(Dagli)
'Tol,tawa ako nang tawa sa’yo
kapag naalala ko ‘tong sinaryo na ‘to. Alam ko hindi mo matatandaan ‘yon
kapag dumating ka na sa edad ko, o baka kapag kinuwento ko sa’yo matawa ka rin
gaya ng tawa ko. Alam mo ba ‘tol, apat na taon ka pa n’un, sobrang cute mo
na trip na trip talaga kitang isama sa lahat ng pupuntahan ko, kasi ang kulit
mo (literal) at ang daldal. Anyway, ganito ‘yon.
Nagchi-check ako n’un ng mga
papel sa lamesa. Isipin mo‘tol, kung 70 kayo sa class room n’yo ngayon,
i-times mo ‘yon sa 10 section. Imagine, ga’no karaming papel ‘yong
nakapila para masulatan ng grade. Kapag natatapos ako mag-check sa isang
section, pakiramdam ko sobrang akong nahihilo, e hindi naman ako sumakay
sa roller coaster. At nakaupo lang ako, para nga rin akong nag-jogging sa
Quezon City Circle ng mga 100 ikot (o higit pa). ‘Yong likod ko, para
akong nadaganan ng isang College Building sa U.P. Diliman.
Lumabas n’un si Ermat, kasi may
bibilhin. Oo,nasalisihan ka, nilibang ka n’ya sa paglalaro mo ng paborito
mong mga tren(kabisado mo ‘yong mga tauhan sa palabas na Thomas and Friends,
pati na rin kung pa’no magsalita at higit sa lahat ‘yong facial expression ng
mga ‘yon). Magkasalo tayo sa paggamit ng lamesa, ngalang mas malaki ‘yong
espasyong naku-consume mo.
Bigla nang gumana ‘yong spider
sense mo. Nawala kasi sa aura mo si ermat (matindi ka ‘tol, kahit walang
ingay na iniwan talagang alam mo kapag nawawala ang mga tao sa paligid mo,
syempre lalo na kaming dalawa ni ermat). Kinalabit mo ko.
“Kuya!”Nagtataka ‘yong mukha mo.
“Oh?”Istorbo ka n’un sa ginawa ko
pero sinagot pa rin kita.
“Simama?” Straight ka na
magsalita n’un. Kung itatabi ka sa mga ka-batch mong sanggol, wala silang
kakainin kung paramihan lang ng bokabularyo ang pag-uusapan. Alam mo na
nga ‘yong salitang Gagoka,
PUTANGINAKA. Tingin ko
alam mo lang sabihin ‘yon pero hindi mo pa alam ‘yong meaning. Nakikigaya
ka kasi sa mga naririnig mo sapaligid.
“Lumabas e!”
“Tignan ko kung sa'n s’ya
nagpunta?” Ang kulitmo, hindi ka nauubusan ng dahilan.
“’Wag,dito ka lang.”
Nabuburyong na akongmakipag-diskusyon n’un sa’yo.
“Uwi agad ako.” Matindi na ‘yong
kalabit mo, bumabaon na sa balat ko ‘yong kuko mo.
“’Wag!Ayoko! Wala akong kasama
dito.” Syemprejoke ko lang ‘yon sa’yo para hindi ka lumabas.
“Meron!May kasama ka!”
Buwisit ka na sa kakulitan ko. Lalong bumabaon ‘yong kalabit mo na
malapit na mapunta sa kalmot.
“Wala akong kasama dito”
“Meron nga. Annnnnnnnnng
kuuuuuulit!”Ini-emphasis mo talaga ‘yon.
“Wala nga, ikaw ang
maaaaaaaaaaaakuuuuulettttttt”
“Meron nga sabi” Masakit na ‘yong
pangangalabit mo. Tinuro mo ‘yong nag-iisang picture mo na sobrang
bungisngis at kita na ‘yong ngalangala mo. “Ayon oh, kasama mo si Jhonil”
Nangiti ako sa sinabi mo.
Pero hindi pa rin ako nagpatalo. “’Wag, ayoko, dito ka lang.
Picture lang yan e. Hindi naman yan totoo e.”
“Hindiiiii. Ang kulit
mo! May kasama ka nga!”
“Wala nga”
“Meron!”
“Wala!”
“Meron nga.” Hinawakan mo
‘yong pisngi ko. At itinapat sa’yo. “Kasama mo si Papa Jesus.
Hindi ka iiwan n’un.”
Pakiramdam ko n’un nakapagpahinga
ako nang matagal sa pag-che-check ko ng mga papel. In short nawala ‘yong
pagod ko.
Nginitian kita na may halong
tuwa. Alam ko namang halata mo ‘yon kasi kita ‘yong gums ko.
“Oh,sige uwi agad ha”
Hinawakan ko ‘yong ulo mo. Niyakap kita. Hinalikan mo ako sa
kaliwang pisngi.
“Uwi agad ako” Habang inaayos mo
na sa labas ‘yong tsinelas mo.
“O sige”
“O si---------ge“ Tumatakbo ka na
n’un palabas habang nagsasalita. Unti-unting humihina ang kaninang
malalakas na tunog ng tsinelas mo.