(walang kwentang sanaysay)
Ang tao ay bahagi sa lipunan, hindi magiging lipunan ang isang lipunan, kung wala ang isa sa mga mahahalagang sangkap na ito,ang tao. Pagkat sa tao nagmumula ang lahat ng mga kaganapang nangyayari sa isang lipunan. Ang tao ang siyang nagdidikta kung ano ang magiging batayan ng lipunan.Kung mataas ba o mababa, kung maganda ba o mapangit ang isang bagay, etc.
Kung titignan natin ang kasaysayan, ang mga lalaki ang siyang makapangyarihan kesa sa babae, mas nadodomina ng mga ito ang kababaihan, sa ilang mga larangan.
Kung titignan naman natin ang Nobela ni Rizal na Noli Me Tangere‘, si Maria Clara ang nagrerepresenta sa Babaeng Pilipino, na isang mahinhin at mayuming tao. At sa karakter na ito, nais wasakin o bigyang diin ni Rizal na ang mga Babaeng Pilipino ay pangtahanan lamang, walang silbi at ang tanging gawain lang ay magsayang ng oras sa loob ng tahanan. Pero paano mangyayaring ito ang representasyon ng mga Babaeng Pilipino, gayong kasamang nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan ang mga kababaihan, gaya nina Teodora Alonzo,Espiridonia Bonifacio, Urduja at iba pang mga Babaeng Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan.
Masasabi kayang walang kwenta sa lipunan ang mga babae gayong tao rin sila, gaya ng mga lalaki na bahagi rin ng lipunang kanilang ginagalawan. Hindi ba’t hindi magiging nilalang ang isang bata o tao kung wala ang babaeng magluluwal dito.
Katuwang ng mga lalaki ang babae sa ilang mga larangan, gaya ng sa Politika, Ekonomiya at iba pang mga Kategorya. Pagkat totoo ngang kaya na rin gawin ng mga kababaihan ang ilang mga gawain na dati ay lalaki lang ang mayroong kakayahan. Kung titignan natin, sa Pilipinas unang nagkaroon ng Babaeng Pangulo sa Asya. Hindi ba’t Pilipino lang ang nakapagtala ng gayong kasaysayan sa Asya o pati marahil sa buong mundo.
“Walang nabubuhay para sa sarili lang”, ayon sa isang awitin. Sa madaling sabi, hindi mabubuhay ang isang tao kung wala siyang katuwang o katulong para mabuhay. Hindi makakasurbayb ang lalaki kung walang babae, at hindi rin makakasurbayb ang babae kung walang lalaki, vice versa ang usapan,kaya nga’t nauso ang tawag na “Babaero”, pagkat laging naghahanap ang lalaki ng makakatuwang sa buhay, kahit minsan ay mali na ito. Pero ni minsan ay hindi pa masyadong tumatak sa aking isipan ang katawagang “Lalakero”. Mukhang may deskriminasyon sa mga lalaki ito.
Na sa iyo ang desisyon kung ano ang magiging dating sa iyo ng mga sinabi ko.
Sunday, November 21, 2010
Sana
(Tula)
Sana ,
Bumalik ka na
Ama,
Nang hindi na mag-alala
Si Inang nangungulila
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Nang kaming lahat
Ay mapanatag na
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Nang tayong magpapamilya
Muling magsalo at magsama.
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Pagkat tatlong araw na
Mula nang ikaw ay huling nakita.
Sana ,
Hindi totoo
Ama,
Ang kutob kong ikaw ay pinadukot
Ng mga Asendero’t Panginoong may lupa.
Sana,
Magbalik ka na
Ama,
Nang kami ay hindi mangamba
Sa balitang may mga nawawala.
At Sana,
Hindi ikaw
Ama,
Ang natagpuan nilang bangkay
Sa may gilid ng Sapa.
Sana ,
Bumalik ka na
Ama,
Nang hindi na mag-alala
Si Inang nangungulila
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Nang kaming lahat
Ay mapanatag na
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Nang tayong magpapamilya
Muling magsalo at magsama.
Sana,
Bumalik ka na
Ama,
Pagkat tatlong araw na
Mula nang ikaw ay huling nakita.
Sana ,
Hindi totoo
Ama,
Ang kutob kong ikaw ay pinadukot
Ng mga Asendero’t Panginoong may lupa.
Sana,
Magbalik ka na
Ama,
Nang kami ay hindi mangamba
Sa balitang may mga nawawala.
At Sana,
Hindi ikaw
Ama,
Ang natagpuan nilang bangkay
Sa may gilid ng Sapa.
Friday, October 29, 2010
Ay
(Tula)
Naglalakad,
Patungo sa pupuntahan
Nakatuon,
Mga pangdama
Sa daang daraanan.
Nang biglang tumunog
At manginig
Ang bulsa ng pantalon.
”May nagtext!”
Pinasok,
Kamay sa bulsa
Kumapa,
Dinukot ang Fone
Sa text ay nagreply,
Nagreply
Nireplayan
Nagreplay ng walang humpay.
Paningin,
Nakatuon sa Fone
Habang naglalakad.
Kasabay,
Ilang mga ngiti dulot ng Fone.
Nang biglang madulas
At napamura,
“SHIT!!!”
Dahil natapakan
Malambot at mamasa-masang
Tae ng Aso.
Naglalakad,
Patungo sa pupuntahan
Nakatuon,
Mga pangdama
Sa daang daraanan.
Nang biglang tumunog
At manginig
Ang bulsa ng pantalon.
”May nagtext!”
Pinasok,
Kamay sa bulsa
Kumapa,
Dinukot ang Fone
Sa text ay nagreply,
Nagreply
Nireplayan
Nagreplay ng walang humpay.
Paningin,
Nakatuon sa Fone
Habang naglalakad.
Kasabay,
Ilang mga ngiti dulot ng Fone.
Nang biglang madulas
At napamura,
“SHIT!!!”
Dahil natapakan
Malambot at mamasa-masang
Tae ng Aso.
Tuesday, September 28, 2010
Tanong ng Masa
(Tula)
Tinanong ng madla
Ang isang mama:
`Nasaan ang lupa
Na pangako ng iyong ina
Sa mga magsasaka,
Nang siya ay nangangampanya?’
Tugon niya,
Isang ngisi at iling na nakakabalisa,
Panibagong hamon
Para sa mga Pilipinong maralita`t makamasa
May pagbabago bang makikita?
May hustisya bang matatamasa?
At may magagawa kaya,
Ang mamang nanumpa
Noong ika-30 ng Hunyo,
Sa harap ng sambayanag Pilipino?
Na anak ng Asendero.
Tinanong ng madla
Ang isang mama:
`Nasaan ang lupa
Na pangako ng iyong ina
Sa mga magsasaka,
Nang siya ay nangangampanya?’
Tugon niya,
Isang ngisi at iling na nakakabalisa,
Panibagong hamon
Para sa mga Pilipinong maralita`t makamasa
May pagbabago bang makikita?
May hustisya bang matatamasa?
At may magagawa kaya,
Ang mamang nanumpa
Noong ika-30 ng Hunyo,
Sa harap ng sambayanag Pilipino?
Na anak ng Asendero.
Tuesday, September 7, 2010
Naisip na kaya?
(Tula)
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit nag-iisip
Ang iyong pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit naitanong ko sa iyo
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit kita pinapaisip
Sa aking naisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede ko rin maisip
Ang iyong naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede mo rin maisip
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na gawain ng ating pag-iisip
Ang mag-isip?
Juan,
Naisip mo ba,
Ang naiisip ng iba,
Pwede mo rin maisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung ang iyong isip,
Napapagod sa pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit "JUAN"
Ang tawag ko sa iyo ?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit nag-iisip
Ang iyong pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit naitanong ko sa iyo
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit kita pinapaisip
Sa aking naisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede ko rin maisip
Ang iyong naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede mo rin maisip
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na gawain ng ating pag-iisip
Ang mag-isip?
Juan,
Naisip mo ba,
Ang naiisip ng iba,
Pwede mo rin maisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung ang iyong isip,
Napapagod sa pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit "JUAN"
Ang tawag ko sa iyo ?
Sunday, September 5, 2010
Larawan ng Kahapon
(Tula)
Minuni-muni ang kahapon
At binalikan
Mga alaalang nagbigay paalala
Sa nagdaang panahon.
Ginunita,
Mga pangyayari
Na noon nakatuon
At naganap sa isang pagkakataon.
Ang mga ito ay sumariwa,
At umalingawngaw
Sa aking balintataw.
At muli kong binalik
Ang larawan
Sa dati nitong lalagyan,
-Photo Album
Minuni-muni ang kahapon
At binalikan
Mga alaalang nagbigay paalala
Sa nagdaang panahon.
Ginunita,
Mga pangyayari
Na noon nakatuon
At naganap sa isang pagkakataon.
Ang mga ito ay sumariwa,
At umalingawngaw
Sa aking balintataw.
At muli kong binalik
Ang larawan
Sa dati nitong lalagyan,
-Photo Album
Hanay ng mga Langgam
(Tula)
Magkakahanay na naglalakad
Sa tuyong daang tinatahak.
Iisa ang misyong nais makamtan
makabalik sa kampo
bitbit mga pagkaing makukuha
sa mahabang paglalakbay.
Nagsasalungatan
Ang dalawang linya,
isa paalis
at isa naman pabalik.
Sa isang hanay
mga nakapila
walang bitbit ano man,
sa kabilang hanay naman
isang katerba ang dala,
at hanggang ngayon,
hindi ko pa rin alam
kung saan ito mapupunta.
Magkakahanay na naglalakad
Sa tuyong daang tinatahak.
Iisa ang misyong nais makamtan
makabalik sa kampo
bitbit mga pagkaing makukuha
sa mahabang paglalakbay.
Nagsasalungatan
Ang dalawang linya,
isa paalis
at isa naman pabalik.
Sa isang hanay
mga nakapila
walang bitbit ano man,
sa kabilang hanay naman
isang katerba ang dala,
at hanggang ngayon,
hindi ko pa rin alam
kung saan ito mapupunta.
Monday, August 2, 2010
Wikang Hinihika
(Tula)
Wika ko hindi ko magamit
Wika nila gamit na gamit,
Sa Wika ko ako`y nililimitahan
Sa Wika nila, walang angalan.
Wika ko may ilang kakulangan
Wika nila`y walang hangganan,
Sa Wika ko, ako`y Immoral
Sa Wika nila, lahat ay Normal.
Wika ko hindi umuunlad
Wika nila ginagamit sa aking Komunidad,
Sa Wika ko marami ang bawal
Sa Wika nila, pag-unlad ay di matagal.
Wika ko:“May mali ba?”
Bakit pa nilikha ang mga salita
Kung pati sarili kong Bansa
Inaabanduna ang aking Wika?
Wika ko hindi ko magamit
Wika nila gamit na gamit,
Sa Wika ko ako`y nililimitahan
Sa Wika nila, walang angalan.
Wika ko may ilang kakulangan
Wika nila`y walang hangganan,
Sa Wika ko, ako`y Immoral
Sa Wika nila, lahat ay Normal.
Wika ko hindi umuunlad
Wika nila ginagamit sa aking Komunidad,
Sa Wika ko marami ang bawal
Sa Wika nila, pag-unlad ay di matagal.
Wika ko:“May mali ba?”
Bakit pa nilikha ang mga salita
Kung pati sarili kong Bansa
Inaabanduna ang aking Wika?
Thursday, July 22, 2010
Digmaan sa Isipan
(Tula)
Wala akong pakialam,wala kang pakialam
Hindi ba ganito ang nakaugalian?
Nasaan ba,nasaan ba,nasaan ba?
Nasaan ba ang iyong karunungan
O ito ay isa ng kalokohan
Na lubos mong pinag-uukulan?
Bakit ganon, bakit ganyan?
Isa ka bang timang at mangmang
Wala ka bang nararamdaman sa iyong kapaligiran?
Puno ng kasakiman ang puso at isipan
Hindi mo na ba ito masosolusyunan?
Wala na bang ibang paraan
O dapat nang gawin ang kinakailangan
“Hiwalayan?”
Wala akong pakialam,wala kang pakialam
Hindi ba ganito ang nakaugalian?
Nasaan ba,nasaan ba,nasaan ba?
Nasaan ba ang iyong karunungan
O ito ay isa ng kalokohan
Na lubos mong pinag-uukulan?
Bakit ganon, bakit ganyan?
Isa ka bang timang at mangmang
Wala ka bang nararamdaman sa iyong kapaligiran?
Puno ng kasakiman ang puso at isipan
Hindi mo na ba ito masosolusyunan?
Wala na bang ibang paraan
O dapat nang gawin ang kinakailangan
“Hiwalayan?”
Friday, July 9, 2010
Sugatang Ipis
(Tula)
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mata`y maiinit at nais akong burahin
Dita sa lugar na dugyo`t
Puno ng kalupitan.
Na saan ba ang hustisyang nais makamtan?
Makikita ba ito sa kalangitan
O sa lipunang ATING ginagalawan?
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Kagaya ng sa Showbiz na puno ng kontrobersiyang walang katuturan
Masama`t mabuting balita`y kanilang pinararaya
Sa mga telebisyon at peryodikong basura,
Subalit katotohana`y hindi pinakikita
Sa sistemang bulok gaya ng kanilang pagmumukha
Na tila wala ng pag-asa kung hindi magkakaisa.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Maigi pa ang mga aso sa lansanga`y pinagpala
Inaalagaan at tinuturing na Kapwa
Ng mga taong Indio at Dukha.
Pagmamahal ay binibigay na puno ng pag-asa`t tuwa
Pinauulanan ng mga swerte`t biyaya
Ang mga kinaiinggitan kong mga asong pinagpala.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Na nais ng lahat na ako ay mapuksa.
Kasalanan ko ba na ako`y ganito?
Ginusto ko ba na ako`y malikha
Dito sa mundong walang alam gawin kundi ang manira
Gamit ang kanilang lakas at pera
Gagawin ang lahat wag lang ako Makita.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mahal sa buhay ngayon ay wala na
Na tila pinagkaitan ng karapatang mabuhay
Dito sa mundong hindi ko Makita ang kulay.
Na kapag kami ay nakita,tumataas ang dugo at kilay
Gumagawa ng paraan para kami ay humandusay
Dito sa mundong ATING ginagalawan.
Sa mundong ginagalawan ako`y lilisan dala ang mapait na nakaraan,
Marahil ay dumating na ang kalupitan
Ng mga galit sa aming kultura`t lipunan
Dito sa aking lupang sinilangan.
Makakapiling ko na marahil ang mga mahal sa buhay
Na noo`y pinagkaitan ding mabuhay
Sa mundong inyong ginagalawan na hindi Makita ang KALAYAAN.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mata`y maiinit at nais akong burahin
Dita sa lugar na dugyo`t
Puno ng kalupitan.
Na saan ba ang hustisyang nais makamtan?
Makikita ba ito sa kalangitan
O sa lipunang ATING ginagalawan?
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Kagaya ng sa Showbiz na puno ng kontrobersiyang walang katuturan
Masama`t mabuting balita`y kanilang pinararaya
Sa mga telebisyon at peryodikong basura,
Subalit katotohana`y hindi pinakikita
Sa sistemang bulok gaya ng kanilang pagmumukha
Na tila wala ng pag-asa kung hindi magkakaisa.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Maigi pa ang mga aso sa lansanga`y pinagpala
Inaalagaan at tinuturing na Kapwa
Ng mga taong Indio at Dukha.
Pagmamahal ay binibigay na puno ng pag-asa`t tuwa
Pinauulanan ng mga swerte`t biyaya
Ang mga kinaiinggitan kong mga asong pinagpala.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Na nais ng lahat na ako ay mapuksa.
Kasalanan ko ba na ako`y ganito?
Ginusto ko ba na ako`y malikha
Dito sa mundong walang alam gawin kundi ang manira
Gamit ang kanilang lakas at pera
Gagawin ang lahat wag lang ako Makita.
Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mahal sa buhay ngayon ay wala na
Na tila pinagkaitan ng karapatang mabuhay
Dito sa mundong hindi ko Makita ang kulay.
Na kapag kami ay nakita,tumataas ang dugo at kilay
Gumagawa ng paraan para kami ay humandusay
Dito sa mundong ATING ginagalawan.
Sa mundong ginagalawan ako`y lilisan dala ang mapait na nakaraan,
Marahil ay dumating na ang kalupitan
Ng mga galit sa aming kultura`t lipunan
Dito sa aking lupang sinilangan.
Makakapiling ko na marahil ang mga mahal sa buhay
Na noo`y pinagkaitan ding mabuhay
Sa mundong inyong ginagalawan na hindi Makita ang KALAYAAN.
Subscribe to:
Posts (Atom)