Friday, July 9, 2010

Sugatang Ipis

(Tula)

Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mata`y maiinit at nais akong burahin
Dita sa lugar na dugyo`t
Puno ng kalupitan.
Na saan ba ang hustisyang nais makamtan?
Makikita ba ito sa kalangitan
O sa lipunang ATING ginagalawan?

Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Kagaya ng sa Showbiz na puno ng kontrobersiyang walang katuturan
Masama`t mabuting balita`y kanilang pinararaya
Sa mga telebisyon at peryodikong basura,
Subalit katotohana`y hindi pinakikita
Sa sistemang bulok gaya ng kanilang pagmumukha
Na tila wala ng pag-asa kung hindi magkakaisa.

Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Maigi pa ang mga aso sa lansanga`y pinagpala
Inaalagaan at tinuturing na Kapwa
Ng mga taong Indio at Dukha.
Pagmamahal ay binibigay na puno ng pag-asa`t tuwa
Pinauulanan ng mga swerte`t biyaya
Ang mga kinaiinggitan kong mga asong pinagpala.

Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Na nais ng lahat na ako ay mapuksa.
Kasalanan ko ba na ako`y ganito?
Ginusto ko ba na ako`y malikha
Dito sa mundong walang alam gawin kundi ang manira
Gamit ang kanilang lakas at pera
Gagawin ang lahat wag lang ako Makita.

Sa mundong ginagalawan,ako`y hindi malaya
Mga mahal sa buhay ngayon ay wala na
Na tila pinagkaitan ng karapatang mabuhay
Dito sa mundong hindi ko Makita ang kulay.
Na kapag kami ay nakita,tumataas ang dugo at kilay
Gumagawa ng paraan para kami ay humandusay
Dito sa mundong ATING ginagalawan.

Sa mundong ginagalawan ako`y lilisan dala ang mapait na nakaraan,
Marahil ay dumating na ang kalupitan
Ng mga galit sa aming kultura`t lipunan
Dito sa aking lupang sinilangan.
Makakapiling ko na marahil ang mga mahal sa buhay
Na noo`y pinagkaitan ding mabuhay
Sa mundong inyong ginagalawan na hindi Makita ang KALAYAAN.

No comments: