Tuesday, April 19, 2011

Isang Umagang Malamig

(Tula)

isang umagang malamig
nakita kong nagkakape si Ama
namumungay ang mata
ilong ay namumula
at dinadalahit ng ubo
butuhang katawan nito.

napasuntok ako
sa kinahihigaan
nang kami'y magkatinginan,
ngumiti siya
tumango ako
patuloy siyang humigop
ng kapeng nasa baso.

ilang saglit
tumindig si Ama
pagkat kape ubos na;
inilagay sa lababo
ginamit na baso at kapares na suro.

sa balikat tinapik ako
muling dinalahit ng ubo
at kay ina ay nagpaalam:
papasok na ako.

1 comment:

Mark Anthony S. Salvador (Macky) said...

* maganda ang tapos, may hawig sa "Pandesal kay Magdalena", baka maari mong ibahin ang anggulo na napasuntok, maski pa sabihing iba sa napatadyak. at palagay ko lang naman po, si ama, malaking titik ang A, dapat ay si Ama sapagkat ginamit mo siya bilang pangngalang pantangi. sa kabuuan, maganda. pagpatuloy lang. mabuhay ka!