Sunday, September 29, 2013

Ngiti at "Salamat"

(Dagli)


MASAKIT SA BALAT ang tama ng sikat ng araw, lalo na kapag ganitong tanghaling-tapat.  Kahit katatapos mo lang maligo, lalabas atlalabastalaga ang mumunting pawis mula sa 'yong noo, sa ilalim ng magkabilangtengapati na rin sa pisngi. 

Naghihintay ako ng masasakyang jeep papuntang Stop N Shopsa Nuevede Febrero st.  Habang nakatingin sa aking bandang kanan, nakitako angisang matandang lalaki.  Ewan, nawala ang atensyon ko sapaghihintay ngmasasakyan, kahit may jeep na huminto sa harap ko sa kanyalamang akonaka-focus.   Sinusundan pa ng tingin ang matanda.na maypagkabansot, naparang si Bentong ('yong sa ABS-CBN) pati na rin ang kanyangkulay.  Siguronga ayaw n'yang ipakita ang mga karanasang pinagdaanan,kaya para hindi malamankung asar na ba siya sa buhay, tinatakpan n'ya ang ulong sombrerong kulay asul. Kaso halata pa rin ang paglalagas ng putingbuhok.  T-shirt na dilawna may mukha ng isang pulitiko ang suot, halostastas na rin ang dulo ng kanyangkulay abong pantalon na galing 'ata sadonasyon.  Kuntento na rin sa pudpodnang ramboong tsinelas na halossumasayad na ang sakong ng kaliwang paa samainit na semento.  Sa kanangkamay bitbit ang Hello Kitty na paper bag, atdahil sa pagkausli ng mga lamannito, halatang mga kalakal na plastic anglaman.  Sa kanyang kaliwa naman,tatlong plastic na bago at halatang galingsa palengke, tumagos sa akingpaningin ang laman nito, halos mga gulay angnakita ko: kalabasa, sayote, okra,talong, isama mo na rin ang luya, sibuyas,kamatis, bawang (yan lang 'yongnaabot ng paningin ko).

Kapag hinahakbang n'ya ang kanyang kanang paa,umaangatang kaliwa nitong balikat, vice-versa.  Mukha ring nakangiti angkanyangmga mata kahit hindi nakikisama sa kanyang nararamdaman ang labi. 

Lumagpas na nga s'ya sa harap ko, pero tinitignan ko pa rins'ya nangayo’y nasa aking kaliwa na.  Akala ko nga’y kilala n'ya ‘yongtatlongmatatanda sa tindahang pinuntahan niya, akala ko rin papasok s'ya samayeskinita pero umupo s'ya sa tapat ng tindahan, nginitian ang mga taongmalapitd’un (akala ko talaga mga tropa niya ‘yon), kaso walang pumansin sapagbatin'ya.  Nagtinginan lang ang mga taong dinatnan n'ya at halatanggulat saginawang  ng matanda.

Nang makita kong kinakausap na s'ya ng mga tao (napinagkamalankong tropa n'ya kasi mukha na ring may edad at mukhangmagkaka-batch sila),d’un ko na inalis ang aking tingin.  Sasakay na kasiako ng jeep. Para sa jeep.

Nang huminto sa aking harap ang jeep, sa harap akopumuwesto. Tapos bumalik ulit ang aking tingin sa matanda (na kita sakinapupuwestuhan ko).

Umandar ang jeep, hindi pa kami nakakalagpas sa lugar kungnasaanang matanda, pumara ang isa sa mga kasama nito (na nakakaduda talagakung tropan'ya ba 'yon o hindi).  Sumenyas ito sa matanda na naghuhudyatna sumakayna ito.  Dahil sa may edad na, sobrang bagal talagamaglakad. Papalapit na ito sa jeep, lumapit sa driver, ngumiti, napangitirin ako kahithindi ‘yon para sa akin.  Lakad ulit papunta sa bukana ngjeep. Matagal at ganoon pa rin ang kanyang lakad ('yong parang pang-robot)

“Ay naku! Antagal naman maglakad nito, bawal tumambaydito. Baka mahuli ako.” Sabi ngbagitong driver na mukhang kaskaseroat halatang handang makipagpatayan kungsakali mang may manghu-holpad sakanya.  Tinitignan ko rin ang matandagamit ang salamin sa loob ng jeep(ito 'yong tinitignan ng mga driver kung saanpupuwesto ang pasahero). Inuna n'ya ang mga dala tapos humakbang na siya,halatang hirap.

“Konting bilis po!” Hindi na nakatiis ang bagitongdriver at humarap na ito samga pasahero para sitahin ang matanda.  Umusogang mga pasahero upang agadna makasakay ang matanda.  Nang makaupo na ito,nakahinga ako ngmaluwag.  Tango at paulit-ulit na salamat ang makikita sapagbigkas nglabi ng matanda
Umandar na ang jeep pero nakatingin pa rin ako samatanda. Bawat taong tumitingin sa kanya nginingitian n'ya.  Tapostatango siya naakala mo may pinag-uusapan talaga.

Inabot n'ya ang P8 na pamasahe, nginitian ang nag-abot.

Nasa Acacia lane na kami nang nag-para ang mga pasaherongmalapitsa matanda.  Huminto ang jeep.  Bumaba ang matanda (mabagalpa rin),kinuha ang mga dalahin.  Nasa kanya ang atensyon ng mga tao sajeep. Nang mahawakan niya na ang mga dalahin, tumingin siya sa salamin sataas ngjeep.  Ngumiti.  At kahit walang boses na maririnig, mababasasapagbuka ng kanyang labi ang salitang salamat.