KAPAG USAPIN NA NG trapik, hindi
puwede’ng maarte o pabebe. Halimbawa
nito kapag rush hour, ‘wag nang choosy sa pagpili ng maluwang na sasakyan, pa’no kung apat na oras ka nang naghihintay
ng sasakyang walang masyadong laman.
Gutom ka na’t lahat-lahat, lata pa ang katawan sa sobrang pagod. Badtrip ka pa kasi hindi mo napanuod ‘yong
ALBUD kanina sa (depende kung saan ka pumapasok). Sa kamalasan umulan pa, imbes na nakaupo ka
na’t nagnanakaw ng tulog sa sinasakyan ayun mapapakanta ka na lang ng
ganito: Ito ako, basang-basa sa
ulan. Walang masisilungan, walang mga
sasakyan. Hustle ‘di ba?
Kaya meron akong mungkahi para
maiwasan o mawala ang trapik. Ito ang
ilan.
1.
Last
Politician Standing – Magkakaroon ng eleksiyon sa loob ng isang taon. Kung sino ang may pinakamadaming boto sa
bawat buwan ay siyang hihiranging mayor, congressman, senador, bise president
at president. At forever na silang
nakaupo sa puwesto. Halimbawa. Pangalanan natin sina A at B bilang Pulitiko.
Tuwing unang linggo ng buwan ang pangangampanya, sa ikatlong buwan ang boto at
ikaapat na buwan ang pagbibilang ng boto.
Ipagpalagay
natin sa January nanalo si A, February si A . . .
Monthly Results of Election -
Percentage
Month
|
A
|
B
|
Winner
|
1.
January
|
55%
|
45%
|
A
|
2.
February
|
10%
|
90%
|
B
|
3.
March
|
86%
|
14%
|
A
|
4.
April
|
31%
|
69%
|
B
|
5.
May
|
50%
|
50%
|
DRAW
|
6.
June
|
80%
|
20%
|
A
|
7.
July
|
21%
|
79%
|
B
|
8.
August
|
82%
|
18%
|
A
|
9.
September
|
44%
|
56%
|
B
|
10. October
|
60%
|
40%
|
A
|
11. November
|
50%
|
50%
|
DRAW
|
12. December
|
54%
|
56%
|
B
|
|
|
|
|
|
|
|
DRAW
|
Kung sakaling magkaroon ng draw
kagaya ng nasa itaas. May isang laro
para masukat ang pasensiya at katatagan ng pulitiko.
Sa City Hall maglalagay ng
sobrang laking screen para makita ng mga tao na hindi dinadaya ang
eleksyion. Simple lang ang rule. Mananalo ang pulitikong may mataas na score
sa Flappy Bird. Best of 7 ang laban.
Nagtataka ka siguro kung anong
connection nito sa Trapik. Syempre,
dahil buwan-buwan may eleksiyon buwan-buwan ding aayusin ang mga kalsada,
kalye, drainage at tulay. Andito na ‘yong
Road Widening, papalawakin ang mga ito.
Kapag informal settler ka at natamaan ang cute mong barung-baro, wala
kang magagawa kundi bumalik sa probinsiyang pinanggalingan mo. Di ka na nila ililipat sa ibang lugar, kasi
inaayos din ‘yon. Wala kang lusot kaya
mamundok ka na lang.
2.
Oplan-Balik-Probinsiya
– Related ‘to sa tip 1. Kung lahat ng
nasa informal settler ay babalik sa probinsiya, ibig sabihin kokonti na lang
ang tao sa Lungsod. Wala ng commuter,
jeepney/taxi/fx driver, estudyante, vendor, snatcher, hold-upper, bank
rubber.
‘Yong huling tatlo, yan kasi
madalas ang ginagawang krimen ng mga tao, dala ng kahirapan. Pero dahil bawal na ang mahirap sa lungsod,
wala nang gagawa ng mga nabanggit.
Payapa at masaya ang lahat. Salamat talaga sa mga pulitiko.
3.
Oil
Price Hike – Big time na’ng mga tao sa lungsod.
Kaya maiisip ng pogi at maganda nating pulitiko na gawing P1000/ liter
ang gasolina. Lumalabas na kung
magko-konsumo ka ng 50 liters sa isang araw ay kakailanganin mong magbayad
P50,000 sa isang araw. Sa isang buwan ay
P1.5 million. Sa isang taon naman ay
P18,000,000 o P18 million. Syempre dahil
malawak at wala ng masyadong tao sa lungsod ay puwede nang gawing parang Need For Speed o Fast
and the Furious ang kalsada. Isang
dahilan para ma-inspire magmaneho ang mga nasa lungsod.
Ano naman kung tumaas ang presyo
ng langis, magmamahal lang naman ang pagde-deliver ng mga gulay at karne. Tataas ang presyo ng mga ito, magmamahal ang
supply ng pagkain. Pati kuryente at
tubig sasali rin. Kasunod nito ang E-VAT
at TAX.
Malulungkot/magmumukmok/mananahimik/iiyak/masasaktan si mayaman. Magpo-protesta kaso naisip niyang hindi ito
gawain ng isang mayaman. Kaya kasama ng
mga mahihirap, pupunta na lang siyang probinsiya gamit ang sasakyan (isipin
kung ilang litro ng gasolina ang maku-konsumo).
Pagdating sa destinasyon wala na siyang pera at pagkain. Naubos lahat sa gasolina. Eksaktong tumirik ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang magubat
na bundok. Maiisip niyang dito muna
manirahan.
4.
Abolish
Networking – Kung na-orient ka na ng mga ito, alam kong maiintindihan mo’ng
sasabihin ko. Isa ka ba sa mga nalibre
ng kape sa Star Bucks o nagsawa sa kanin sa Mang Inasal. At sa duloy tatanungin ka : “Brad,
Open-Minded ka ba sa Business? Gusto mo
bang matulungan pamilya mo. Sa simpleng
bagay lang maisasalba mo na sila sa kahirapan.
Wala kang ibang gagawin kundi . . . .”
w35vtw95jybw5jy83jy8vwysersdjng82t986t9jseirgj
q4tq wtv2ncu8tu2vc6t24v24862486
Ipapakita sa’yo sa isang clear
book ang lahat ng mga ka-member niya na naninirahan na sa ibang bansa. Nagkaroon ng condo unit at higit sa lahat, sa
loob ng 2 buwan ay meron ng kotse/sasakyan.
Kung wala kang pambayad or quote
and unquote membership fee, puwede
kang magsanla ng kahit anong gadget. O
kaya magbenta ng mga sabon, inumin, shampoo, toccino, longganisa, imbotido,
hotdog, kakanin, bibingka, ice drop, tinapay at . For more information, sumama
lang kapag may nagyaya sa’yo sa daan na naghahanap sila ng
encoder/researcher/writer. Good luck sa
pressure kapag pinalibutan ka ng niggas nila.
Balik tayo sa kotse. Kung lahat ng member nila’y may kotse, at
Pyramiding (patanong na lang din sa
kanila kung ano ibig sabihin nito) ang kanilang istilo. Ipagpalagay nating
nagsimula sila noong 2009. At ibig
sabihin, andami ngang may kotse sa lungsod.
Kaya magagalit si mahal at
dakilang pulitiko. Ayaw niyang may
kahati sa negosyo este sa pangangalaga sa kapakanan ng kanyang
nasasakupan. Kaya bibilhin niya ang mga
ito, kung ayaw naman pumayag. Ipapapatay
lahat ng miyembro ng networking na ito.
‘Yong pagpapapatay niya pa e parang sa The Dictator na movie.
Dahil kanya na ang mga condo at
kotse, dito niya ngayon papatirahin lahat ng kanyang kamag-anak at
empleyado. Para hindi na hustle at magastos
sa gas, magpapatayo siya ng Mall sa tapat ng bahay/condo/mansion/kastilyo/
niya. Solve. Less Hustle.
5.
From
Urban to Rural – mapapansin ng butihing pulitiko na wala ng tao sa
lungsod. Maiisip niyang nasa probinsiya
na nga pala ang mga ito. Pero hindi niya
kailangan agad pumunta doon kasi puwede niyang kontakin ang ibang pulitikong
nasa probinsiya kung saan ba nagtatago ang mga taong dating taga-lungsod. Magkakasundo sila kasi nga’y lahat ng tao ay namundok. Pupuntahan nila ang mga ito – itong mga
mahihirap, mayayaman na naubusan ng pera at dating miyembro ng networking. Kaso hihirit ang mga nasa bundok.
“hoy, ‘wag na kayo dito”
“naparito kami para
tumulong” na lagi naman talaga nilang
ginagawa
“ulol, kuwento niyo pa”
Hanggang sa magkagirian. Pinipilit pumasok ng mga pulitiko(X) at
patuloy silang pinagtatabuyan ng mga taga-bundok(Y).
At dahil ayaw talagang makisama
ng mga Y. Ito’y mahahantong sa digmaan.
Pero sila’y Magkakasundo. Mag-aaway.
Magtatampo. May
mari-realize. Magbabago. Masasaktan, Luluha at muling Tatanggapin (repeat).
Lilipat ang X na taga-lungsod sa
probinsya para makipagtulugan sa mga X dito.
Ang dating payapang probinsiya’y
magiging kagaya ng dating imahe ng lungsod.
Dahil dalawa X dito. Kailangang may isang hirangin para sa
kapakanan ng bawat mamamayan dito.
Magkakaroong ulit ng eleksiyon.
Ganoon pa rin ang systema. At
pakibasa na lang ulit ng Tip 1.
Vice-versa naman kasi dito na sa probinsya ang terrain ng laban. Mapapalitan ang title ng: LIMANG
TIP PARA MAWALA SA PROBINSIYA ANG TRAPIK.
Then repeat sa Tip 1. Repeat,
repeat at repeat till fade.