(Tula)
Ikaw na mayroong ikatlong mata
ikaw na nagmamahal sa mga letra
ikaw na mapili sa mga salita
ikaw na kasiping ng pluma
ikaw na manunulat
ikaw na mapanuri
ikaw na mulat
ikaw na gising sa katotohanan
ikaw na makata
ikaw na kritiko ng buhay.
Sana'y huwag kang padikta sa iilan
sumulat ka para sa masa
at para sa bayan
huwag kang papasilaw sa kinang pera
huwag kang gumaya
sa mga nagpapanggap na maka-bayan
na dahil lang sa pera
pinagpalit kanilang paninindigan
huwag ka nang makisali
sa paglikha ng mga pantasya
na naglalayo sa reyalidad ng buhay
ikaw na makata
ang dapat manguna
sa pagbuo ng isang lipunang makatao
malaya
at progresibo.
Patuloy mong pagyamanin
ating wika
at literatura
pausbungin ating kultura,
maglakbay ka
ikaw na makata.
1 comment:
* hijo, nabasa mo na ba 'yung tulat ni sir ropger ordoƱez na "manunulat" yata ang pamagat? may linya doon na "ikaw na manunulat, butasi mo ang mga..." iyong ganoon. may "kasiping ng pluma" rin yata roon. kundi ako nagkakamali. nasa libro niya iyong "saan papunta ang mga putok?" na inilathala ng UP.
Post a Comment