(walang kwentang sanaysay)
Ang tao ay bahagi sa lipunan, hindi magiging lipunan ang isang lipunan, kung wala ang isa sa mga mahahalagang sangkap na ito,ang tao. Pagkat sa tao nagmumula ang lahat ng mga kaganapang nangyayari sa isang lipunan. Ang tao ang siyang nagdidikta kung ano ang magiging batayan ng lipunan.Kung mataas ba o mababa, kung maganda ba o mapangit ang isang bagay, etc.
Kung titignan natin ang kasaysayan, ang mga lalaki ang siyang makapangyarihan kesa sa babae, mas nadodomina ng mga ito ang kababaihan, sa ilang mga larangan.
Kung titignan naman natin ang Nobela ni Rizal na Noli Me Tangere‘, si Maria Clara ang nagrerepresenta sa Babaeng Pilipino, na isang mahinhin at mayuming tao. At sa karakter na ito, nais wasakin o bigyang diin ni Rizal na ang mga Babaeng Pilipino ay pangtahanan lamang, walang silbi at ang tanging gawain lang ay magsayang ng oras sa loob ng tahanan. Pero paano mangyayaring ito ang representasyon ng mga Babaeng Pilipino, gayong kasamang nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan ang mga kababaihan, gaya nina Teodora Alonzo,Espiridonia Bonifacio, Urduja at iba pang mga Babaeng Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan.
Masasabi kayang walang kwenta sa lipunan ang mga babae gayong tao rin sila, gaya ng mga lalaki na bahagi rin ng lipunang kanilang ginagalawan. Hindi ba’t hindi magiging nilalang ang isang bata o tao kung wala ang babaeng magluluwal dito.
Katuwang ng mga lalaki ang babae sa ilang mga larangan, gaya ng sa Politika, Ekonomiya at iba pang mga Kategorya. Pagkat totoo ngang kaya na rin gawin ng mga kababaihan ang ilang mga gawain na dati ay lalaki lang ang mayroong kakayahan. Kung titignan natin, sa Pilipinas unang nagkaroon ng Babaeng Pangulo sa Asya. Hindi ba’t Pilipino lang ang nakapagtala ng gayong kasaysayan sa Asya o pati marahil sa buong mundo.
“Walang nabubuhay para sa sarili lang”, ayon sa isang awitin. Sa madaling sabi, hindi mabubuhay ang isang tao kung wala siyang katuwang o katulong para mabuhay. Hindi makakasurbayb ang lalaki kung walang babae, at hindi rin makakasurbayb ang babae kung walang lalaki, vice versa ang usapan,kaya nga’t nauso ang tawag na “Babaero”, pagkat laging naghahanap ang lalaki ng makakatuwang sa buhay, kahit minsan ay mali na ito. Pero ni minsan ay hindi pa masyadong tumatak sa aking isipan ang katawagang “Lalakero”. Mukhang may deskriminasyon sa mga lalaki ito.
Na sa iyo ang desisyon kung ano ang magiging dating sa iyo ng mga sinabi ko.
No comments:
Post a Comment