa aking pagdighay.
1 comment:
ahm , ndi ko alam kung ano ba tlga mssbi ko sir.. ^^
yun nga ndi kse lumbs ung una kong pg comment ewan bkit kya , ang haba pa nmn syang ^___^ ..
dko alam pero nkakaiyak sir , nkaka touch sobrng inspring .
tulad ng kay kua leo dme ring problema sa bhay , at plgi rin ako ngrereklmo bkit gnto bkit gnyan , hirap ng buhay ngaun ..pero swerte ko pa pla kompleto kme ngaung ng aarl khit phrpn lalo na sa financial ..
dmeng mapupulot na aral dito sir , sobrng dme sana mbsa din ng iba khit sobrng hba tlga ^^ inabot ako ng time dito sa comp.shop.. extnd na lng ulit my pkay namn ang pg oonline..
ayun para sa mga estudynte ktulad ko , wag na kyo mglit sa mga guard mejo natauhan tlga ako , mdlas mlate dhl sa haba ng pila sa guard pero kslnn nmn ng estudynte kung bkit sya malilate , dpt rin pla icpin na di rn gusto ng mga guard na arw2 tyong ichek . lahat pla ng nwwla sa guard nasisi kwwa nmn , tas klgyn nila ..
ung mli lng ky kua leo na nkita ko eh , maxdo nyang bnba ung srili dhil sa Guard lng sya eh aba ! kung alam lng ni kua dhil sa knya kya payapa ung scul kya wlng problema sa loob eh dhl maayos silang ngttrbho . tska tiyga lng nga sbe ni Sir , pray pray lang ggnhawa rin ung buhay :)
---
ang ganda tlga sana MABASA nyo din . :))
Post a Comment