(Essay kuno?)
Na-try mo na ‘yong may itatanong ka sa isang
tao? Ahm, sabihin nating medyo personal
at tungkol sa inyong dalawa. Sample:
“Kumain ka na?”
“Oks lang ako, ‘ge lang.”
“Pero kumain ka na?”
“Oks nga lang ako p’re.”
Nakakatanga.
Hindi malaman kung ano ba talagang ibig sabihin ng sagot na Ok Lang. Na hindi naman talaga tinatanong kung Ok Lang
ba siya? Dalawa lang ang sagot sa tanong
na nasa itaas: Oo o Hindi. Medyo may pagka-neutral
at bias ang sagot na Ok Lang, ‘no?
Kapag may exam din ‘yong mga estudyante, may kaunting
pagkakahawig ang mga banat, gaya nito:
“Kamusta exam bakla?”
“Sakto lang,”
pero halatang yamot ang mukha at pilit ang ngiti.
“E, ano’ng score mo?”
“Ok lang nga, sapat lang.”
Hasel talaga kapag ganito ‘yong sagot sa
tanong. Hindi malaman kung bakit ayaw
sabihin ang katotohanan - score. Pero
meron isang tanong na medyo nakakairita sagutin kasi mahirap. Kung lalabas nga lang ‘tong tanong na ‘to sa board
exam malalaman natin na masyadong predictable ang isasagot ng tao, kaya lalabas
na parang nagkopyahan sila kahit hindi naman talaga. Ahm, alam mo ba kung anong tanong ‘yon? Wait, wait, at wait. Teka madalas ka bang naka-online, tapos may
magpa-pop out sa chat box mo? Lagi rin bang
may load cellphone mo? Tapos may
magti-text sa’yo ng ganito. Game,
ready? O sige para cool dapat sagutin mo
rin ‘tong tanong na ‘to, pero kung hindi mo carry kahit mamaya na lang,
babalikan na lang kita, para may grade ka sa recitation.
“Kamusta/kmusta/mzta/musta/mHuZsTh4ah?”
Oh! Anong
isasagot mo?
Kagaya ng dalawa nating sample na conversation sa
itaas, s’yempre napaka-generic ng sagot.
Ok Lang ako. ‘Di ba? Subukin mong mag-deny susupalpalin kita. Biro lang.
Ito na siguro ang tanong na mahirap sagutin. Una dahil hindi natin kilala nang lubusan
‘yong kausap/ka-chat/ka-text natin kahit sabihin pang friend natin siya sa
Social Networking Sites – SNS (e.g. Facebook, Friendster etc) e mag-aatubili pa
rin tayong sagutin ang tanong na ‘yon.
Sino ba naman kasi siya para paglaanan ng oras, ni hindi nga kayo
masyadong close at siguro baka hindi pa kayo nagkikita in-person, ‘no?
Kahit sabihin pa nating close kayo, medyo hasel pa
rin magkuwento. Kaya ang isasagot mo na lang
sa tanong, OK LANG. Nakakatamad kasi, sayang oras.
Pagkatapos mo namang bitiwan ang sagot na nabanggit, awkward naman kung hindi ka
mag-i-effort na magbigay ng follow-up question.
“Ikaw kamusta na?”
‘Wag mong kalilimutang idol ka ng kausap mo. Gagayahin ka niya.
“Ok lang din naman.”
Mapa-chat, text or kahit sa personal ganyan ‘yong
linya ‘di ba? Ngayon para masabing
kunyaring concern ka, susundan mo ng ganitong gasgas na tag line.
“Nice, maganda yan, hehe J,” kung sa
text man yan, lagyan mo na lang ng emoticons.
Kung sa personal naman, isang ngiti na labas ngipin (either way puwedeng
sarcastic ha). Tapos awkward moment na
naman. Pero ang totoo wala na kayong
pag-uusapan kasi nga hindi kayo close at waste of time, ‘di ba, at d’yan
matatapos ang communication niyo.
“Kamusta ka?”
“Oks lang?”
“Kamusta ka?
“Oks lang nga.”
“Isa pa, sasapakin na kita. Kamusta ka?”
“ . . .”
“Ba’t ayaw mong magsalita?”
“. . .”
“Ba’t bigla kang napayuko?”
“. . .”
“Oh, oh oh. . . anong gagawin mo?”
“. . .”
“Hala! Ba’t
bigla mo akong niyayakap. Manyakis! Susuntukin talaga kita!”
“. . .”
“Ay ‘di talaga mapigil oh!”
“. . .”
“Kamusta ule?”
“Antotoo. . .” ayan na, magkukuwento na. Nakasimangot pa. “May problema ‘ko”
“Oh! Powtek naman, ano ‘yon?” Ito na, handa ka na?
“Kasi, ganito blah blah blah etc etc etc ……………………..”
“Ah kaya naman pala.”
At mahabang kuwento pa.
“Kasi nga blah blah blah etc etc etc ……………………..”
“Oh! Talaga?”
“Oo, kasi blah blah blah etc etc etc
……………………..” Umiiyak na talaga ‘yong
kausap mo. Hindi na maawat sa
pagkukuwento, gumaganda ‘yong discussion
niyo. E nagkataon na naka-relate ka sa
kuwento niya, kaya hindi puwedeng hindi ka rin mag-share, para naman masabi
nating concern tayo sa kausap.
“Ako nga rin, alam mo bang ano blah blah blah etc
etc etc ……………………..”
“Oh talaga kala ko ako lang may gan’un?”
“Oo peksman, tapos blah blah blah etc etc etc
……………………..”
Hindi mo namamalayang umiiyak ka na rin. Nagkasundo kayo sa topic, pinag-isa kayo ng
inyong problema. Nag-connect kayo dahil
sa pagsagot sa tanong na Kamusta Na?
Kung bakit natin sinasagot na Ok Lang ang tanong na
Kamusta Na? Kasi nga isinasaalang-alang
natin ang relasyon sa kausap. Kung hindi
talaga kayo close malamang na hindi ka magkukuwento. Pero kung close kayo at sumagot pa rin ng Ok
Lang ‘yong kausap mo, naku magduda ka na, kaibigan mo ba talaga yan? Biro lang.
May konsepto din kasi tayong mga Pilipino ng
salitang Hiya, na baka pagtawanan ka ng
pagsasabihan mo o kaya baka pagmulan ‘to ng malupit na tsismis na ikasisira ng
buhay mo. Ayaw rin kasi nating makaabala
sa ibang tao kaya sapat na sa’ting sarilinin na lang ang problemang ‘to. Tama?
E nagkataon, nagtampo sa’yo ‘yong kausap mo. Bakit daw hindi ka nagsasabi. Madaya ka,
bakit sa kanya sinabi mo sa’kin hindi?
At . . . at, sasabihin niya sa’yo,
Para Ka Namang Others, Nakakainis ka.
Hala yari, nag-away.
Gumanda ang relasyon ninyong dalawa kasi naging
matapat kayo sa pagsagot sa tanong na Kamusta Na? Minsan hindi naman talaga natin kailangan ng
solusyon sa problema, trip lang natin
magkuwento, para gumaan ang pakiramdam.
Kung gaano kabigat ang problema, gan’un din siguro kahaba ang kuwento,
just imagine. At ikaw na
pinagkuwentuhan, kapag natapos mong pakinggan ang problema na ‘yong kasama/kaibigan/kalandian/ka-chat/ka-text/ka-phone
pal. Ikaw naman ngayon ang
magkaka-problema. Ikaw na kasi ang
magdadala ng bigat (ng problema).
Ma-a-annoy at mapa-paranoid ka sa kuwento niya. Na hanggang sa pag-uwi problema niya ‘yong
dala mo. ‘Di mo nga alam basta nadala ka
sa kuwento niya, hindi ka mapakali. In
short pinasa sa’yo ‘yong problema. At
‘yong kausap mo, ayon nakangiti, kasi kahit paano nahimasmasan. Gumaan ang pakiramdam, kahit nga wala kang
binigay na solusyon, sapat na ‘yong pakikinig.
Sabi nga sa kanta na Pare Ko ng Eraserheads:
“O, pare ko, (O pare ko)
Meron ka bang maipapayo?
Kung wala ay okey lang, (Kung wala ay okey lang)
Kailangan lang (Kailangan lang) ay ang iyong
pakikiramay
Andito ka ay ayos na, (Andito ka ay ayos na)”
. . . Ops, tama
na, masakit sa tenga ‘yong boses mo.
Biro lang.
O ayan, kapag tatanungin ka ng
tropa/kaibigan/kababata/jowa/classmate/officemate/relatives mo tungkol sa buhay
mo o kaya Kamusta ka, bakit hindi mo subuking maging matapat sa sagot. At take note lalo pang lalalim ang samahan
ninyong dalawa. O ‘di ba?
Balik ule tayo d’un sa tanong ko sayo kanina, pero
this time dadagdagan ko. Game?
Ahm, about dito sa binasa mo, Kamusta?