(Tula)
Pumili ng lugar
na kumportable
at makakapag-isip nang mabuti
manahimik
pumikit kung kinakailangan
nang mabigyang atensyon ang nais ilarawan
mag-isip
mag-isip nang maayos
ituon ang pansin ng isipan
sa mga bagay
buksan ang kamalayan
palawakin ang imahinasyon
hayaang maglakbay
nang maakor dulo ng tagumpay
huwag pansinin
mga bagay na makakasira
sa pag-iisip
ituon ang pansin
ituon ang pansin
ituon ang pansin
ng isipan
at kapag nag-init na
hayaang lumabas
katas ng tagumpay
sa mahabang pag-iisip.
3 comments:
ayusin kasama ang gamit ng 'nang'..
tama yung naunang komento. maging maingat sa paggamit ng pangawing na'nang'. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat. Maging maalam.!
Ang "PAMAGAT", Bow!
Post a Comment