(Tula)
Tinanong ng madla
Ang isang mama:
`Nasaan ang lupa
Na pangako ng iyong ina
Sa mga magsasaka,
Nang siya ay nangangampanya?’
Tugon niya,
Isang ngisi at iling na nakakabalisa,
Panibagong hamon
Para sa mga Pilipinong maralita`t makamasa
May pagbabago bang makikita?
May hustisya bang matatamasa?
At may magagawa kaya,
Ang mamang nanumpa
Noong ika-30 ng Hunyo,
Sa harap ng sambayanag Pilipino?
Na anak ng Asendero.
Tuesday, September 28, 2010
Tuesday, September 7, 2010
Naisip na kaya?
(Tula)
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit nag-iisip
Ang iyong pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit naitanong ko sa iyo
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit kita pinapaisip
Sa aking naisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede ko rin maisip
Ang iyong naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede mo rin maisip
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na gawain ng ating pag-iisip
Ang mag-isip?
Juan,
Naisip mo ba,
Ang naiisip ng iba,
Pwede mo rin maisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung ang iyong isip,
Napapagod sa pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit "JUAN"
Ang tawag ko sa iyo ?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit nag-iisip
Ang iyong pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit naitanong ko sa iyo
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit kita pinapaisip
Sa aking naisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede ko rin maisip
Ang iyong naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na pwede mo rin maisip
Ang aking naiisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Na gawain ng ating pag-iisip
Ang mag-isip?
Juan,
Naisip mo ba,
Ang naiisip ng iba,
Pwede mo rin maisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung ang iyong isip,
Napapagod sa pag-iisip?
Juan,
Naisip mo ba,
Kung bakit "JUAN"
Ang tawag ko sa iyo ?
Sunday, September 5, 2010
Larawan ng Kahapon
(Tula)
Minuni-muni ang kahapon
At binalikan
Mga alaalang nagbigay paalala
Sa nagdaang panahon.
Ginunita,
Mga pangyayari
Na noon nakatuon
At naganap sa isang pagkakataon.
Ang mga ito ay sumariwa,
At umalingawngaw
Sa aking balintataw.
At muli kong binalik
Ang larawan
Sa dati nitong lalagyan,
-Photo Album
Minuni-muni ang kahapon
At binalikan
Mga alaalang nagbigay paalala
Sa nagdaang panahon.
Ginunita,
Mga pangyayari
Na noon nakatuon
At naganap sa isang pagkakataon.
Ang mga ito ay sumariwa,
At umalingawngaw
Sa aking balintataw.
At muli kong binalik
Ang larawan
Sa dati nitong lalagyan,
-Photo Album
Hanay ng mga Langgam
(Tula)
Magkakahanay na naglalakad
Sa tuyong daang tinatahak.
Iisa ang misyong nais makamtan
makabalik sa kampo
bitbit mga pagkaing makukuha
sa mahabang paglalakbay.
Nagsasalungatan
Ang dalawang linya,
isa paalis
at isa naman pabalik.
Sa isang hanay
mga nakapila
walang bitbit ano man,
sa kabilang hanay naman
isang katerba ang dala,
at hanggang ngayon,
hindi ko pa rin alam
kung saan ito mapupunta.
Magkakahanay na naglalakad
Sa tuyong daang tinatahak.
Iisa ang misyong nais makamtan
makabalik sa kampo
bitbit mga pagkaing makukuha
sa mahabang paglalakbay.
Nagsasalungatan
Ang dalawang linya,
isa paalis
at isa naman pabalik.
Sa isang hanay
mga nakapila
walang bitbit ano man,
sa kabilang hanay naman
isang katerba ang dala,
at hanggang ngayon,
hindi ko pa rin alam
kung saan ito mapupunta.
Subscribe to:
Posts (Atom)